"Oo, kailangan kong sagipin ang buhay niya, kaya kailangan ko siyang gawing bampira upang mabuhay siyang muli. Natatandaan mo noong huling lamay sa pamilya mo?" "Oo, bakit?" "Narinig niya mula kay Adolfo Trump, na pinaatake niya tayo ng kaniyang mga tauhan doon sa chapel. Para patayin tayong pareho at buti na lang narinig niya at tinawagan niya agad ako. Iyong nga lang nahuli siya at binaril. Sinabi niya ayaw pa niyang mamatay dahil kailangan pa siya ng kanyang pamilya," mahabang kuwento nito. "Kawawa rin pala si, Mhai. Ummm… nasaan siya?" At nagpalinga-linga siya. "Inutusan kong sundan sila." "Kung ganoon, maiwan na lang ako dito at hihintayin na lang kita dito." "Sigurado ka?" "Oo, My King." "Kung ganoon, kakain na muna tayo bago ako aalis." "Okay, mas mabuti pa." Kumain ang

