Rionette's POV
Tumigil ang hindi pamilyar na babae sa aking harapan. Sino siya? Prinsesa din ba siya? Saang emperyo? Bakit hindi ko siya namumukhaan.
"Mag bigay galang kayo sa pinakamataas na Prinsesa!" malakas na anunsiyo ng isa sa mga kawal na kasama niya.
What???
Ang mga bisita ay biglang lumuhod at yumuko sa kaniya. Hindi ko magawang gayahin ang ginagawa nila, dahil sa aking pagkagulat. Hindi ito totoo
Si Ama at Ina ay hindi manlang yumuko o lumuhod. Lumapit sila sa akin at tumikhim si Ama
"Hindi ka namin inaasahan pinakamataas na prinsesa" nagtatakang sambit niya, ibig sabihin hindi din nila alam ang bagay na ito?
"Paumanhin, ninais ko lamang na bisitahin ang matalik kong kaibigan" nakangiting sagot niya at tumingin sa akin.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako na siyang mas lalong ikinagulat ko.
Ilang taon akong naghintay, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging trato niya. She's here, she's finally here.
~~~~~~~~~~~~~
Nakaupo na kami ngayon sa hapag kainan. Ang mga bisita ay nagpatuloy sa pagsasaya sa loob ng bulwagan. Ako, si ama't ina, at ang pinakamataas na prinsesa lamang ang nandito.
Ang kapatid ko ay mas piniling manatili sa bulwagan at para magsaya.
"Ano ang iyong pakay sa aming emperyo, pinakamataas na prinsesa" tanong ni ama, batid kong diniinan niya ang huling salitang binanggit niya.
Tumaas ang kilay ng pinakamataas na prinsesa, pinunasan niya muna ang kaniyang labi bago mag salita.
"Kagaya ng sabi ko nais kong makita si Rionette" nakangiti niyang sabi pero iba ang ibig sabihin ng ngiti niya.
Ano tong nakikita ko? Bakit gayang gaya niya?
Natutuwa ako dahil sa limang taon niyang pagtatago ay naisipan niya ulit magpakita. Pero may parte sa akin ang nangangamba. Ano ang ibig sabihin non?
Kahit ako hindi ko maipaliwanag. Marahil sa gulat kaya ako nag kakaganito
"Ama, respetuhin natin si Zir- ang pinakamataas na prinsesa" nakangiting pag papatuloy ko
Tumango lang sila sa pagsangayon at nag patuloy sa pagkain. Nang matapos kaming kumain niyaya niya ako kaya sumunod ako dito.
Naglalakad kami sa balkonahe ng palasiyo, punong puno ng kadiliman ang paligid. Tanging ang mga bituin at ang buwan ang siyang nag sisilbing liwanag sa buong kapaligiran.
Nakikita ko ang mga bisitang umaalis na, yung iba ay gumegewang gewang pa, marahil sa tama ng alak.
"Ang iyong kanang kamay" panimula niya na siyang pinagtakahan ko
Ano ang meron kay Lara?
"Anong meron at binanggit mo siya?" tanong ko dito
Umismid siya habang ang kaniyang paningin ay nasa langit.
"Never mind" matabang na sabi nito, tumabi ako sa kaniya pero nanatili ang atensyon ko sa papalabas na mga bisita
"Mauna na ako, aasahan kita sa Lunes" paalam niya saka ako iniwan, ano yun?
Pinasama niya ako para lang sa wala. Nakakainis
Doon ko lang ulit naalala, sa Lunes ang araw na kaniyang basbas. Basbas kung saan ipapakilala siya sa buong bansa. At makikita namin ang ritwal na gagawin niya. At sa araw na iyon ay magkakaroon siya ng mas mataas na pwesto.
She's the highest princess. At sa araw na iyon ay magiging mataas na siya, she will be called Quin Princess. Mas mataas pa siya sa mga reyna at hari ng bawat emperyo. At kasing taas niya ang mga royal council.
Hindi nakakapagtaka ang bagay nayon. Queen Ambhria Silvha Thermocolis-Rhynaldin the respectful dead queen of Silvhanna. Who died because of the poisoned arrow.
Queen Alvacionne Yvonne Thermocolis-Rhynaldin, is currently the queen of Silvhanna her older sister. Ang panganay sa kanilang apat.
Prince Jefferson Czy Thermocolis-Rhynaldin is the highest damji. Ang damji ay ang spy assassin sa bansang ito. Siya ang highest damji hindi lang sa kanilang emperyo kundi sa buong bansa namin. Prince Ferson is the second child of Queen Silvha
Prince Jentrix Cade Thermocolis-Rhynaldin. Ay ang bunsong prinsipe, he is known as the highest prince. Kung may pinakamataas na prinsesa, meron ding pinakamataas na prinsipe.
Quin Dowager Elquisha Sallia Thermocolis-Rhynaldin, is her grandmother. The mother of this country, the queen of all queens. The Majesty of all Majesties.
And lastly HER. Princess Atilah Zirconia Thermocolis-Rhynaldin, the princess of all princesses, and soon to be the Quin Princess.
The highest princess, is here.