Lara's POV
Tatlong araw na simula nang maaksidente ako dahil sa kabayo ng prinsipe.
Mabuti nalang at gumaling na agad, kaya nakakapagsilbi na ako.
Hindi ko din naman kakayaning mamalagi sa aking silid ng isang linggo, habang walang ginagawa.
"Magaling naba ang iyong mga pasa, Lara?" tanong ng Mahal na Reyna
Nandito kami ngayon sa hapag kainan, at natural nalang sa kanila ang isabay ako tuwing kumakain sila.
"Opo, Mahal na Reyna" magalang na sagot ko dito
Nagpatuloy lang ako sa pagkain, at hinayaan silang magusap usap. Pinaguusapan na nila ang nalalapit na kaarawan ng prinsesa. Sa ikatlong buwan ng agosto ay kaarawan niya. Gusto ng prinsesa na simple lamang, pero hindi pumayag ang Reyna at Hari
"Sa ikaapat na linggo ng agosto ay gaganapin ang isang napaka espesyal na pagdiriwang" sabi ng hari, dahilan para magtaka kaming lahat
"Pagdiriwang? Anong klaseng pagdiriwang ang gaganapin ama?" tanong ng prinsipe
Tumikhim ang hari at tinignan si Prinsesa Rionette pero ang titig niya ay tumagal sa akin.
"Ang araw na paglabas ng pinakamataas na prinsesa." simpleng sagot ng hari ngunit napakamakahulugan
Simula nang banggitin ng hari ang mga salitang yun ay pansin ko ang pagiging tahimik ng Prinsesa.
"Rionette, alam kong nababagabag ka sa iyong nabalitaan. Ngunit hindi ba ay dapat magalak ka?" seryosong panimula ko kaya napatingin siya sakin, pero agad din niyang iniwas
Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa side namin nato. Kapag seryoso ang paguusapan, ayaw niyang tinatawag ko siyang prinsesa. Dahil gusto niyang maramdaman kung anong pakiramdam makarinig ng payo sa kaniyang kaibigan. At ngayon ang araw na iyon, ang pagtawag ko sa pangalan niya.
Hindi lingid sa kaalaman ko na si Rionette at ang pinakamataas na prinsesa ay magkaibigan. Pero nawala lahat ng iyon, simula nang namatay ang dating Reyna ng Silvhanna. Si Reyna Silvha.
~~~~~~~~~~~
Rionette's POV
"Rionette, alam kong nababagabag ka sa iyong nabalitaan. Ngunit hindi ba ay dapat magalak ka?" tinignan ko siya at muling nag iwas ng tingin
Totoong nagagalak ako, na sa pagkalipas ng limang taon ay muli siyang magpapakita. Ngunit ano na nga lang ba ako sa kaniya kapag nagbalik na siya.
Atilah Zirconia used to be my closest friend. Para sa kaniya hindi lang ako basta basta prinsesa, dahil ako ay matalik na kaibigan kung ituring niya.
Walang sinuman ang ginustong lumapit sa akin noon, dahil ako ay prinsesa na nagmula sa silangan. Ang silangan ang siyang may pinaka maliit na palasyo, kaya mababa kung ituring nila. Sa apat na emperyo, ang emperyo namin ang palaging nasa hulihan.
But because of Princess Zirconia, the Highest Princess from Silvhanna everything changed so fast. Ang mga kapwa namin prinsipe at prinsesa na noon ay inaaway ako, wala nang nagagawa kapag kasama ko si Zirconia.
Pero natigil iyon simula ng nagkaroon ng malaking delubyo sa emperyo nila. The former Queen of Silvhanna, Queen Ambhria Silvha Thermocolis Rhynaldin died because of the golden poisoned arrow.
Hindi malinaw sa akin ang buong pangyayari tungkol sa reyna. Simula nang ilibing ang Reyna hindi na muling lumabas o nagpakita si Zirconia.
Ang huling araw na nakita ko siya ay sa mismong araw din nang ilibing ang kaniyang Ina. Simula noon hindi kona siya makausap o maski ang makita.
At ngayon nalaman kong magpapakita siya ay nagagalak ako. Limang taon akong naghintay, limang taon ko ding tiniis ang mga pang-aapi na ginagawa ng ibang prinsipe at prinsesa sakin sa paaralan. Kaya nag desisyon sila ama at ina na sa palasiyo nalang ako mag-aaral kasabay ng aking kapatid.
Mas excited pa ako sa ikaapat na linggo ng agosto kaysa sa kaarawan ko. Ano na kayang itsura niya? Napaka ganda niya kaya?
Kasing ganda ba siya ng diyosa?
"Ayos ka lang?" muling tanong ni Lara pero nginitian ko lang siya
Nagpapasalamat ako kay Lara dahil nang dahil sa kaniya gumaan ang loob ko. Kaibigan nadin ang turing ko sa kaniya, at napapansin ko unang beses pa lang ng makita ko siya gumaan na ang loob ko sa kaniya.
Nakakatawa lang na nang galing siya sa mababang uri ng pamilya pero napaka ganda niya, maputi din ang balat niya kapareha ng sa akin, at maganda din ang kutis ng balat niya.
Gusto kong mainggit pero malaki padin ang paghanga ko sa kaniya. Naalala ko sa kaniya si Zirconia. Ilang beses ko nang inisip na baka iisa lang sila, pero impossible.
Lalo na't ilang linggo nalang makikita kona ulit siya.
Humiga ako sa kama ko para magpahinga, hinayaan kong si Lara ang maglagay ng kumot sa aking katawan. At nang matapos yun ay saka ako natulog.