Chapter 3

961 Words
Lara's POV Tatlong katok ang ginawa ko, bago tuluyang pumasok sa silid tanggapan ng Hari't Reyna Nag-uusap silang dalawa nang makita nila ako "Ano't naparito ka Lara?" tanong ng Hari Lumapit ako ng kaunti sa pwesto nila at tumingin sa kanila "Mahal na Hari, Mahal na Reyna. Maaari ko po bang lisanin muna ang emperyo ng tatlong araw? May karamdaman po si Tanya, siya nalang po ang meron ako dahil pareho kaming nawalan ng ina. Hindi ko po kakayanin kung pati siya ay mawala. Nagpadala ng sulat ang pinuno ng royal maids, at pinaalam sa akin na malala daw po ang kalagayan ng aking pinsan." mahabang paliwanag ko at muling yumuko "Walang problema, ipapahanda na namin ang iyong masasakyan para ihatid ka" sagot ng Hari kaya nag angat ako ng tingin "Talaga po?" natutuwang tanong ko, tanging tango lang ang insinagot ng hari at nginitian naman ako ng reyna. "Ang prinsesa mismo ang nakiusap sa amin na payagan ka. Malaki ang naitulong mo sa anak ko, Lara. Kaya handa kadin naming tulungan" nakangiting sabi ng reyna, habang hinahaplos ang aking buhok Hindi ko maiwasan mapaluha, kahit ako ay nagulat ng bigla ko nalang yakapin ang reyna. Ilang taon nadin ng muli kong mayakap si Ina. Bumitaw ako at yumuko "Paumanhin mahal na Reyna" paghihingi ko ng tawad dahil sa ikinilos ko "Hindi na kailangan, Lara. Hindi lingid sa aking kaalaman na ikaw ay nangungulila lamang, dahil matagal nang yumao ang iyong ina. Naiintindihan din namin na kayong dalawa nalang ni Tanya mayroon ang isa't isa" nakangiting sabi ng reyna na para bang inaalo ako "Siya'y ikaw ay magasikaso na, ikaw ay hinihintay na ng iyong pinsan." sagot ng hari Yumuko ako at lumuhod bilang paggalang, saka nagpasalamat. ~~~~~~~~~~~~~ "Ang karwahe ko ang iyong gagamitin, para sigurado ang iyong kaligtasan" nakangiting sabi ng prinsipe, hindi na ako tumanggi dahil hindi din naman siya papayag "Magiingat ka, Lara. Inaasahan ko na magbabalik ka ng walang galos at sugat sa iyong balat" nakangiting pamamaalam ng prinsesa Yumuko ako bilang paggalang, niyakap ko silang dalawang magkapatid. Alam kong nagulat sila pareho sa ginawa ko, pero diretso akong sumakay sa karwahe ng hindi lumilingon. Umandar na ang karwahe at unti unti kaming nawawala sa palasiyo. At mas lalong dumidilim ang daanan. May gubat kaming dadaanan na siyang magpapatagal sa aking paglalakbay. Nagising ako nang marinig ko ang pagwawala ng kabayo. Binuksan ko ang maliit na bintana ng karwahe at nagulat ako sa aking nasaksihan. Mga hindi kilalang grupo, nakaitim silang lahat balot na balot ang mukha at katawan kaya mahirap silang kilalanin. May mga espadang hawak, at nakikipag espadahan sa mga kawal na kasama ko. At di alintana ang dilim sa buong kapaligiran. Ano bang gagawin ko? Lumabas ako ng karwahe at pumagitna sa dalawang grupo. Ramdam ko ang ibang pakiramdam sa lugar nayon, na para bang bukod sa mga kaharap ko ay may iba pang taong nandito. Na kanina pa may nagmamasid. Hindi lang kami ang nandito! "Magsitigil kayo!" malakas na sigaw ko dahilan para maagaw ang atensiyon nila at tumigil sa pakikipagaway "Anong kapangahasan ito? Hindi ako prinsesa, isa lamang akong tagapagsilbi. Bakit kinakailangan niyo pang saktan ang isa't isa?" tanong ko sa mga ito, pero tahimik padin sila at hindi gumagalaw "Ano nalang ang sasabihin ng mga taga Silangan, kapag nalaman nila ang panggugulong ginawa ninyo mga mandirigmang nagmula sa Norte?" tanong kong muli at tinignan ang mga grupong ginulo ang paglalakbay ko "Mahal na--" pinigilan ko ang salitang bibitawan ng isa sa kanila, at nagsalitang muli "Oo, ang karwaheng ito ay pagaari ng mahal na prinsipe ng Silangan. Ano na lamang ang mangyayari sa buhay ninyo kung ang prinsipe ang siyang naabutan ninyo? Paniguradong ulo ninyo ang kapalit oras na masugatan ang mahal na prinsipe" pagbabanta ko dito Nagbulungan lang sila at umalis na. Hindi ko narinig ang mga sinabi nila pero wala na akong oras pakinggan. Muling nagpatuloy ang paglalakbay namin, at maya maya ay nakarating na ako sa munting kubo na siyang tinitirhan ni Tanya. Inalalayan ako ng mga kawal buhatin ang gamit ko, pagkakuha ko ay umalis na sila at pumasok ako sa loob. Nilapag ko ang gamit ko at umakyat sa silid ni Tanya. Pero laking gulat ko nang makita ang isa sa lalaking sumugod sa amin kanina, na nakaupo sa kama ni Tanya at sinusubuan siya ng pagkain. "Ma-- I mean, Lara." usal niya pero ang paningin ko ay nasa lalaki paring nasa harapan ko. Sinenyasan ni Tanya ang lalaking iyon, yumuko lang ang lalaki sa akin. Pero hindi ko magawang yumuko, dahil sa mga katanungan ko. "Who is he? Why is he here? Alam mo manlang ba na sinugod niya ang mga kasamahan ko habang naglalakbay ako?" dire-diretsong tanong ko dito "I know, pasensya na. Nobyo ko siya, pinakiusapan ko siya na sunduin ka. Hindi niya binalak na manggulo, nagawa niya lang iyon para linlangin ang iba pang grupo na sumusunod sayo." mahabang paliwanag niya Ibig sabihin, tama ako. Na hindi lang kami ang nandodoon? Kaya pala iba ang pakiramdam "Hindi kaya ang prinsipe ang pakay nila?" tanong nito kaya napakunot siya ng noo "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya "Karwahe ng prinsipe ang siyang pinagamit sakin upang ihatid ako patungo dito. Maaring inakala nila na prinsipe ang dadaan, dahil pagaari iyon ng prinsipe." paliwanag dito kaya nanlaki ang mata niya "Kung prinsipe nga, ano ang kailangan nila sa prinsipe?" tanong kong muli Hindi kaya may kalokohang ginawa ang prinsipe ng silangan. "Alam nila" maikling sabi ni Tanya kaya napalingon ako sa kaniya Umupo ako sa isang upuan at tinitigan siya "Ang alin?" takang tanong ko dito Dalawa ang maaring tinutukoy niya, hindi ako sigurado kung alin sa dalawa. "Kung sino ka" pero umiling din. Hindi ko narinig ang binulong niya, pero hinayaan ko nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD