Lara's POV
Naglalakad ako sa pasilyo ng palasyo hawak hawak ang pagkain ng prinsesa.
May mga royal maids and royal guards ang siyang bumabati sa isa't isa, nagagawa lang namin ang bagay nayon kapag kami kami lang ang nandito.
Wala sa palasyo ang Mahal na Reyna at Hari. Ang prinsipe naman ay naglalakbay, tanging ang prinsesa lang ang nandito sa palasyo. Bukod sa mga tagabantay
Pagbukas ko ng kwarto ng prinsesa naka upo siya sa kaniyang upuan, na tila ba kanina pa ako hinihintay.
"Bakit ba napaka tagal mo Lara?" nakangusong reklamo niya
"Paumanhin Mahal na Prinsesa" nilapag ko ang tray na may laman na pagkain, at hinarap yon isa isa sa harapan niya.
Umupo na ako sa upuan na katapat lang din ng sa kaniya, at sabay kaming kumain.
Naka sanayan kona ang bagay na ito, mag iisang taon na simula ng ako ay maging kanang kamay niya.
"Sa tingin mo kailan siya muling magpapakita?" tanong niya
Hindi man niya banggitin kung sino, pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Umiling muna ako bago magsalita.
"Kagaya ninyo hindi din ako sigurado, Mahal na Prinsesa. Kahit mismo ang pinsan ko na siyang kanang kamay ng pinakamataas na prinsesa ay hindi sigurado." mahabang sagot ko dito at muling sumubo ng pagkain
Nagugulat na napatingin sakin ang prinsesa, kaya nagtaka ako
"Pinsan mo si Tanya?" tanong niya, kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain
Shit. Hindi niya nga pala alam ang koneksyon ko kay Tanya.
"O-opo, Mahal na Prinsesa" alanganing sagot ko dito
"Ilang buwan na tayong nagkakilala pero hindi mo sa akin nabanggit ang bagay nayan, Lara" nagtatampong usal niya, kaya mabilis kong tinuon ang atensiyon ko sa kaniya
"Paumanhin, hindi ko alam na nais niyo po palang malaman. Pero ngayong alam niyo na, huwag na po kayong magtampo aking Prinsesa" aligagang sagot ko dito at hinawakan ang kamay niya
"Itanong niyo po ang lahat ng gusto ninyong malaman, sasagutin ko hanggang sa aking makakaya." napangiti naman siya sa akin kaya nabawasan ang kaba ko
Kaba nga ba? Tch
"Lara, kaibigan na ang turing ko sayo kahit pa alam kong galing ka sa mababang pamilya. Malaki ang tiwala ko sayo, pero baka sa susunod na ako muling mag tanong. Wala nang pumapasok sa isip ko" nakangiting sabi niya
Nang matapos ang aming paguusap, niligpit kona din ang mga pinagkainan namin at dinala sa kusina ng palasiyo.
Naglalakad ako sa pasilyo ng biglang may tumama sa aking matigas na bagay. Masiyadong malakas ang pagkaka tama non, dahilan kung bakit tumalsik ang katawan ko at malakas na bumagsak sa sahig.
Dinig ko ang mabibigat at malakas na takbo ng kabayo. Lapastangan! Sinong inutil ang magpapapasok ng kabasyo sa loob ng palasiyo?
Sinubukan kong tumayo, ngunit napasalampak lang akong muli dahil sa sobrang sakit. This is bullshit!!
May kabayong huminto sa harapan ko, at pag angat ko ng tingin. Nakita ko ang prinsipe na nakatayo sa aking harapan, habang ang palad nito ay nakalahad upang alalayan ako.
Hindi ako nagalinlangang abutin ang palad nito. Sinubukan kong tumayo ng tuwid ngunit natumba ako, pero bago pa man ako natumba, nasalo na ako ng kaniyang mga bisig.
"Paumanhin, Lara. Nag wala kasi ang kabayo ko at biglang dumiretso sa loob ng palasiyo." pagpapaliwanag niya na siyang pinagtakhan ko
"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag mahal kong Prinsipe. Nauuwaan ko" yun lang ang tanging sinagot ko, pero pansin ko ang malawak niyang ngiti
Doon ko lang narealize ang sinabi ko. Kaya ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Mahal kong prinsipe? Mygod, isang kahangalan ang bagay na ito. Hindi niya nga pala alam
Iniwasan ko ang mga tingin niya, at nagbaba ng tingin. Tinignan ko ang aking mga hita, at kitang kita doon ang pasa at sugat na natamo ko.
Grabeng kabayo
"Tayo na at ihahatid kita sa iyong silid. Hindi kakayanin ng konsensiya kong hayaan kang maglakad habang ganiyan ang iyong kalagayan, Mahal na Prinsesa" nagulat akong tumingin sa kaniya dahil sa huling salitang binitawan niya
Mahal na Prinsesa? Ano ang ibig niyang sabihin?
"Mahal na Prinsesa? Ano ang iyong ibig sabihin Hosiery?" biglang tanong ng pamilyar na boses, unti unting lumabas si Prinsesa Rionette at nagtatakang tumingin sa aming dalawa ng prinsipe
"She looks like a real princess. From her skin, face, and even her actions. Hindi moba iyon napapansin mahal kong ate?" tanong ng prinsipe sa prinsesa
"Mauuna napo ako sa aking silid" sabat ko para matigil sila
Muling tinignan ng prinsesa ang aking kalagayan, at lumamlam ang kaniyang mga mata nang makita ang itsura ko. Tumingin siya sa kabayo at masamang tinignan ang prinsipe.
"What the hell did you to her, Hosiery? Bakit ba kasi hindi mo inaalagaan nang maayos yang kabayo mo. Nakaka- perwisyo, pangalawang beses nayan" malakas na pangangaral ng prinsesa sa kaniyang kapatid
Tama ang prinsesa, hindi lang ito ang unang beses. Noong pangatlong linggo kong pamamasukan sa loob ng palasiyo ay nasipa ako ng kabayo ng prinsipe dahilan kung bakit isang linggo akong namalagi sa aking silid.
At ngayon naman hindi lang basta basta sipa, agresibong tumatakbo ang kabayo dahilan kung bakit tumalsik ako.
Pagkatapos ng pagtatalo ng magkapatid, inalalayan ako ng royal guards at pinadala na ako sa aking silid upang magpahinga.