bc

Unwanted Wife

book_age16+
2.1K
FOLLOW
10.8K
READ
billionaire
love-triangle
arranged marriage
student
drama
twisted
first love
addiction
stubborn
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

What Hanna wants, Hanna gets.

'Yan ang motto ng isang Hanna Rhianne Gonzales.

Pero nagbago ang lahat ng makilala niya si Zeus Pollan. Love at first sight, 'yan ang nangyari rito.

Ginawa niya ang lahat para makasal sa isang Zeus Pollan.

Pero sapat na ba na kasal sila ng taong mahal niya para maging masaya?

Makakaya kaya niyang makaisama sa lalaking puno ng galit sa kanya at may mahal ng iba?

Magagawa kaya ni Hanna na makuha ang puso ng kanyang asawa?

O sa unang pagkakataon hindi niya makukuha ang inaasam niya.

chap-preview
Free preview
Uno
Hanna Rhianne's point of view "HANNA RHIANNE GONZALES!!!" galit na sigaw ni Mommy sa akin. Hindi na bago 'yan sa akin. Malakas talaga ang boses ni Mommy lagi. "Nasa harap mo lang ako, Mommy. Hindi ako bingi," baliwalang sabi ko. "Where's Dad?" Kakauwi ko at dumeretcho na ako sa kwarto ko. Sinabihan siguro ito ni yaya na nakarating na ako. Galit siyang pumasok sa room ko kanina. "Kailan ka ba magtitino? Hindi ko na alam-" "Mom sabihin mo muna sa akin kung ano na naman ang nagawa ko bago mo ko sermunan," sabi ko rito. Huminga siya ng malalim bago umupo sa kama ko. "Really? Hindi mo alam ang nagawa mo?" Mariing sabi niya. Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya. "Love you, Mom. Gutom na ako," panlalambing ko. "Love you too pero huwag mo akong dinadaan sa ganyan. Tumawag ang teacher mo sa akin at sinabi ang paglalagay mo ng pintura sa upuan ng kaibigan mo! Hindi ka pa nakontento at pati ang upuan ng teacher mo nilagyan mo!" May kalakasang sabi nito kaya natawa ako. "Haha, they deserved it. They messed up with me, " nakangiting sagot ko. "Walang nakakatawa sa ginawa mo! Pati si Mrs. Corazon hindi mo pinatawad!" Inalis ko ang pagkakayakap kay Mommy at humarap sa kanya. "First of all, hindi ko siya kaibigan dahil sinisiraan niya pala ako sa likod ko. Kaya ko lang naman ginawa 'yun kasi ang boring-" "Boring!!!!" inis na sigaw ni Mommy. "Eh 'di sana nag-shopping ka na lang, hindi 'yung gagawa ka ng mali!" "Mommy pinahiya kasi ako ng Teacher na 'yun last week. Sinabihan ba naman akong ganda lang pero walang laman ang utak at wala raw akong ambag sa klase niya. Tapos 'yung classmate ko narinig kong sinabihan akong squammy. Syempre kailangan kong gumanti," pagsusumbong ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mommy sa sinabi ko kaya palihim akong ngumiti. "Sinabihan kang walang laman ang utak at walang ambag?" Seryosong sabi nito bago tumayo. "Opo," paawang sagot ko. "Ang kapal ng mukha niya para sabihan ka ng ganun. Bukas na bukas ay sasamahan kita at haharapin ko sila," sabi nito bago tumalikod. Akala ko tapos na pero humarap ulit si Mommy sa akin. "Good job, Hanna." Natawa naman ako sa sinabi ni Mommy. Wait, magpapakilala muna pala ako. Hanna Rhianne Gonzales, 17 years old at isa akong 4th year high school student. Si Mommy ay dakilang house wife, ako naman ay magandang palamunin lang sa bahay at si Daddy ay negosyante. Focus si Daddy sa negosyo para hindi na raw kami bumalik sa hirap. Si Daddy ay mayaman na talaga kaya lang nung pinili niya si Mommy na pakasalan, tinanggalan siya ng mana kaya naghirap kami. Pasalamat na lang kami dahil ma-tiyaga at matalino si Daddy, kaya nung nagnegosyo siya ay agad nag-boom. "Good evening, Daddy. Maaga ka ata ngayon," sabi ko. "Yeah, may pupuntahan tayong party. Dumating na sa bansa ang pamilya Pollan," sabi nito. Pumunta ako sa likod ni Daddy at hinilot ang ulo niya. "Hmmm, kasama ako? May gagawin pa kasi ako at-" "Sasama ka, Anak. Gusto kang makita ni Tita Zaya mo," sabi ni Daddy. Hindi ko naman 'yun kilala, sabi ko sa isip ko. Kwento lang nila nuon ang alam ko pero hindi ko maalala. Pumunta ako sa room ko para magbihis sa utos na rin ni Daddy. Pinili ko ang red fitted dress, light make-up, and messy bond hair. Sinundo lang ako ni Mommy sa room ko para sabihing kailangan na naming umalis. Buong byahe nakatingin lang ako sa labas ng kotse. "Kasama na nila si Zeus, Hon?" "Yeah, matalino ang batang 'yun at sa edad niya ngayon ay nakakatulong na siya sa family business nila. Naka-usap ko siya nuong minsan nagkita kami sa England," rinig kong sabi ni Daddy. "Hanna," tawag sa akin ni Mommy kaya napaharap ako rito. "Alam mo bang si Zeus ang nag-aalaga sa inyo ni Ziena nuong bata pa kayo." "Ahh, nice. Matanda na siya kung ganun," saad ko na ikinatawa ni Mommy at Daddy. "10 years ang agwat niyo," sagot ni Daddy sa akin. "Kuya Zeus na lang ang itatawag ko sa kanya," baliwalang sabi ko at tumingin ulit sa labas. Pumasok kami sa puting gate. Pagbaba namin ay may dalawang maid ang sumalubong at hinatid kami sa garden kung saan kasalukuyang ginaganap ang party. May ilang humarang agad kay Daddy at Mommy kaya lumayo ako. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang group of fake friends ko kaya napangisi ako. "Hello," nakangiting bati ko sa kanila. Nakita ko pa ang makahulugang tinginan nila kaya napangisi ako. Unang lumapit sa akin si Ann. "Hi, what are you doing here?" Tanong nito sa akin. Sumunod na lumapit si Iya, Rowena at Pamela. "Tita Zaya invited us," sabi ko. "Tita?" Nagtatakang sabi ni Pamela. Kita ko pa ang pag-irap nito sa akin, " ahhh- oo nga pala feeling close ka sa lahat." Ngumiti lang ako ng makita ko si Mommy at Daddy na may kasama palapit sa akin. "Hanna, come here." Nakita ko pa ang pagkagulat sa mata ng apat kong plastik na kaibigan. Lumapit ako kay Mommy. "Oh my gosh, Hanna ikaw na ba 'yan? You are so lovely, " sabi ng babaeng kasama nila Mommy at yumakap pa ito nang mahigpit sa akin. "Hanna siya ang Tita Zaya mo. Madalas ka rito sa bahay nila dati," paliwanag ni Mommy kaya napatingin ako sa babaeng yumakap sa akin. Wala talaga akong maalala. "Hello, Tita. Sorry hindi ko po talaga kayo maalala," hinging paumanhin ko. Nahagip ng mata ko ang mga pekeng kaibigan ko na nakatingin sa amin. "It's fine. You were 3 years old back then," nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Ipapakilala kita sa anak kong si Zeus, siya ang madalas mo ring kasama nuon." Ngumiti si Daddy at Mommy sa akin kaya sumama na lang ako. Huminto kami sa grupo ng mga kalalakihan at may isang babae. Napako ang paningin ko sa isang lalaki na katabi ng babae. Ang gwapo niya at ang tangkad. Una kong napansin ang dimples niya na malalim habang nakangiti sa babaeng katabi nito. Napahawak ako sa puso ko nang bumilis ang t***k nito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaki. Makapal ang kilay, may matangos na ilong at mapulang labi. "Hanna, Iha. Are you okay?" Napapikit ako ng ilang beses ng pisilin ni Tita Zaya ang pisngi ko. Napaharap ako rito. "Ano po 'yun? " nahihiyang sabi ko. "Meet my son, Zeus Pollan. Zeus si Hanna," sabi ni Tita kaya napaharap ako sa lalaking pinagpapantasyahan ko ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Ngumiti ito sa akin kaya mas bumilis ang t***k ng puso ko. Ginulo nito ang buhok ko. "Rhianne, dalaga ka na. Dati binubuhat lang kita sa liit mo," sabi nito sa akin. "Zeus," nakangiting sabi ko. "Call me, Kuya Zeus. Nga pala ang girlfriend ko si Red Roxas."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook