Lara's POV
Ito ang pangalawang araw kong pananatili sa bahay ni Tanya. Ang tanging ginawa ko lamang ay magbasa ng libro.
Bumalik na muli si Tanya sa palasiyo ng Silvhanna upang manilbihan. Kinausap ko siyang mag pahinga muna hanggang sa makaalis ako, pero ayaw niya. Sayang daw ang araw.
Ang nobyo naman niya ay namamalagi dito tuwing tanghali para maghatid ng pagkain at masiguro ang kaligtasan ko.
Sa ilang oras kong pananatili, nag desisyon akong lumabas muna at magikot-ikot sa bayan.
Hindi ko magawang makapag ikot sa bayan ng Azhure, dahil ang buong oras at atensiyon ko ay nasa prinsesa lang. Hindi din ako maaaring lumabas ng hindi nagpapaalam sa nakakataas.
"Ngayon lamang kita nakita sa bayang ito, Binibini."
Napansin ko ang isang lalaking sumasabay sa aking paglalakad, pero ang paningin niya ay nakatuon sa daanan.
Ako ba ang kausap niya?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, at dumiretso sa isang tiangge. Puro kwintas at porselas ang laman niyon. Pero ang porselas na kulay sapphire ang siyang nakapukaw ng aking pansin. Manipis lang ang tali nito, ang mga beeds na nakapaikot sa tali ay kulay sapphire. Napaka ganda
Kinuha ko iyon at binayaran
"Magaling ka sa pagpili ng porselas, Binibini" nakangiti sabi ng hindi pamilyar na boses
Nang tinignan ko ito, siya padin ang lalaki sumasabay sa akin kanina sa paglalakad. Mukhang sinusundan niya ako
Kagaya kanina hindi ko siya sinagot, at nagpatuloy muli sa paglalakad. Kapansin pansin ang dagsa ng tao sa gitna ng bayan. Madali akong naglakad at sinilip ang pangyayari
Hinawi ko ang ibang tao upang makadaan ako at mapunta sa harapan. Bakas ang gulat, takot at awa sa kanilang mga ekspresiyon. Ganon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang isang lalaking, putol ang ulo. Puno ng kaniyang dugo ang daanan at tuloy tuloy ang pag agos nito.
Nakita ko ang isang babaeng umiiyak at katabi niya ay isang batang lalaki na gaya nito ay umiiyak din.
"Anong kasalanan ng asawa ko sa inyo! Wala ginawa ang asawa ko kundi kabutihan!" umiiyak na sigaw nito at masamang nakatingin sa mga grupo ng kawal na nasa harapan niya.
May apat na kawal na nasa harapan, ang isa ay hawak ang kabayo. Ang isa naman ay may hawak na espada, at sa gilid niya ay may dalawa pang kawal.
Mukhang ang lalaking yun ang may kagagawan ng bagay na ito.
"Kabutihan? Isang kahangalan ang iyong sinasabi, mababang uri ng babae. Ang iyong asawa ay isang magnanakaw, ninakaw niya ang sapatos ng pinakamataas na prinsipe." sigaw ng lalaking may hawak na espada
Sapatos ng pinakamataas na prinsipe? Napatawa ako sa aking isipan sa dahilang sinabi niya.
"Sinungaling, kilala ko ang asawa ko. Hindi niya magagawa ang bagay na pinaparatang ninyo" sigaw ng babae
Ang lalaking may hawak ng espada ay ang kapatid ng Heneral ng tagabantay na naka engkwentro ko kagabi. Siya ang Heneral ng kawal pang digmaan.
Itinaas ng Heneral ng pang digmaan ang kaniyang espada at nagtangkang pupugutan ng ulo ang mag ina. Pero lumapit ako sa harapan nito at sinampal siya.
Rinig ko ang singhapan ng mga tao, marahil ay nagulat sa ginawa ko. Pero wala akong pakialam
"Kung sa tingin mo ay ang pagpaslang ng inosenteng tao ang siyang tatapos sa suliranin, isa kang inutil kung ganon. Pinatay mona ang lalaking ito, pati ba naman ang inosente niyang mag ina ay idadamay mo." malakas na pangaral ko dito, habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Mabilis siyang lumapit sa akin at sinakal ako. Sinubukan kong pumalag, pero masiyadong mahigpit ang pagka kahawak niya sa leeg ko kaya nahihirapan akong huminga.
"Walang sinuman ang may karapatang pagbuhatan ako ng kamay, lapastangan" sigaw nito sa mukha ko, sabay bitaw sa akin
Napahawak ako sa aking leeg at ilang beses lumunok. Hangal!
"Dakpin ang babaeng iyan at ikulong sa piitan. Siya ang magiging bago nating bihag na papalit sa mag inang ito" utos niya at muling tinitigan ang mag ina, pangasar na ngiti naman ang itinapon niya sa akin bago sumakay ng kabayo at umalis.
~~~~~~~~~~~~~~
Madumi, maalikabok at maliit ang kulungang ito. Nasa loob ako ng piitan, nakakadena ang parehong mga kamay at paa ko kaya limitado lang ang galaw ko.
Pader ang buong kulungan hindi siya ganoong kalaki. May maliit na bintana sa kaliwang parte nito na nakapag bibigay ng hangin, bakal naman ang pinto. Saradong sarado ang loob, ang pinto ay wala manlang butas kaya hindi ko nakikita ang nangyayari sa labas. Ang liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw sa loob ng piitan.
May maliit na lampara sa loob pero dahil paubos na ang apoy nun, kaya nawawalan na ito ng silbi.
Halos ilang oras nadin akong nakakulong dito, inabutan na ako ng gabi. Pero hanggang ngayon ay hindi kopa nakikita si Tanya.
Sa paglalakbay ko sa bayan ng Silvhanna doon ko nasaksihan kung gaano kalupit ang mga taong may katungkulan. Ginagamit nila ang posisyon upang manapak at mang maliit ng tao.
Hindi ko inisip na maaring mapugutan ng ulo ang mga taong nagnakaw. Paano kung totoo nga ang sinabi ng asawa niya? Na inosente siya.
Malaking kasiraan yun sa emperyo. Pumatay sila ng inosenteng tao!
Nagpunta ako dito upang maglibot hindi ko inaasahan na magiging bihag pa ako sa kamay ng malupit na Heneral na iyon. Isa lamang siyang tagabantay, wala siyang karapatng kumitil ng buhay. Unless nagbigay ng utos ang nakakataas.
Pero imposibleng ipapaslang nila ang estrangherong iyon ng dahil lang sa mababaw na dahilan.