Hanna's pov Period sucks. Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin nawawala ang sakit ng tyan ko. Ito 'yung monthly problems ng mga babae lalo sa kagaya ko na grabe kong magka-cramps. Nagpasya ako na pumunta sa master's bed room. Hindi na akong nag-abala na kumatok, pumasok ako at humiga sa kama. "What are you doing here?" Rinig kong tanong nito. "H-hubby ang sakit," daing ko habang nakahiga na parang fetus. Kumunot ang noo nito at umupo. "Ano ang masakit? Are you okay? What is happening to you?" Sunod-sunod na sabi nito at dinantay ang kamay sa noo ko. "You don't have a fever." "'Yung tiyan ko-hmmm." "Rhianne, ano bang nangyayari sayo? Bakit ka pinagpapawisan? Hey!" "Cramps," mahinang sabi ko. "First ko kagabi, hindi pa ako nakakatulog. Kanina pa masakit ang tyan ko." "D

