Ngunit walang awa na pinatay ito ni Jessica. Uuwi na sana sila nang biglang naalala ni Jessica ang HOMELESS CHILD CHARITY at pinuntahan nila ito. "Alam mo ba ang lugar na ito, sweetie?" tanong ni Cassius. "Of course! Kay Orpheus ito!" Pumasok sila sa loob at hinahanap ang kuwarto ng mga bata. Ngunit wala silang nakitang mga bata doon. Pero nandoon ang mga empleyado ng charity. at dahil ginamitan ito ni Cassius sa kapangyarihan niya kaya hindi ito nakita ni Shea. Sinubukang lumaban ng mga ordinaryong bampira, ngunit masyadong malakas si Cassius at si Jessica. Kinabukasan ay maagang tumawag si General Geof, kay Orpheus at kasalukuyan pang tulog ang mag-asawa. "Uhmm, My King, phone mo..." yugyog ni Yvette sa asawa. Nagising naman ito at tiningnan ang phone kung sino ang tumawag. "G

