Chapter 7

698 Words
Rionette's POV Nang matapos ang naganap sa emperyo ng Silvhanna ay umuwi na agad kami at binigyan ng oras si Lara upang asikasuhin ang kaniyang sarili at makapag pahinga. Hindi ko din maiwasang humanga kay Lara kanina. Magaling siyang mag Ingles, nasagot niya ang tanong ng Reyna at tanging ingles na lengguwahe lamang ang ginamit niya. "Sinabi kong magpahinga kana" sabi ko dito nang makita ko siyang pumasok sa aking silid at umupo sa isang upuan "Hindi naman ako pagod, Mahal na Prinsesa" sagot nito, umupo ako sa isang upuan na siyang katapat niya "Paano ka natutong mag Ingles, Lara?" tanong ko dito, tumikhim naman siya bago mag salita "Nang dahil kay Tanya at sa aking Ina" tipid na sagot niya, pero nakita ko ang pangungulila sa kaniyang mga mata. Umayos ako ng upo at tinitigan siya "Lara, maaari na ba kitang tanungin?" tanong ko dito, nagtataka naman siyang tumingin pero maya maya ngumiti din at tumango "Lahat ng iyong katanungan ay sasagutin ko" nakangiting sabi niya, tumingin ako sa bintana ng kwarto ko at nag simulang mag tanong "Ano ang relasiyon mo sa dalawang prinsipe ng Silvhanna?" diretsong tanong ko dito, bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang tinignan ko siya pero kalauna'y ngumiti din "Ang aking Ina ay ang kanang kamay ng yumao na Reyna, si Reyna Silvha ang dating Reyna ng Silvhanna." nakangiting sabi niya kaya nagulat ako, bumuntong hininga lang ako muling nakinig sa kaniya "Namatay ang aking Ina kasabay ng Reyna. Malapit ang loob ko sa mga Rhynaldin sa palasiyo ng Silvhanna. Mabait din sila sa akin, marahil ang aking ina ang siyang pinagkakatiwalaan ni Reyna Silvha. Nang umupo si Reyna Yvonne sa trono at pinalitan si Reyna Silvha, nangako siya sa akin na ako ay responsibilidad na niya. Dahil ang huling bilin daw sa kaniya ng kaniyang Ina ay alagaan ako, ganon din ang bilin sa mga prinsipe. Na alagaan ang anak ng kanang kamay ng Reyna, dahil ibinuwis ni Ina ang kaniyang buhay para sa Reyna. Pero hindi padin natakasan ni Reyna Silvha ang kamatayan" mahabang kwento niya kaya napatingin ako sa kaniya Si Reyna Silvha ay may apat na anak. Ang panganay niyang anak ay si Princess Yvonne na ngayon ay Reyna na. Sumunod naman si Prince Ferson, pangatlo ay si Prince Cade at ang bunso ay si Princess Zirconia, ang pinakamataas na prinsesa. Namatay ang Ina ni Lara para protektahan si Reyna Silvha, pero namatay ang Reyna dahil sa palasong may lason. "Nangako din si Quin Dowager na po-protektahan niya ako" nakangiting dagdag niya kaya mas lalo akong nagulat Hindi lang mga Reyna't Hari ng bawat emperyo ang namumuno, dahil may pinakamataas pa. Ang Quin Dowager Ang bansang ito ay tinatawag na Nameès. May apat na emperyo ang bansang to Silvhanna, Azhure, Wage at Queu. Ang Emperyo ng Silvhanna ay siyang pinakamalawak at pinakamalakas na emperyo na nasa parte ng Timog. Yan ang emperyong pinamamalagian ng pinakamataas na prinsesa. Ang Emperyo naman ng Wage ay nasa parte ng kanluran. Sunod ay Ang Emperyo ng Azhure na siyang tinitirhan ko ang pinaka maliit na emperyo na nasa silangan. At ang huling emperyo ay ang Emperyo ng Queu na nasa hilaga. Kada emperyo ay may palasiyo at doon naninirahan ang mga royal families na namumuno sa emperyo. Ang Quin Dowager ang pinakamataas sa lahat, kung ang aking ina ay pinamumunuan ang emperyo. Ang Quin Dowager ay pinamumunuan ang buong Nameès, ang buong bansa. Ang Quin Dowager ay may sariling Kastilio na nasa kapital ng bansa, sa labas na parte ng Silvhanna. Kinilalang pinaka makapangyarihan ang emperyo ng Silvhanna ay marahil anak ni Quin Dowager si Reyna Silvha, ang Ina ng pinaka mataas na prinsesa. Kaya nakakapagtakang pati ang Quin Dowager ay nangakong protektahan siya. "Alam kong ikaw ay nagtataka Mahal na Prinsesa. Pareho lang din tayo" dagdag niya Pagkatapos ng aming paguusap ay nagdesisyon na siyang mag pahinga. Hanggang ngayon ay palaisipan padin sa akin ang naging reaksiyon ng dalawang prinsipe kanina. Alam kong hindi maganda ang manghinala, pero hindi ko maiwasan. Pero kailan man ay hindi pumasok sa aking isipan na ang kaniyang Ina ay ang kanang kamay ni Reyna Silvha, na siyang pinagkakatiwalaan ng lahat sa emperyo ng Silvhanna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD