Chapter 10

1081 Words
Rionette's POV "Higpitan mo pa" utos ko sa isang taga pagsilbi na tinatali ang damit ko sa likod, nang mahigpitan niya iyon ay sinenyasan ko siyang umalis na. Tinitigan ko ang ayos ko sa buong salamin, simpleng saya lang ang sinuot ko na kulay berde. Lumabas ako ng aking silid habang nasa likuran ko si Lara. "Aalis kana?" tanong ni Ama, si Ina naman ay nakahawak sa kaniyang braso How I wish I met a man like my father. Ilang taon na silang kasal pero hindi nawawala ang pagiging malambing nila sa isa't isa "Opo, paniguradong hinihintay na ako don" sagot ko dito, niyakap ko silang dalawa. Humiwalay nako sa kanila at naglakad na papunta sa karwahe ko. Nakita ko si Hosiery sa gilid ng karwahe ko, nakataas ang kilay nito habang sinusuri ako. "Sigurado kana?" tanong nito kaya kinunotan ko siya ng noo "Ano bang klaseng tanong yan, Hosiery" suway ko dito, inilingan niya ako bago siya umalis. Nagtataka man pero tuluyan na akong pumasok sa karwahe, sumunod naman si Lara na umupo sa harapan ko. Inanyayahan ako ng pinakamataas na prinsesa sa kanilang emperyo, nais niya kaming magusap. Ngayon na lamang kaming muli maguusap ng pang matagalan, sa tagal ng panahon niyang pagkawala. Mamamalagi kami sa palasiyo hanggang sa araw ng kaniyang basbas. Apat na araw kami doon. Mabilis ang takbo ng karwahe dahil apat na kabayo ang nagpapatakbo nito. May mga kawal na pinadala si ama upang samahan kami papunta sa emperyo ng Silvhanna. Kasama namin si Kapitan Miaro, ang kapitan ng mga tagabantay sa aming emperyo. Tumutol pa ako nung una pero wala din akong nagawa nang sila ni ina na ang nagdesisyon. Para sa kaligtasan din naman namin ang iniisip nila, kaya pinagbigyan ko. Napapaisip padin ako, anong dahilan bakit niya ako gustong mamalagi sa kanilang emperyo? Napamulat ako ng biglang may kumalabit sa akin "Nandito na tayo" sambit ni Lara kaya bumangon ako Naunang bumaba si Lara, sumunod naman ako habang inaalalayan ako ni Kapitan Miaro. Ang kapitan na lubos na pinagkakatiwalaan ni ama. Pagbaba ko bumungad sa akin ang sariwang simoy ng hangin. Ang mga damo at bulaklak na naglalaglagan sa lapag. Maya maya lang binalot ng ingay ng trumpreta ang buong paligid. Hudyat na may espesyal na panauhin. Huminga muna ako ng malalim bago dumiretso sa loob. Masiyadong malaki ang palasyo, hindi ko alam kung paano ko ito sisimulang ilarawan. Kahit ako ay nahihirapan lingunin ang buong paligid dahil sa sobrang lawak. Hagdan ang siyang sunod na dadaanan kaya hindi makakaakyat ang karwahe. Anim na hakbang lang naman, pero pinagbabawal iyon. Isang napakalaking fountain ang bumungad sa akin. Napakaganda Ang parte na ito ng palasiyo ang isa sa pinaka hinahangaan ng mga tao. Marami ang ninais mag pabalikbalik sa loob. Pero hindi pumapayag ang mga naninirahan dito. Hindi sila maaaring mag papasok basta basta lang dahil palasiyo ito, hindi pasyalan. Nang bumukas ang pintuan saka lang ako pumasok, sa gitna non nandoon ang pinaka mataas na prinsesa. Lumuhod ako at yumuko bilang paggalang "Salamat sa iyong pagdating" nakangiting bati nito, tumayo ako ulit at saka siya binigyan ng ngiti. "Tayo na" pagkasabi niya non sumunod ako sa kaniya Pumasok kami sa silid-kainan ng palasiyo. Isang napakahabang gintong mesa, ang mga gintong upuan ay nakapalibot doon. Nakita ko si Reyna Yvonne na nakaupo sa pinaka dulong parte ng lamesa na siya ding may pinaka mataas na upuan. Sa kaliwang bahagi niya nakaupo si Prince Ferson habang nasa tabi niya naman si Prince Cade. "Kinagagalak kong makita ka sa aming palasiyo Princess Rionette" nakangiting bati ni Prinsipe Cade Umupo ang pinakamataas na prinsesa sa kanang bahagi ng reyna, sinenyasan naman ako nitong maupo sa tabi niya kaya umupo ako. "Maupo din kayong dalawa" biglang sabi ng Reyna at tumingin sa likuran ko Nakita ko si Lara at Tanya na magkatabing nakatayo sa likod. Sinunod naman ng dalawa ang utos, tumabi sa akin si Lara habang si Tanya ay nasa tabi niya. "Ano ang dahilan at naparito ka, Princess Rionette?" tanong ni Prinsipe Ferson na nagpatigil sa akin sa pagkain. Ibig sabihin hindi nila alam? "Inanyayahan ko siya dito, Mahal na Prinsipe" pormal na sagot ni Zirconia, kaya napataas ng kilay ang Reyna. Ang dalawang prinsipe naman ay patuloy sa pagkain pero nanatiling nakikinig. "Hindi mo manlang ako sinabihan?" tanong ng reyna na mas lalo kong ikinagulat What the f**k? Siya ang pinakamataas na prinsesa, hindi na niya kailangan pa ang permiso ng kahit na sino. Something's wrong "Ako ang pinakamataas na prinsesa, kaya hin--" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng biglang isang malakas na paghampas ang umalingawngaw sa buong silid. Ang mga kamao ng pinakamataas na prinsipe ay nagdudugo, ang plato na nasa harapan niya ay nadurog. Kinuha niya ang wine glass at binato sa pwesto kung na saan ang pinakamataas na prinsesa kaya napasigaw ako. Hinawakan ko siya at hinarap sakin, pero laking pasasalamat ko ng wala siyang natamong sugat. Ang wine glass na binato ay nagkalat sa sahig. Liningon ko ang pwesto nila Lara. Si Tanya ay nakayuko, bakas ang takot at gulat sa ekspresiyon niya. Si Lara naman ay nanatiling kalmado, sinubukan niyang tumayo pero pinigilan ko siya. "Mauuna na ako, babalik ako sa buwan ng oktubre" kalmado na ang pananalita ng prinsipe, pero bakas padin ang galit sa mga mata nito. Halos isang buwan siyang mawawala? Hindi ba niya nais makitang basbasan ang kaniyang kapatid at kilalanin bilang Quin Princess? Nag bigay galang lang siya sa dalawa niyang nakakatandang kapatid, muli niya munang binigyan ng nakamamatay na tingin ang pinaka mataas na prinsesa bago lumabas ng silid. Pinahatid na ako ng Reyna sa aking silid, si Lara naman ay matutulog sa silid ni Tanya. Sinabi din ng pinakamataas na prinsesa na mamaya na kami maguusap. Naninibago ako sa mga kilos nila. They used to be so close, what happened now? Hindi ganito ang trato nila sa isa't isa. Masiyadong mahal ng kanilang pamilya ang prinsesa. Pero ano itong nasaksihan ko? Kahit kailan hindi nagbuhat ng kamay ang mga prinsipe sa bunso nilang kapatid. Dahil naalala ko noong bata kami ay kapag nasusugatan ang prinsesa inaaway nila ang mga gumawa nun. Minsan pa nga ay sinisisi nila ang kanilang sarili, kahit pa ang pinagmulan ng kaniyang mga sugat ay dahil sa kaniyang kakulitan. Hindi kaya nagbago ang trato nila sa isa't isa dahil sa limang taon na pagkawala nito? Ang alam ko ay namalagi siya sa ibang bansa upang kalimutan ang masasamang pangyayari sa buhay niya. Arghhh This is absurd. Fvck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD