Habang gumagalaw ang kamay ng orasan na 'king tinatanaw ay ang paglalim ng gabi. Kung gaano kahimbing si Prii, ang alagang pusa sa kabilang sulok ng malapad na higaan ay ang siyang aking pagkamulat. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na hinila ang sarili sa pagtulog ngunit hindi 'yon nangyari. Pagod na iniangat ko ang talukap ng mata. Bago tuluyang bumangon. Kinuha ko muna ang cellphone sa aking tabi para itext si Esquivar. Sana gising pa siya. Suot ang kulay itim na t-shirt, pantalon at lumang converse ay nagpunta ako sa maliit na library sa loob ng aking kuwarto. Sakto sa pagpasok ko roon ay ang pagbukas ng lihim na lagusan malapit sa bookshelf. Ginawa 'yon ni Noe noong fifteen pa lang ako. Magmula noon ay ang lagusan na 'yon na ang silbing takbuhan ko sa tuwing gusto kong takasa

