Dos

1059 Words
Hanna's point of view "Zeus-" "Kuya Zeus nga, ang kulit mo. What are you doing here?" Tanong Zeus sa akin. Kakagaling ko lang sa school at agad akong dumeretcho sa bahay nila. Tatlong araw na mula nuong party at nakilala ko siya. Simula nuon ay lagi na ako rito para makita siya. Love at first sight? Yes, 'yun nga ang nangyari sa akin. Hindi na siya mawala sa isip ko. "Wala pa kasing tao sa bahay kaya dumeretcho muna ako rito. Tumawag na ako kay Tita Zaya at sabi niya nandito ka," nakangiting sabi ko at tumabi rito sa sofa. "Okay," sabi nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko. "Business proposal," saad nito at sinara agad ang laptop bago tumingin sa akin. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Where have you been?" He asked. "Sa school, why? Makatingin ka naman," tanong ko pabalik. "School? Sa ikli ng skirt mo," sabi nito. Napangiti naman ako dahil sa concern niya sa akin. "Tatapon ko na ito. Bibili na lang ako ng jeans," nakangiting sagot ko. "Bata," bulong nito bago tumayo. "Tara, hatid kita sa bahay niyo." "Huh, kakarating ko lang ah-" "May date kami ni Ate Red mo," sabi nito kaya napaikot ang mata ko. Ate? Hindi naman kami magkapatid. "Hindi ko siya Ate-" "Kid," sabi nito at naglakad na palabas kaya sumunod ako. Kumapit ako nang mahigpit sa braso ni Zeus. "Sama ako, please. Boring kasi sa bahay tapos-" "No-" "Sige na-" "No!" "Sige kung ayaw mo, sa mall mo na lang ako ihatid. Makikipag-date na lang din ako," seryosong sabi ko. "Okay," sabi nito kaya tinignan ko siya nang masama. "Hindi ka nag-aalala sa akin? Baka r****t pala ang ka-date ko o kaya kunin niya ako at kunin ang lamang loob ko. Gusto mo bang mangyari 'yun? Hindi kakayanin ng konsensya mo, " panakot ko sa kanya. Huminga muna ito nang malalim bago ako tinignan na naiiling. "Kulit mo, Rhianne. Wala kang pagbabago," natatawang sabi nito. "Let's go! Stick with me all the time." Sumunod ako sa kanya at humawak sa braso nito. "Sasama na ako sa date niyo. At didikit talaga ako sayo, mahirap na baka mawala ako. Sobrang dikit na," pangungulit ko at mas idinikit ko ang sarili ko sa kanya. "Yeah, behave! Don't be stubborn and listen to me!" Natawa naman ako sa sinabi nito. Buong byahe ay nakangiti lang ako hanggang sa huminto kami sa isang building at nakita ko ang girlfriend nito kaya napairap ako. Hindi naman siya maganda, maputi lang. Malaki lang ang boobies niya pero pangit pa rin ng katawan. Ginayuma niya siguro si Zeus ko. "What?" Naka taas kilay kong tanong ng binuksan nito ang pinto sa front seat kung saan ako nakaupo. "Sa likod ka, dyan si Red." Hindi ako nakahulma agad sa sinabi ni Zeus. "It's okay, Baby. Sa likod na lang-" "Na-ah, you can sit here. It's all yours," sabat ko at padabog na bumaba. Lumipat ako sa likod ng sasakyan at sinuot agad ang earphone ko. Pinikit ko rin ang mata ko dahil hindi ko kinakaya ang pagtitinginan nilang dalawa. "Ikaw, huh. Ang aga-aga mong ginulo ang utak ko, haha. Naughty, Baby." Baby daw. Mamaya baby-gwasan ko 'yan Red. Ang arte tumawa, pacute pa. "Zeus Baby, natamaan ka sa text ko? Haha, may nabuhay ba? We can-" "Haha, silly. Let's talk later about that. May bata tayong kasama," rinig kong sabi ni Zeus na ikinatawa naman ni Red. "Usap lang ba?" Rinig kong tanong ni Red bago nagtawanan ang dalawa. Napahawak ako sa cellphone ko nang mahigpit dahil sa selos na nararamdaman ko. Sa inis ko nilagay ko ang bubble gum na nginunguya ko sa buhok ni Red na nakalaylay sa harap ko. "Better," bulong ko at tumingin kay Zeus na tumatawa pa rin. Ang aliwalas niyang tignan pag tumatawa siya. Sobra rin kung titigan niya si Red, ramdam ko ang pagmamahal niya para sa babae. "Zeus, ihatid niyo na lang ako sa mall. May bibilhin pa ako," sabi ko. Masakit kasi kayo sa mata, masakit rin sa dibdib. Nagseselos kasi ako- yan ang gusto kong sabihin. "You don't want to come with us?" Tanong pa ni Zeus na tinignan ako mula sa salamin. "Next time na lang," walang ganang sabi ko. Hindi na ito nagsalita. Nakita ko si Red na nakatingin sa akin. "What?" Mataray na sabi ko. "Haha, kaugali mo ang kapatid ko. Ang cute niyong magmaldita," natatawang sabi nito. "Kaugali mo ang kaibigan ko. . . orocan. See yah," nakangiti ring sabi ko bago ako bumaba. Nakita ko pa ang pagsimangot ni Red sa akin. Buti naman gets niya ang gusto kong sabihin. "Bye, Zeus. Love you," nakangiting sigaw ko. "Take care," naiiling na sabi ni Zeus bago pinaandar ang kotse nito. Wala akong ginawa sa mall kundi mag ikot-ikot lang. Kahit anong gawin ko naiisip ko pa rin si Zeus at Red na masayang magkasama. Napagdesisyunan ko na pumunta sa opisina ni Lolo Zan. Siya ang Ama ni Tita Zaya at Lolo naman ni Zeus. "What a surprise! What are you doing here, Hanna?" Nakangiting sabi ni Lolo Zan pagkakita niya sa akin. "Alam ba ng Daddy mo na nandito ka?" Umiling ako at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. "May proposal po ako," seryosong sabi ko. Napangiti ito sa sinabi ko at sinara ang laptop sa harap nito. "Proposal, huh? Business proposal?" "Love proposal," mariing sabi ko. Natawa naman si Lolo Zan sa sinabi ko. "Interesting! Katulad mo talaga ang Lola mo. You may start," sabi ni Lolo Zan kaya huminga muna ako nang malalim bago ko siya tinignan sa mata. "Sabi mo po nuong una tayong magkita na malaki ang utang na loob mo sa Lolo at Lola ko," pauna ko. "That's true," pagsang-ayun ni Lolo Zan. "At hindi ka man lang nakabawi sa pagligtas nila sa buhay mo dahil wala na sila," pagpapatuloy ko. "Yes!" "Sinabi mo rin sa akin na kahit anong hilingin ko ibibigay mo dahil apo ako ng mga taong nagligtas sayo. Gusto mo pong makabawi sa pamamagitan ko," saad ko. "What is it, Hanna? What is your love proposal?" Alam kong mali ang gagawin ko. Alam kong magagalit si Zeus pero ito lang ang nakikita kong paraan para makasal siya sa akin at iwan niya si Red. "Gusto kong makasal kay Zeus. Tell him to marry me!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD