Chapter 6

919 Words
Lara's POV Nagising ako ng may marinig akong ingay na nang gagaling sa labas. Ilang araw na simula ng gawin akong bihag pero hanggang ngayon wala pading Tanya ang nagpapakita sa akin. Pang pitong araw kona ngayon pero mukhang hindi padin niya alam na kinulong ako. Sa pitong araw kong pamamalagi dito dalawang beses sa isang araw akong dinadalhan ng pagkain. Pang tanghalian at hapunan, hindi kona daw kailangan pang magalmusal dahil bihag lang naman ako. Sinubukan kong mag reklamo pero tanging pasa lang ang binigay sakin, kaya hinayaan ko nalang. Ano na lamang ang sasabihin ni Princess Rionette kung uuwi akong sugtan? Makakauwi nga ba ako? Napa angat ang tingin ko ng biglang bumukas ang pinto ng piitan. Niluwa nun ang prinsesang ilang buwan ko nang pinagsisilbihan. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Rinig ko ang paghikbi niya habang nakayakap sa akin ang mga braso niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Ano ang nangyari sayo, Lara? Hindi ba at sinabi kong kailangan mong umuwi ng walang sugat pero tignan mo ang iyong sarili" naiiyak na tanong ng prinsesa, kaya nginitian ko ito na para bang ayos lang ang lahat "Ayos lang po ako, Mahal na Prinsesa. Ang importante nandito kayo" nakangiting sabi ko dito, tumayo siya ng tuwid at tumalikod sa akin Doon ko lang nakita na kasama pala niya ang Reyna at sa likod nito ang mga kawal nila. "Pakawalan niyo siya" utos ng reyna na agad din namang sinunod ng mga kawal Inalalayan ako ng prinsesang tumayo at sumunod kami sa Reyna. Pagkalabas namin sa loob ng piitan sumalubong sa akin ang iba pang kawal na kasama nila. Maya maya lang lumabas ang Heneral na siyang nag kulong sa akin. Lumuhod siya at yumuko bilang pagbibigay galang sa Reyna at Prinsesa ng Emperyo ng Azhure. Maya maya lang ay, nagulat ako ng makita ang dalawang prinsipe ng Silvhanna at sa likod nila ay ang naglalakad na Reyna papunta sa direksiyon namin. Nagbigay galang ang mga kawal na nasa buong paligid, ganun din si Prinsesa Rionette. Ang dalawang prinsipe ng Silvhanna na sina Prince Jefferson Czy Themocolis-Rhynaldin at Prince Jentrix Cade Thermocolis-Rhynaldin o mas kilala bilang Prince Ferson and Prince Cade ay nagbigay galang sa aming Reyna. Bakit kinakailangang mag harap ang dalawang Reyna sa mag kaibang emperyo? "Carlette, it's nice seeing you here" nakangiting bati ni Reyna Yvonne, ang Reyna ng Silvhanna "Sigurado akong alam mo na ang dahilan nang pagpaparito ko, Yvonne" nakangiting sagot ng Reyna Queen Yvonne, looked at me. Hindi ko maipaliwanag ang tingin na iginawad niya sa akin. "Hindi ko papalagpasin ang ginawa ng iyong Heneral sa kanang kamay ko, Mahal na Reyna ng Silvhanna" bati ni Prinsesa Rionette Taas kilay siyang tinignan ni Reyna Yvonne saka ngumiti. "Ako'y nagagalak na makita kang muli, Princess Rionette. Ito yata ang unang beses na tumungtong ka sa aking Emperyo, simula nang huling pagpapakita ng pinaka mataas na prinsesa." seryosong sagot ng Reyna sa kaniya, at tinapunan ako ng makahulugang tingin. The f**k! What's happening? Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan ng magkaibang panig. Wala naman akong natatandaang may hidwaan ang dalawang emperyo. Pero ano ito? Isang palabas? "Kukunin ko na ang kanang kamay ko na ginawa ninyong Bihag. Sana ay hindi mo iyon masamain, kamahalan" taas noong tanong ni Princess Rionette, tinanguan lang siya ng Reyna bago muling magsalita. "But before that, may I ask your Royal Maid what really happened?" tanong ng Reyna at tinitigan ako, pansin ko din ang pagtatakha sa paningin ng dalawang prinsepe habang nakatingin sa akin "The General Keeper beheaded the man that was claim as a theft. And he even tried to execute his family. I tried to stop him, but he got mad and strangled me." mahabang paliwanag ko, kaya kunot noo niya akong tinignan at tinignan ang Heneral na siyang tinutukoy ko. Yumuko lang ang Heneral at hindi nag balak magsalita. Rionette's POV Nagtataka kong tinignan ang dalawang prinsipe ng Silvhanna. Sila ang dalawang kapatid ng pinakamataas na prinsesa. Nakakapagtakang naging ganon ang reaksiyon nila, matapos sabihin ni Lara na sinakal siya ng Heneral. Huhugutan na sana ng dalawang prinsepe ang kanilang espada ngunit pinigilan sila ng Reyna. Muling nag kwento si Lara Sinabi niya kung paano siya pahirapan at itrato ng mga kawal ng emperyong ito. Dalawang beses lang siya kung pakainin sa isang araw. Samantalang sa aming palasiyo ay sobra pa sa tatlo ang pagkain niya. Lapastangan!! Nangangati ang mga palad kong sampalin ang Heneral pero pinipigilan ako ni Ina. Pansin ko din ang pangangayat ni Lara, ang mga pasa at sugat na natamo niya sa kaniyang mukha, mga braso, maging sa kaniyang binti. Ang mga damit niya ay sira sira, hindi kaya? Hinawakan ko si Lara, at hinarap siya sa akin "Lara, ginalaw kaba ng mga yan?" tanong ko dito kaya gulat siyang napatingin sa akin "Sabihin mo sa akin, ginahasa kaba nila?" malakas na tanong ko Kitang kita ko kung paano itinapat ng dalawang prinsipe ang kanilang espada sa Heneral na siyang nagpahirap kay Lara. Nagtataka ako sa kanilang mga kilos pero hindi ko sinubukang kwestiyonin iyon. Kagaya ko, nag aalala din sila. Dahil ang kaibigan ko, na siyang pinaka mataas na prinsesa sa emperyong ito ay muntikan nang marape. "Hindi, nagkakamali ka" mabilis na sagot nito kaya, nagpakawala ako ng buntong hininga. "Sumunod ka sa akin, Heneral" makapangyarihang utos ni Reyna Yvonne at iniwan kami. Ang dalawang prinsipe naman ay binaba na ang kanilang espada at sumunod sa kanilang Reyna. Agad na sumunod ang iba nilang kawal kasama ang Heneral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD