Lara's POV
Ngayon ang kaarawan ni Rionette, hindi ko pa siya nakikita simula umaga. Alas kwatro ng hapon hanggang alas otso ng gabi gaganapin ang kaarawan niya.
Tumulong ako sa pagaayos ng mga gagamitin para mamaya. Nung isang linggo pa sila naghahanda pero ngayon lang ako nakatulong dahil isang linggo akong naging bihag sa Emperyong ng Silvhanna.
Sa isang linggo kong pagiging bihag sa piitan ng emperyong iyon, ngayon ko lang naalala na hindi ako nakabili ng regalo para sa kaniya. Kaya nagdesisyon akong gawing regalo ang porselas na binili ko noong nag ikot ikot ako sa bayan.
Ilang oras matapos maghanda nag asikaso na ako ng aking sarili. Hindi ako maaaring lumabas na mukhang basahan dahil puro royal families ang dadalo.
Nang matapos akong magayos saka ako nagtungo sa bulwagan na siyang paggaganapan ng kaarawan ng prinsesa. Kapansin pansin ang mga eleganteng bisita. Mga Hari't Reyna, prinsipe, prinsesa, pati ang iba sa royal council ay naririto.
Natapos ang ilang minuto naming paghihintay ng napukaw ang atensiyon ng lahat sa tagapagsalita ng palasiyo. Tumindig ito sa gitna bago nagsalita
"Good evening, Ladies and Gentleman. Before the princess arrival. Let's hear out first the message of the King and Queen of this empire" nakangiting anunsiyo nito kasabay nang palakpakan ng mga tao.
Ang ilaw ay tumutok sa pwesto ng hari't reyna, nasa kaliwang parte sila ng palasiyo. Magkatabi silang nakaupo sa sarili nilang mga trono. Ang prinsipe ay nakaupo sa tabi ng kaniyang ama, at ang upuan ng prinsesa na nasa tabi ng reyna ay nanatiling bakante.
Tumayo ang Hari at inikot ang kaniyang paningin sa buong bulwagan.
"Ako ay nagagalak na nagawa ninyong dumalo sa kaarawan ng aking prinsesa. Alam kong karamihan sa inyo ay malalayo pa ang lugar, ngunit hindi kayo nag dalawang isip na maglakbay upang samahan ang aking anak sa kaniyang kaarawan." nakangiting sabi ng hari, tumikhim siya at sumunod namang tumayo ang Reyna
Sang ayon ako sa sinabi niya. Karamihan sa mga bisita ay mga nang galing sa iba't ibang emperyo. Ilang oras ang kakailanganin para marating ang mga emperyo.
"This will be the most unforgettable birthday for her. I appreciate all your efforts. Please enjoy the party" nakangiting sabi ng Reyna at bumalik na sa upuan.
Muling tumapat ang ilaw sa tagapagsalita
"And now, the most awaited moment. Let's all welcome The Princess of Azhure Empire. Princess Czherise Rionette Azeue." malakas na anunsiyo nito dahilan upang nag simulang mag ingay ang tambol at iba't ibang klase ng instrumento.
Maya maya lang tumapat na ang ilaw sa naglalakad na prinsesa. Naka suot siya ng princess gown, pinaghalong red, gold, and silver ang kabuuan ng suot niya. Ang buhok niyang kulot ay nakalugay. At may mga gintong palamuti na nakalagay sa buhok niya
Tumayo ang prinsipe at inabot ang kamay niya. Inalalayan siya nitong magpunta sa gitna ng bulwagan. Yumuko ang prinsepe at prinsesa bilang paggalang sa isa't isa. Nilagay ng prinsesa ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat nito habang ang kaliwa niyang kamay ay hawak hawak ng kapatid niya.
Nag simulang tumugtog ang violin, at nag simula din silang sumayaw. Sa kalagitnaan ng musika ay sunod na sumayaw ang hari't reyna, hanggang sa pati ang ibang bisita ay gumaya at sumayaw din.
Ang tunog na ginagawa ng musika ay masarap sa pandinig, dumagdag sa kagandahan nun ang sabay sabay na pagsayaw ng mga taong nasa gitna ng bulwagan.
Matapos ang pagsasayaw ay inabot ng bawat isa ang kanilang regalo. Karamihan sa kanila ay kumakain at nag uusap na ngayon.
Ako naman ay nandito sa lamesa para sa mga tagapagsilbi. Kasama ang kanang kamay ng hari't reyna, pati ang sa prinsipe.
Hindi ko magawang makipagusap sa kanila dahil hindi ko naman sila ganoong ka close. Ang mga ingay at tugtugan na kanina ay nangingibabaw sa buong bulwagan ay biglang nawala. Ang mga bisita na kanina ay naguusap napatigil at tumingin sa pintuang nakabukas.
Bigla nalang bumukas ang pintuan ng bulwagan pumasok doon ang mga kawal. Nasisiguro kong sa ibang imperyo sila nagmula dahil iba ang kanilang kasuotan. Maya maya ay pumasok ang hindi pamilyar na babae, kagaya ni Rionette ay nakausot din ito ng magarbong gown. Ang kabuuan naman ng kaniyang kasuotan ay ginto, puti, at itim. Malinis na nakapusod ang kaniyang buhok, at toktok ng kaniyang ulo nakalagay ang isang simple pero nag niningning na tiara.
Nagpatuloy ito sa paglalakad at huminto sa harap ng Prinsesa.
Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matukoy kung sino. Wala akong naalalang isa siya sa mga bisita ng prinsesa.
Panigurado akong magugulat ang lahat kapag nalaman kung sino siya. She's the unexpected visitor. Kahit ang iba ay hindi siya kilala.