Chapter 4

1097 Words
Lara's POV Nang magising ako sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Masiyado akong napagod sa nangyari kagabi kaya hindi na kami masiyadong nakapagusap ni Tanya. Pagbaba ko naabutan ko si Tanya hinahanda ang lamesa, at ang lalaki naman- I mean, ang nobyo niya ay nagluluto. "Akala koba masama ang iyong pakiramdam, Tanya?" tanong ko dito bago umupo sa isang upuan "Opo, pero nakainom na ako ng gamot. Sapat nadin ang pahinga ko, kaya mabilis lang ang pag galing ko" nakangiting sabi niya kaya tumango ako Nang matapos na ang nobyo niya sa pagluluto tumabi ito kay Tanya, habang naka harap sila sa akin pareho. Sabay sabay kaming kumain, at hindi alintana ang pagkailang sa presensya ng isa't isa. Lalo na sa nobyo niya, hindi ko alam kung dapat ba siyang pagkatiwalaan. "Magtutungo tayo mamaya sa pamilihan, tatlong araw kang mamamalagi dito kaya kinakailangan bumili nang makakain. Hindi sapat ang mga naipon ko dito." panimula niya kaya tumango ako bilang pagsangayon Hindi naman problema sakin ang pagkain, kakainin ko kahit ano. May pera din ako, if she insists sure. Ilang araw lang naman ako mamamalagi dito Napansin kong tinapunan ng tingin ni Tanya ang kaniyang nobyo, mukhang alam ng nobyo niya ang sinasabi niya kaya tumango ito at lumabas. "Alam kong naiilang ka sa kaniya, kilala kita. Kahit pa sabihin kong nobyo ko siya, hindi mo agad siya pagkakatiwalaan" sabi niya kaya bumuntong hininga ako dahil totoo ang sinabi niya "Sa ikaapat na linggo ng Agosto magpapakita ang pinakamataas na prinsesa." paalala niya, binanggit nasa akin ang balitang yan kaya hindi nayon bago sa akin "Sigurado kaba? Sa tingin moba tama ang iyong desisyon?" tanong nito Sa dami nang sinabi niya, ni isa sa mga yon ay wala akong sinagot. Gustuhin ko mang magsalita, pero walang lumalabas sa aking bibig. Ultimo ang sarili kong dila ay umuurong, na tila ba kahit ang sarili ko ay hindi sigurado sa desisyong ginawa ko. ~~~~~~~~~~~~~~ Sa sobrang dami ng tao sa pamilihan hindi kona alam kung nasaang parte ako. Si Tanya at ang nobyo niyang nag ngangalang Eubert ay nawala sa tabi ko. Mag tatatlong pung minuto na pero wala padin sila. Alam ko ang pasikot sikot sa pamilihang ito pero hindi ko magawang umuwi, dahil baka kagaya ko ay naghihintay din sila sa akin. Ayoko namang iwanan sila. Nakatayo ako sa lugar kung saan kami huling magkasama nang may matandang babae ang lumapit sa akin. At tinitigan ang buong kabuuan ko. Nakasuot ito ng mahabang saya, at may kulay asul na belo sa ulo. "Ikaw bayan?" tanong niya habang hinahaplos haplos ang kaniyang palad sa aking mukha Hindi ko yon magawang tanggalin dahil naalala ko sa kaniya ang lola ko. "Ikaw bayan? Tama ako hindi ba, ikaw ang pinakamataas na prinsesa" bakas man ang gulat ko sa sinabi niya pero hindi ako nagpatinag Hindi ko alam kung bakit mukha akong prinsesa sa paningin ng lahat. Marahan kong inalis ang mga palad niya sa mukha ko, at hinawakan iyon. "Lola paumanhin, pero hindi po ako ang taong tinutukoy ninyo. Isa lamang akong normal na tagapagsilbi" paliwanang ko dito sa malambot na tono Maya maya lang may dalawang babae ang lumapit sa amin "Lola" sabay na tawag nito at hinawakan ang matanda "Kami ay humihingi ng pasensya, Binibini. May sakit ang aking Lola." paliwanag ng isa sa kanila pero nginitian ko lang ito Ilang oras na akong naghihintay kaya nag desisyon akong umuwi na. Dumaan ako sa lugar na siyang palagi naming dinadaanan ni Tanya. Masiyadong masikip ang daanan, pumasok ako sa isang pinto. At sinara iyon, dumiretso ako sa loob at binuksan ang panibagong pinto. Pagbukas ko, iba na ang daan na siyang tumambad sa akin. Sobrang dilim ng paligid, ang mga lampara sa pader ang siyang tanging nagsisilbing liwanag sa daraanan. Napangiti ako ng naging pamilyar na sa akin ang daan. Pero napahinto ako ng may humarang sa akin. Dalawang kawal ang humarang sa akin, at ginamit nilang pangharang ang hawak nilang sibat. "Sinong lapastangan ang magpapasiyang dumaan sa lugar na ito?" tanong ng hindi ko kilalang lalaki, na biglang nagsalita sa likuran ko Paglingon ko sa aking likuran nakita ko ang isa pang lalaki na nakatindig at nakatingin sa akin. Naka suot siya ng pang unipormeng kawal, pero dahil sa badge na meron siya sa kanang dibdib hindi lang siya basta basta kawal. Ang badge na nasa kanang dibdib niya, ay kulay ginto, sa gitna nun ay ang simbolismo ng emperyong kaniyang pinaglilingkuran. Siya ay isang, Heneral. Ang Heneral ng tagabantay sa emperyo ng Silvhanna. "Paumanhin, Heneral. Hinahanap ko ang matalik kong kaibigan" pagdadahilan ko dito Tinaasan ako nito ng kilay na para bang, nag sisinungaling ako "Kaibigan? Kailan pa nagkaroon ng kaibigan ang mababang uri na gaya mo sa loob ng palasiyo?" mayabang na tanong nito Masiyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. Ano nalamang ang mukhang ihaharap niya kapag tinanggal siya sa pwesto? Ngumisi ako at sinuri siya mula ulo hanggang paa "Masiyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili, Heneral. Baka nakakalimutan mo, ang tungkulin mo ay panatilihin ang seguridad ng emperyo. Hindi ko alam na kasama pala sa trabaho mo ang mangmaliit ng mga taong hindi mo kauri." seryosong sagot ko dito, kaya kumunot ang kaniyang noo "Nandito ako upang hanapin ang aking kaibigan. Siya ang kanang kamay ng pinakamataas na prinsesa, si Tanya" dagdag ko dito, sasagot sana siya nang marinig ko ang pamilyar na boses. "Lara, nandiyan ka pala. Kanina kapa namin hinahanap" lumapit sa akin si Tanya at hinawakan ang braso ko "Heneral Tobias, kaibigan ko siya. Hayaan mong ako na ang kumausap" sabat ni Eubert, at nakipag kamay sa matapobreng Heneral "Ganon ba Kapitan? Mukhang kaibigan niya din ang kanang kamay ng pinakamataas ng prinsesa" pagkumbinsi niya sa kaniyang sarili, at tinapunan akong muli ng tingin Kapitan? Ibig sabihin kapitan ang nobyo ni Tanya? "Tama ka, Heneral. Ang totoo niyan ay, siya ang kanang kamay ni Prinsesa Rionette. Marahil ay naliligaw lamang siya, kaya napadpad siya dito" paliwanag muli ni Tanya Tumango lang ang Heneral bilang pag sangayon, saka ito sumenyas na mauuna na. "Kanina pa kita hinahanap, paumanhin. Tayo na, mag gagabi na" muling sabi ni Tanya, hinila niya ako at pinapasok sa isang simpleng karwahe. Tahimik lang kami sa karwahe hanggang sa makauwi. Ang daan nayon, ay ang secret passage na nagsisilbing shortcut mula sa pamilihan papunta sa loob ng palasiyo ng Silvhanna. The secret passage reminds me of my mom. Sa kaniya ko nalaman ang daan na yon. Maliban sa kawal at tagasilbi, mga taong nakatira sa palasyo lang ang nakaka alam nun. Including the royalties.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD