bc

Mr. Suplado Meets Naughty Girl

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
second chance
friends to lovers
heir/heiress
sweet
city
enimies to lovers
addiction
like
intro-logo
Blurb

Masayahin, madaldal, at palaban ni Nicole Ramirez, isang simpleng tindera ng maruya at banana que na handang gawin ang lahat para matulungan ang kanyang pamilya. Sa kanila ng kahirapan, hindi nawawala ang positibo sa buhay. Samantala, si Adrian Villamor ay isang matagumpay na abogado at negosyante na kakabalik lamang sa kanilang bayan matapos ang maraming taon. Gwapo, mayaman, at matalino - ngunit kilala rin bilang isang suplado at malamig na lalaki na tila walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Nagsimula ang kanilang muling pagtatagpo sa isang hindi inaasahang insidente nang masabuyan ng maruming tubig si Nicole ng sasakyan ni Adrian. Mula noon sunod - sunod na ang kanilang bangayan, asaran, at hindi pagkakaunawaan. Ngunit paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo ay unti - unting mabuksan ang mga pusong matagal nang naghihintay na muling magmahal? Makakaya kayang tunawin ng isang makulit na dalaga ang malamig na puso ng isang Mr. Suplado? O mananatili lamang silang magkaaway habang - buhayIsang nakakalig, nakakatawa at puno ng emosyon na kuwento ng pag - ibig, pagkakaibigan, at ikalawang pagkakataon ang naghihintay sa inyo sa Mr. Suplado Meets Naughty Girl.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "MARUYA... Banana que.. bili na po kayo ng maruya.." Sigaw ni Nicole na naglalakad sa gilid ng kalsadang hindi pa konkreto sa baranggay nila. Nasa ulo nito ang bilao na laman ay ang mga paninda niyang maruya, banana que at iba pa. "Ate at kuya bili na po kayo, masarap po ito. Kapag makakain po kayo nito ay tiyak na hindi ninyo mahanap hanap ang higaan ninyo at lalo pa kayong mainlove sa isa't isa." Anya nito sa nakasalubong na naglalakad ding magkasintahan. Natawa naman ng pagak ang dalawang magkasintahan at nagkatinginan sa isa't isa na parehong napakibit-balikat. "Sige bibili kami." Anya ng lalaki. "Hindi po kayo magsisisi na bumili po nito kaya pili na po kayo kung alin ang bibilhin ninyo." Sabi naman ni Nicole habang ibinaba ang hawak niyang bilao na ipinatong sa ulo at ipinakita sa mga ito. "May maruya, banana que, ubi na ginuling po sa asukal at meron din po suman na may palaman sa gitna." Pagpiprisinta nito sa paninda niya. Kinuh naman ng lalaki ang sinasabi niyang suman at sinimulang balatan at kainin. "Wow! Ang sarap nga! Babe tikman mo." Nakangiting anya nito habang sarap na sarap sa pagnguya at sinubuan ang nobya. "Wow !! Ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na suman ah! Kakaiba siya." Naibulalas din ng babae. Malawak naman ang mga ngiti sa labi ni Nicole na nakatingin sa dalawang ganado sa pagkain ng suman niya, naging costumer niya ito sa daan pa lang. "Magkano po ang mga ito?" Tanong ng lalaki. "Five pesos po bawat isa." Sagot ni Nicole. "Hmp.. sulit naman pala dito ang five pesos babe oh, kasi bukod sa napakasarap na ay may kalakihan pa." Anang lalaki sa nobya na tumango naman nakangiti. "Bibili kami ng lima sa banana que, lima sa maruya, lima sa ubi at sampo naman sa suman." Sabi ng babae kay Nicole na sinimulan naman ilagay sa supot ang mga napili nito. "Ito na po." Nakangiting inabot ni Nicole sa kanila yun. "Ito naman ang bayad namin." Sabi naman ng lalaki na inabot ang pera sa kanya. "Maraming salamat po sa pagbuena Mano. Kung gusto niyo po bumili maaari na rin po kayong pumunta sa tindahan namin sa bahay." Anya ni Nicole. "Okey!" Tugon lang ng magkasintahan. "Sige po." Nakangiting sagot lang din nito bago sila tuluyang maghiwalay saka nagpatuloy na rin sa paglalakad. SA pagpapatuloy niya'y nakarami na rin siya ng benta sa nakakasalubong niya sa daan. Kaya halos hindi na siya nakaabot sa palengke ay nauubos na ang paninda niya. NAGKAUMPUKAN ang mga taong bumibili kay Nicole sa gilid ng kalsada kaya hindi nila agad napansin ang mga kotse na paparating. Sakay ng mga kotseng iyon ang Mayor ng bayan nila, kasama ang mga bodyguards at iilang councillors niya upang bumisita sa palengke. Na plano naman i-renovate ng anak niyang lalaki sa mas pinalawak at pinaka maganda sa ayos niyon sa kasalukuyan. "Bakit may umpukan ng mga tao diyan? Ano bang meron at nangyayare diyan?" Tanong ng Mayor nang matanaw mula sa loob ng kotse ang umpukan ng mga ito. "Hindi ko rin po alam Mayor eh.. pero sa tingin ko naman po ay parang wala naman din mali o masamang nangyayare sa umpukan na yan." Magalang na sagot ng kanyang driver. "Ihinto mo sa tapat nila para malaman ko kung ano ba yang pinag-uumpukan nila diyan." Utos ng Mayor. "Yes Mayor." Sagot ng butihin niyang driver. Nang mapatapat naman din sila ay hininto naman din niya ang kotse sa umpukan. Binuksan ng Mayor ang Window shield ng kotse sa tapat niya upang sumilip sa labas. "Ano bang nangyayare diyan at nag-uumpukan kayo dito sa gilid ng kalsada?" Tanong nito dahil hindi man lang niya makita ang pinag-uumpukan nila. Ni hindi na inunawa ang mga sinasabi ng mga ito at kaagad na siya nagtanong. Taranta naman napalingon at humarap ang lahat sa nagsalita dahil naulinigan nila ang may-ari ng boses na yun ay sa Mayor ng bayan nila. MULA sa likod ng kanyang mga kasama ay nakita niya ang mga kotseng nakaparada sa tapat nila. Nakita niya na ang kausap ng mga ito ay ang ama ng bayan nila. "Sino ang nagmamay-ari ng mga paninda na yan?" Baritong tanong ng Mayor. Nagulat si Nicole sa klasing tanong ng Mayor at bigla siyang naka ramdam ng kaba sa dibdib. Pero agad din naman bumuntong hininga para pawiin ang lumulukob na kaba. Bago nakipagsiksikan sa mga kasama para pumunta sa harapan. "Mayor ako po ang may-ari ng mga paninda na'to. Pasensya na po kung dito na kami nagbentahan sa gilid ng kalsada, nagkataon lamang po kasi eh." Mapagkumbabang paumanhin nito. "Nicole?? Ikaw ba yan??" Hindi makapaniwala na tanong ng Mayor, nang makilala ang dalagang nakayuko ang ulo. ACTUALLY kilala naman din talaga ni Nicole ang Mayor ng bayan nila mula pa noong bata pa siya dahil sa magkakaibigan sila ng kanyang mga magulang at ang anak naman nitong lalaki ay naging bestfriend naman din ni Nicole. Pero dahil sa problemang hinarap ng Mayor noon tungkol sa pulitika ay nagsilikas ang mga tao sa lugar. Kasabay din nila sa paglisan ng lugar ang bestfriend sa pagkabata ni Nicole ang anak ng Mayor. Nabalitaan niyang nasa Thailand na ito tumira at nagpatuloy ng pag-aaral hanggang sa naging matagumpay na rin itong young businessman at bilang isang abogado doon. "Kumusta ka na iha? Kumusta na ang tatay at nanay mo? At kailan pa kayo nakabalik muli dito sa bayan natin? Ang tagal din ninyong nawala ah.. tapos heto ka na ngayon, napakaganda mo ng dalagang dalaga na talaga." Sunod-sunod na katanungan ng Mayor kay Nicole. "Okey naman din po kaming lahat Mayor at ganun din naman po sa dati ang trabaho namin ni nanay. Katulad ng nakikita niyo po nagtitinda pa rin po ako ng mga luto ni nanay na banana que, maruya, suman at iba pa po." Nakangiti ng sagot ni Nicole sa Mayor. "I see. Oo nga pala, meron pa ba diyan natira? Parang namis ko kasi ang mga yun eh.. matagal tagal na rin ako hindi nakatikim ng masarap na suman. Naalala mo yung pagbibisita namin doon sa inyo? Sa pagkain namin ng suman na may 'sanggaka' sa gitna?" Masayang pagkukuwento ng Mayor. "Opo. Heto nga po yun eh." Natatawang sagot ni Nicole at inilapag sa harapan ng Mayor ang hawak na bilao na may iilan lang natira sa 500 pieces na paninda niya. "Sige iha, ilan ba lahat yan? Dahil kukunin ko lahat ng mga yan. Alamo naman noon pa na pag nakakaubos ako ng sampong piraso ng suman na yan ay katumbas din ng lunch meals ko eh." Saad ng Mayor. Muli naman din natawa si Nicole sa sinabi ng Mayor. "Sampong piraso lang po ang natira sa maruya, banana que ay wala na po pero maswerte pa rin po kayo Mayor dahil kayong lahat ng mga tauhan niyo po ay may budget po." Anya nito. TINULUNGAN naman siya ng ibang mga babae na ilagay sa supot ang lahat ng mga yun at iniabot sa bodyguard ng Mayor na bumaba sa kotse at lumapit sa mga ito. Saka naman iniabot ng kusa ni Mayor ang bayad sa dalaga! Kung gaano man kalaki ang perang iyon ay hindi na niya inalam, Basta kung ano ang nakuha sa pocket money ay yun na ang binigay. "Maraming salamat po Mayor." Pasasalamat ng dalaga dito. Tumango naman nakangiti ang Mayor sa kanya. "Ikumusta mo na lang ako sa tatay at nanay mo. Sabihin mong lulusubin namin ang mga suman at maruya niyo doon sa inyo." Natatawang anya nito. AT nang napagtanto nilang may himig na biro ang sinabi ng Mayor dahil sa sinabayan pa niya ng tawa ito ay natawa naman din ang mga naging costumer ni Nicole. "Yes po Mayor." Natatawang sagot ni Nicole. Itinaas na ng Mayor Window shield ng kotse at ang driver naman niya'y binuhay na ang makina saka nagpasiyang patakbuhin ang minamaneho. INULAN siya ng papuri mula sa mga bumili sa kanya dahil sa naging costumer din nito ang Mayor ng bayan nila at sa halaga ng perang binayad sa kanya. Hanggang sa yun na ang tuluyan nilang paghihiwa-hiwalay na may ngiti sa labi. ARAW-ARAW ganun ang ginagawa niya at palaging ganun ang sitwasyon niya, sa daan pa lang siya ay dinudumog siya ng mga nakakasalubong na bumibili sa paninda niya. Hanggang sa... DUMATING ang hindi inaasahang pangyayari. Sa kanyang patuloy na paglalakad habang sumisigaw ng "MARUYA" at "BANANA QUE" ay nasabuyan siya ng tubig na galing sa kalsada sa bandang tapat niya, nang dumaan ang kotseng itim na wala na yata pakialam sa Mundo dahil hindi man lang siya dinaluhan. Ang nangyare? Naligo siya sa maruming tubig na nagmula sa kalsada pati ang paninda niya ay nabasa na rin, dulot ng pagtalon ng tubig sa napakataas at sa kanya pa talaga nasentro. KAYA sa nakitang hitsura na animo'y parang basang sisiw ay umusok na lang bigla ang ilong sa naramdamang galit sa driver ng kotseng itim na ang tinatahak ding dereksyon ay sa palengke. "Hoy... Buwisit... Mamatay ka sana demonyo... Ka..." Pagsisigaw nito dahil sa sobrang inis. At akala naman niya'y naririnig siya ng hatid tanaw lang niyang tumatakbong kotse. Huh! Wala daw siya Pake kung hindi man siya naririnig ng anak ng demonyo. Basta mailabas lang niya ang galit sa kalooban niya. . . . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
735.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
969.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
353.9K
bc

Not just, the Beta

read
345.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook