Chapter 3

3348 Words
Chapter 3 NAPAKAMOT na lang sa batok niya at napangiti ng hilaw si Popoy sa inasta ng dalagang lihim niyang crush habang ang mga kaibigan nito'y napanganga sa katapangang nakita nila. "Bro, mabaho daw ang kilikili at singit mo sabi ng my loves mo. Totoo ba?" Bulong ng kaibigan niyang lumapit sa kanya. Dahil hawak naman ni Popoy sa kanang kamay niya ang bola at doon naman din nakapwesto ang kaibigan na bumulong sa kanya ay siniko niya ito kaya napaigik naman ang tinamaan sa dibdib. "Ako? Ayokong maligo doon kasama ng kalabaw. Eww!! Ang baho kaya doon no? 'Tsaka excuse me Nicole ah, hindi kaya mabaho ang kilikili at singit ko. Amoyin mo kaya." Anya ng isa. "Ayoko nga no? Baka mahimatay pa ako eh." Sagot ng dalaga. "A-ahh.. N-nics sorry sa nasabi ko okey? Pasensya na. Halika, samahan na kita sa bahay ninyo at nang makaligo kana rin. Baka magkasakit ka pa niyan eh.. ayokong mangyari sayo yun." Pang-aalo naman dito ni Popoy na lumapit sa dalaga. "Ikaw Popoy ah, hindi mo ako makuha kuha sa pang-aalo mo na yan. Nasabi mo na eh.. ano pa nga bang magagawa ng sorry mo eh nasaktan mo na ako. Nasaktan mo na ang puso ko." Pagdadrama naman ni Nicole na bahagya pang itinulak ang binata na kaharap at nakahawak sa kanya. "Yun oh!" "Woohh.." "Nak-ku brod, patay ka diyan! Sinaktan mo naman pala ang feelings ni my loves mo eh." "Heartbreaker ka pala dude?" Mga salitang nasambit ng mga kaibigan ni Popoy kung kaya ang binata ay napalingon sa mga ito. Nakasanayan na nilang gano'n ang pag-uugaling meron si Nicole. Sa araw-araw ba naman nilang pagkakita ay bakit hindi? Sadyang may pagka pilya lang talaga ang dalaga, dominante, matapang, may pagka matigas ang puso at higit sa lahat ay may pagka tigresa din. Kaya sa unang tagpo ay aakalain na wierdo talaga siya. "Hindi ako heartbreaker ah.. at lalong hindi rin ako playboy alam niyo yan." Pagdidipensa ni Popoy sa sarili. "Oo nga pala. Nakalimutan ko nga pala na torpe ka pala dude hahaha." Pambubuska nito kung kaya nagsitawanan ang mga ito. "Alamo dude guwapo ka naman eh.. pang heartthrob ang looks mo matangkad, matikas ang katawan. Kung titingnan ka nga sa panlabas anyo perfect na. Alamo kung naging babae nga lang ako eh.. nainlove na ako sayo eh.. pero kung gaano man kalaki yang katawan mo kabaliktaran naman ng pagkatorpe mo kasi hanggang tingin kana lang at hanggang ilusyon kana lang din." Pagpupuri sa kanya ng isa pero sa huli pala ay nilaglag din siya. "Ha? Totoo ba yun Popoy? Sino ba yung babae na natitipuhan mo? Sabihin mo sa akin at nang matulungan kitang ligawan siya." Kapagkuwa'y tanong ni Nicole sa binata. "Ha? A-ahh.. wa-wala yun Nics. Huwag mo nang pansinin ang mga gunggong na yan. Tara na." Taranta namang napalingon na sagot ni Popoy dito at Ipinulupot ang kaliwang kamay sa bewang ng dalaga at dali-daling iginiya patungo sa bahay nila Nicole upang makaiwas sa mga kaibigan. Nang maglakad na sila ay napabuntong hininga ito ng malalim at lihim para hindi mahalata ng dalaga. "Hoy dude, bumalik ka dito! Hindi pa tapos ang laro natin." Tawag sa kanya ng kaibigan. "Oo babalik din ako agad! Ihahatid ko lang si Nicole sa kanila. Hintayin niyo lang ako diyan." Sagot ni Popoy dito at saka ipinagpataloy ang paglalakad patungo sa bahay nila Nicole. "Ikaw talaga dude masyado kang anu eh.." sigaw pang muli ng kaibigan na ikinahalakhak naman ng iba. Pero napapailing lang naman si Popoy at napangiti naman din. Ang hindi alam ng lahat, may mga matang luhaan na nakatingin sa kanila mula sa bintana ng bahay nila na nasa itaas. Pusong kaytagal inaaasam na sana ay siya na lang ang mahal ng binata na lihim naman din iniibig ng puso niyang palagi na lang bigo, palagi na lang talunan sa lalaking minamahal. Kailan pa kaya darating yung panahon na magiging no.1 at maging panalo siya sa taong mahal niya? Ano bang mali sa kanya? Kung tutuosin nga naman eh.. maganda naman talaga siya, yun nga lang naging masama lang ang ugali dahil sa ipinaglalaban lang ang pag-ibig niyang wagas sa taong mahal niya pero iba naman ang mahal. Kilala siya ng lahat na kontabida, mang-aagaw at maldita noon. Pero ngayon sawang sawa na siya sa pagiging kontabida kaya halos hindi niya rin maunawaan kung bakit isang araw naging mahina na lang siya at lihim lang naman nakasubaybay sa minahal na naman niyang lalaki na ang mahal ay iba. "Ano bang klasing puso ang meron ka Cheska? Bakit palagi ka na lang tumitibok sa maling lalaki pa dahil hindi ka naman mahal?" Pagdadalamhati nito na halos manlabo na ang paningin sa sobrang pag-iyak habang tinatanaw sina Popoy at Nicole na nakapulupot ang braso ng binata sa bewang ng dalaga. ( Ohh.. kawawang Cheska! Palagi na lang bigo Pero I have a surprise gift sayo PAGKARAAN ng ilang sandali ay malinis na ulit si Nicole na lumabas ng bahay nila. Wala siyang kasama sa bahay dahil ang tatay niya ay nasa sakahan at ang Lola at nanay naman niya ay nasa palengke na. Kailangan niyang nagmadaling pumunta doon dahil kabilin bilinan sa kanya ng nanay na susunod kaagad siya sa pwesto nila sa palengke. Kung hindi nga lang sa hindi inaasahang pangyayari ay dumating na sana siya doon. Sakto naman paglabas ni Popoy sa bahay nila ay natanaw niya ang dalaga na palabas na sa pintuan ng bakod ng bahay nila. "Nics! Saan ang punta mo?" Tawag niya sa dalaga. "Sa palengke Popoy. Ikaw saan ka pupunta at bihis na bihis kana rin yata? May date ka ba?" Balik tanong din nito habang lumalapit sa binata at pinasadaan ang porma nito mula ulo hanggang paa. "Tss.. parang hindi ka naman sanay sa akin. Simpling porma lang naman to eh." Nakangiting sagot ni Popoy. "Simpling porma pa ba yan sa tingin mo? Ang guwapo guwapo mo kaya oh?" Puring totoo ni Nicole dito. "Binola mo pa ako eh." Nakangiting sagot ni Popoy. "Hoy! Totoo ka yun no?" Seryosong tugon ni Nicole sa kanya. "Ah! Hatid na kita kung okey lang sayo. Doon din naman ako tutungo eh." Kapagkuwa'y alok nito kay Nicole upang makaiwas sa kadaldalang hindi talaga paawat ang bibig ng secret admirer niya. "Talaga? Anong kukunin mo doon? Ay oo nga pala namamasada ka pala pero baka makaabala pa ako niyan ako sayo ah, wala pa naman pamasahe sayo." Pagbibiro ng dalaga. "Hays! Kung hindi nga lang ako saksakan ng torpe at duwag ay nahalikan na kita ang labi mo para tumigil ka sa pagkadaldal." Sabi ni Popoy sa sarili. "Libre mo na lang ako ng banana que o ng maruya ninyo. Yun na lang ang bayad mo." Panggatong na lang nito. "Oo ba! Sige tara na nga. Nagmamadali naman din ako eh.. siguradong naiinip na sa paghihintay sa akin doon sina Lola at nanay." Tugon ni Nicole dito. Nilapitan naman siya ni Popoy at Ipinulupot ang braso sa bewang ng dalaga then iginiya itong makasakay sa motor de side car niya. Pagkasakay ng dalaga ay umikot naman siya sa kabila at umupo doon. Binuhay ang makina at saka dahan-dahan na pinausad. Nadaanan pa nila sa tabi ng kalsada ang mga kaibigan nitong nakangisi at napapailing lang kay Nicole. Ngunit pilyong gumanti ng isang kindat at ngiti si Popoy sa mga ito. Ang iba ay pa siyang paluin sa braso na may kasamang pang-aasar. SA PALENGKE. halos nagsisikskan na sa dami ng mga taong namamalengke ang lugar, bawat pwesto ng mga tindero't tindera ay Punong puno ng mga taong nagbibili. Kaya halos nakikipagsiksikan din si Jastin na bumisita sa hitsura ng palengke na babaguhin daw ng pinsan niya. Ipinagkatiwala muna ito saglit sa kanya ng pinsan habang hindi pa makakauwi sa bansa dahil hectic din sa trabaho ang Mayor. Ganun din naman siya ah! Tsk! Malilentikan na talaga ang pinsan niya pag-uwi nito sa pilipinas abang naglalakad siyang nasa likod pa rin ang apat na bodyguards ng Tito Mayor niya ay nagmamasid na rin ito sa paligid, na para bang pinag-aralan mabuti ang mga process na gagawin. ON THE NEXT DAY na pagbisita niyang muli ay kasama na niya ang kaibigan niyang Engineer na si Jhon Paul Sebastian, ang nagmamay-ari ng JPEM construction company sa Makati City sa pag survey. On their observation masikip nga naman, luma na ang mga kagamitan, maging ang mga pwesto ng mga tindero't tindera ay halos magigiba na kaya tama naman din ang planong pagbabago ng anak ng Mayor dito sa mas malawak, maganda at komportable ang pwesto. Hindi yung halos nakakadiri at nakakasuka ng hitsura dahil sa pagkabulok nito. Naglalakad ang dalawang binata na busy sa pag-uusap about special strategies in plan to do renovation sa palengke. Kaya bawat isa sa kanila ay hindi nakatingin sa dereksyon ng patutunguhan kundi sa bawat nadadaanan nilang hitsura ng mga pwesto ng palengke habang nakakumpas din minsan ang mga kamay nila doon. Kahit nga ang mga babaing nakatingin sa kanila ay wala sa atensyon nila kasi focus lang sila sa plano. SAMANTALA naglalakad din si Nicole na hindi nakatingin sa dereksyon ng nilalakaran kundi sa hawak niyang bilao na nilagay sa bewang niya dahil tsi-check niya ito kung nasa tamang dami pa rin ba ito o may kulang. Nang.... Bigla siyang nakabangga sa hindi niya mawari kung pader nga ba o ano? At dahil sa hindi siya nakaingat ay tumilapon ang mga paninda niyang banana que, maruya at iba pa sa lupa . "Ohh! My gulay!! ang mga banana que at maruya ko!" Tarantang bulalas nito at agad lumuhod para pulutin ang mga ito. "Holly s**t!" Napamurang sambit ni Jastin dahil sa pagkagulat. "What the hell you doing? Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" Gulat na gulat naman sigaw nito sa babaing pinupulot ang mga paninda niya at nilalagay sa bilao. "Letse! Ikaw na nga itong nakabangga sa akin, ikaw pa itong may ganang magalit." Umusok naman sa galit ang tumayong dalaga pero nang napagmasdan ang mukha ng binata ay natulala na lang ito sa guwapong mukha ng kaharap. Kung kaya nakuha nila ang atensyon ng lahat pati ng binatang Engineer na si Paul ay napanganga at natulala na lang sa pangyayari. (Mr. Engineer, ang bunganga mo baka pasukan ng langaw "You're so stupid girl! Ikaw ang nakabangga sa akin okey? And look what you have done, nadumihan mo pa ang damit ko." Bulyaw ni Jastin na ikinabalik ng huwisyo ni Nicole. "Hoy! Demonyong guwapo huwag na huwag mo akong pagbibintangan ah kasi obvious naman na ikaw ang bumangga sa akin eh.. kita mo nga naman oh, nandahil sayo tumilapon ang mga paninda ko." Galit na galit nitong dinuro duro gamit ang banana que na hawak ang lalaki sa harapan niya. Napatiim bagang namang napamewang ng dalawang kamay niya ang 'son of the demon' daw sa umusbong na galit sa dibdib. NAPATIIM BAGANG namang napamewang ng dalawang kamay niya ang 'son of the demon' sa umusbong na galit sa dibdib. Dahil kung kailan focus na focus siya sa topic nila ng Engineer niya ay saka naman may asungot na mang-aabala sa kanya (grabe ka naman Mr. Suplado, asungot na agad ang tingin mo kay Nicole? Lagot ka niyan pag marinig niyan Specifically sa magandang takbo ng pag-iisip niya about sa pagbabago ng palengke. "Ang galing mo rin ano? Wow! Ang galing mo talagang umarte, pang best actress of the year! Alamo? Masyado ka rin papansin eh. Gumagawa ka ng kwento na hindi naman makatotohanan, kaya sa susunod galingan mo pa ha? Hindi kasi ako nakumbinsi eh." Nanggigil ang bagang na sabi nito sa dalaga. Malapit na malapit pa ang mukha nito sa mukha ni Nicole. Amoy na amoy naman ni Nicole ang mabangong hininga nito at biglang napamilog ang mga mata sa pagkakalapit ng mga mukha nila. Pero nang makahuma ito ay itinulak ang binata saka sinampal na lang bigla. "Bastos ka ah! Bayaran mo lahat ng mga ito! Bayaran mo lahat ng mga paninda ko na hinulog mo kundi isusumbong kita kay Mayor at ng matauhan ka." Bulyaw ni Nicole na dinuro duro ulit ang lalaki. "Huh! Ako? Isusumbong mo sa Mayor? Edi magsumbong ka, GO!" Nakangising sabi ni Jastin na itinuro din ang sarili. "Anak ka ng demonyo! Letse!" Bulyaw nito sa mukha ng lalaki. "And you are the daughter of b***h. Stupid girl!" Ganting pagmumura ni Jastin dito na taas baba niyang tiningnan ang dalaga. "Dude calmed down! Babae lang yan, huwag mo siyang pag-initan ng ulo. Dapat nga eh.. tinulungan mo na lang hindi yung inaway mo pa." Pag-aawat naman ng natauhan sa pagkakanganga niyang si Paul kay Jastin. Nalingon naman siya ni Nicole at doon niya napansin na kasing guwapo rin nito ang lalaki na umaway sa kanya. "Awat na pare Okey? Isipin mo naman nandito tayo sa public place at mga professional tayong tinitingala ng mga kapwa citizens natin tapos gumagawa ka ng mga bagay bagay na ikakasira ng image mo sa lipunan?" Pag-aawat pang muli ni Paul sa kaibigan na hindi pa rin kumakalma sa galit. "Ano?! Magso-sorry ka ba at babayaran mo naba ang paninda ko?" Pang-uuyam pa ng dalaga. "No! I will never say sorry to you because it's your fault, not me." Mariing sagot ni Jastin. "Enough dude!" Sabat ni Paul. "Ah miss ako na ang humihingi ng sorry para sa ginawa ng kaibigan ko. Sorry talaga ha? Kasalanan naman din namin dahil hindi kami tumitingin sa dinaraanan namin. Pasensya kana talaga." Hinging paumanhin nito sa dalaga. "Hindi mo yun kasalanan sir kaya huwag mong akuhin ang kasalanan ng iba. Dapat siya ang humingi ng sorry sa akin." Napamewang na sagot ni Nicole dito at itinuro pa si Jastin. "So inaasahan mong magsorry ako sayo? Huh! Never!" Napangising sabat naman ni Jastin. "Ah ganun ba? Ayaw mong magsorry?" Maangas na Anya ng dalaga. "What do you think?" Mapang-asar na tugon ng binata. Mabilis na yumuko so Nicole. "Ayan! Sayong sayo na yang mga paninda ko. Kainin mo yan at isaksak mo sa baga mo. Tabi diyan dumadaan ako! Nakaharang ka eh." Matapang pang itinulak ang binata. Nagulat naman si Jastin sa ginawa ng pagtapon ng babae sa mga nakatuhog pang saging sa dibdib niya at sa bilis ng pangyayari ay wala siyang nagawa kundi ang mapanganga. Kapagkuwa'y napalingon na lang siya sa likod na nakatanaw lang sa kinaroroonan ng babaing maangas. "Kakaiba siya!" Daing ng isip niya. Napangiti naman si Paul na tinapik tapik sa balikat si Jastin then said, "Mukhang nakahanap ka ng katapat mo dude sa katauhan ng tindera girl na yun ah." Anya nito habang tinatanaw ang papalayong babae. Habang ang mga tao ay hindi rin makahuma sa pangyayaring naganap, kahit na alam din naman nilang ganun na talaga nila nakilala ang dalaga. Palitan lang silang nakatingin sa gawi ng dalawang binata at sa gawi ng dalagang napapalayo na. Napapailing iling naman si Jastin sa sinabi ni Paul at napangisi na lang din. "Hindi siya ang klase ng babae na papasa sa taste ko. You know me better at all." Sabi nito. "Oops! Huwag magsalita mg patapos baka kainin mo rin yang pinagsasabi mo someday." Anya ng young man Engineer. "That will never gonna happen." Finalidad na sagot ni Jastin. Nagkibit-balikat na lang si Paul at kapagkuwa'y tinapik tapik na lang siya sa balikat bago tinalikuran ito. Sinundan naman din siya ni Jastin. "s**t! Malilentikan na talaga sa akin ang babaing yun pag nagkataon makita ko siyang muli." Pagngingitngit nito ng makita niya ang hitsura ng polo niya. Pinagtawanan lang naman siya ni Paul ng malingon niya ang hitsura ng kaibigan. "Don't tell me dude na namumulubi ka na sa damit. Bibigyan kita ng pampalit mo diyan." Natatawang panunutil pa nito habang naglalakad sila. "Kung hindi lang naman sa kasing loko-loko mo ring pinsan ko ay hindi rin naman ako mapadpad sa lugar na'to eh." Sinisi pa ang inosenting pinsan. Humalakhak naman lalo sa tawa si Paul sa sinabing iyon ni Jastin then said, "Alamo dude hindi ka pa rin nagbabago mula noon. Kasing demonyo ka pa rin umasta since then. Bakit ba napakalaki ng galit mo sa babae lalo na sa mga lantarang nagpapakita ng pagkagusto sayo?" Tanong nito na ikinalungkot naman ng galit na galit. Sa sinabing iyon ni Paul ay nalungkot na lang bigla ang demonyong aura ni Jastin at napabuntong hininga ng malalim. At sa paghugot niya ng malalim na paghininga, pakiramdam niya'y may patalim na sumaksak sa puso niya kaya naging tahimik na lamang siya saglit. "Dude are you okey? Naging tahimik ka na diyan ah." Tanong ni Paul sabay tapik tapik sa balikat ng kaibigan. Malungkot na mukha at malamlam ang mga matang lumingon si Jastin dito pero agad din binalik ang paningin sa dereksyon ng patutunguhan. "May naging girlfriend ako noong high school life na sobrang minahal ko dude. Ang alam ko binigay ko na ang lahat sa kanya maliban sa isa. Wala akong alam na pagkukulang ko sa halip na sobra-sobra ko pa binigay ang mga material na gusto niya, ng buong atensyon ko kapag free time sa klase, ng buong pagmamahal ko na wala siyang kahati sa puso ko. Pero isang araw may nakapag sabi sa akin na ang girlfriend ko daw ay may kasamang iba at may di kanais nais na gawain sa patagong lugar. Syempre dahil mahal na mahal ko ang girlfriend ko at buong buo naman ang tiwala ko sa kanya ay hindi ako naniwala sa mga balitang iyon, instead nagalit pa ako sa naghatid ng balitang iyon sa akin at binalaan ko na pag uulitin pa niyang siraan sa akin ang nobya ko ay makikita nila ang demonyo kung magalit na si Jastin Dela Rio." "Pareho kaming junior high school students pero magkaiba nga lang kami ng section, kaya nagkikita lang every recess and lunch time. Ang hindi ko alam sa tuwing magiging busy kaming mga SBO members sa meeting at trabaho namin at sila naman ay hanging out with her friends lang ay doon naman din pala siya kumukuha ng tyempo dahil hindi ko siya kasama. Nakikipagkita siya sa mortal kong kakompitensya sa tagpuan nila sa nadiskubri nilang private room ng school namin." Saglit siyang natigilan kasi muling nanariwa ang sakit sa dibdib niya kaya bumuntong hininga siya upang pawiin ang sakit na yun. Tinapik tapik naman muli ni Paul ang balikat niya, nang marinig ang dahilan ng pagka devilish looks nito. Wala siyang alam doon dahil nakilala at naging kaibigan lang niya ito noong senior students na sila. Dahil sa transferee lang sa school nila si Jastin. "Kitang kita ng dalawang mata ko ang napakasakit na mga sandaling nagdulot ng pagkasugat sa puso ko. Pakiramdam ko guguho na ang mundong ginagalawan ko ng mga oras na yun. Kaya ako nag transfer ng school pagsapit ng senior's batch para makalimot or makaiwas sa kanila dahil kung hindi ko yun ay tuluyan ng mapapariwara ang buhay ko, ng pag-aaral ko at higit sa lahat ay ang mga pangarap kong nais makamit." Pagpapatuloy pang kwento ni Jastin. Napabuga naman ng hangin si Paul then said, " Huh! Hiningal ako doon ah. Ang haba ng kwento mo dude! Napaka petmalu pala talaga ng nakaraan mo." Panunutil pang sabi nito habang hawak ang dibdib na kunwari siya ang napagod mag kwento. Kaya naman sa hitsurang iyon ni Paul ay napahalakhak naman din ang kanina'y mala demonyong kaharap ang babae then turned to nakasimangot na lang bigla. "Oh! Why are you lough out loud Mr. Suplado? Aba'y kanina lang ang bagsik ng red dragon ah." Pambubuska nito. "Thank you dude kahit papaano'y gumaaan na rin ang pakiramdam ko dahil naikwento ko na rin sa iba ang mapait kong karanasan sa buhay pag-ibig. Alamo bang bukod sa mommy ko ay ikaw pa lang ang nasabihan ko?" Nakangiting sagot ni Jastin habang tinatapik tapik din sa balikat ang kaibigan niyang Engineer. "Hmp.. hindi ako tumatanggap ng thank you eh. Ang gusto ko ay... Ano nga ba? Saglit lang ah, mag-isip muna ako." Pilyong anya ni Paul. Yun pala ay nakapag isip na siya sa plano niya dito. May challenge na ibibigay si Mr. Engineer Jhon Paul kay Mr. Suplado. Ano kaya yung...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD