Tres

1152 Words
Hanna's point of view Pagkauwi ko ng bahay dumeretcho ako sa office ni Daddy. "Daddy," tawag pansin ko sa kanya. Binaba naman nito ang hawak na ballpen at tinuro ang sofa sa loob ng office kaya agad akong umupo pati siya. "What do you want?" Tanong nito. "Kakamustahin lang sana kita, Daddy. You want a coffee?" Tanong ko. "Hanna, alam ko ang napag-usapan niyo ni Don Zan. Alam ko ang hiniling mong mangyari sa kanya. Tinawagan niya-" "Papayag ka naman 'di ba? Sabi niya kasi sa akin na kailangan payag kayo ni Mommy. Akala niya nagbibiro ako, Daddy. Gusto ko talagang pakasalan si Zeus," seryosong sabi ko. "You are only 17 years old, Hanna. Enjoy your-" "Daddy, 18 na ako this year. Tinanong ako ni Mommy kung kailan ako magtitino. Ngayon alam ko na kung kailan," pursigidong sabi ko. "When?" Tanong ni Daddy. Alam kong pati siya ay hindi na gusto ang pinaggagawa ko. Naka-ilang schools na ako na pinaglipatan nila dahil lagi akong nasasangkot sa gulo. "Pag pinakasal mo ako kay Zeus," deretchang sabi ko. "Crush mo lang siya, " naiiling na sabi sa akin. "Stop being stubborn, Hanna. Marriage is not a joke." "Dad, I am serious. I want to be his wife-" "Hanna Rhianne hindi magandang biro 'yan. Alam mong may girlfriend si Zeus, bakit gugustuhin mong makasal sa lalaking may mahal ng iba? Hanna, Anak. Madami ka pang makikilalang lalaki," galit na turan sa akin ni Daddy. Naiiyak naman akong tumayo at tumingin nang matiim kay Daddy. "Pag hindi mo ako pinakasal sa kanya, magpapakamatay ako. Alam mo na kaya kung gawin 'yan, Daddy. Magpapakamatay ako," seryosong sabi ko. Nakita ko pa ang gulat sa mukha ni Daddy bago ko siya iwan. Buong araw akong nagkulong sa kwarto pagkatapos naming mag-usap ni Daddy. Hindi ko maintindihan kong bakit akala nila isang malaking biro ang gusto ko. Alam kong para sa kanila, isa lang akong 17 years old na studyante. Pero sana makita nila na seryoso ako sa gusto kong mangyari. Mahal ko siya. Unang kita ko pa lang kay Zeus ay tumibok na ang puso ko, nakuha niya na agad ang puso ko. Alam ko rin naman na may girlfriend siya at mahal niya 'yun. Pero alam ko na matututunan niya akong mahalin pag magkasama kami, gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako pabalik. May Red sa buhay niya, kaya ko rin namang palitan si Red. Kaya kong gumaya kay Red mahalin niya lang ako. "HANNA, LET'S TALK!" Rinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng room ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Niyakap ko si Mommy at umiyak. "Mommy," bulong ko. "Dalaga na talaga ang anak ko. Usap tayo," sabi nito at inalalayana akong umupo sa kama ko. Pinunasan din ni Mommy ang luha ko bago nakangiting tumingin sa akin. "I'm serious, Mom. I love him, I want to be his wife. Bakit akala ni Daddy nagbibiro lang ako," sumbong ko rito. "He promised. . . nangako si daddy na lahat ng gusto ko ibibigay niya." "Hanna-" "Mommy, ayokong makasal sila Red at Zeus. Ako dapat! Ako dapat ang pakasalan niya," mariing sabi ko. "Listen to me, Sweety. Hindi biro ang gusto mong mangyari, gusto mong makasal sa lalaking hindi ka mahal. . . sa lalaking may mahal ng iba-" "I will do everything to make him love me," sabat ko. "Do you think that's easy? Hanna, hindi madali ang gusto mong pasukin. Lahat ng gusto mo binibigay namin ng Daddy mo. Huwag naman ang pagsira ng relasyon ay gusto mong gawin namin. Hanna hindi natuturuan ang puso," paliwanag ni Mommy kaya napayuko ako at tahimik na umiyak. Masakit marinig na may mahal siyang iba. Alam kong bata pa ako pero sigurado ako sa nararamdaman ko, mahal ko si Zeus. "Magagalit sayo si Zeus pag ikaw ang naging dahilan kung bakit maghihiwalay sila ni Red. Anak madami ka pang makikilala na lalaki, bata ka pa. Ang kailangan mong gawin ngayon ay mag-enjoy," sabi ni Mommy. Umiling ako ng walang tigil at tumingin kay Mommy. "I will accept his anger until he forgive me. Maghihintay ako, Mommy. Hihintayin ko ang araw na matututunan niya akong mahalin," pursigidong sabi ko. "Anak-" " Alam kong magmumukha akong kontrabida sa kanilang dalawa sa plina-plano ko pero sisiguraduhin ko sa dulo ng storya ako ang magiging bida. Mamahalin niya rin ako mas higit pa sa pagmamahal niya kay Red ngayon. Tatanggapin ko ang galit niya hanggang sa matutunan niya akong mahalin," seryosong sabi ko. Tinignan ako ni Mommy na parang binabasa kung seryoso ba talaga ako sa pinagsasabi ko. "Is that what you want?" tanong ni Mommy. "Yes, Mommy." Hinalikan muna ako ni Mommy bago lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay tinawagan ko si Zeus pero walang sumasagot. Kaya tinawagan ko si Tita Zaya at sinabi nito na sinundo ni Zeus si Red kaya nagngitngit ang kalooban ko. Hinanap ko ang account ni Red sa social media. Profile picture pa lang nito ay kasama na si Zeus at nakangiti silang dalawa sa camera. Pag scroll ko nakita ko rin ang madaming picture nilang dalawa na magkasama sa Pilipinas man o kahit sa abroad. Hindi ko na nakayanan na tignan ang mga picture na masaya silang magkasama kaya pinatay ko na ang laptop ko. Kinagabihan hindi talaga ako bumaba para kumain. Gusto kong makita ni Daddy na seryoso ako sa gusto kong mangyari. Bumukas ang pinto ng room ko at nakita ko si Mommy at Daddy na nakabihis. " Ayaw mo bang sumama sa amin, My Princess?" Sabi ni Daddy. Sumimangot ako humiga patalikod sa kanila. Narinig ko pa ang pagtawa nilang dalawa kaya mas nakaramdam ako ng inis dahil hindi nila ako seneseryoso sa gusto kong mangyari. "Hon, ayaw sumama ng Princesa ko. Sayang naman naka-usap ko pa naman si Don Zan at sinabi niya ngayong gabi may mahalaga siya sasabihin," pagpaparinig ni Daddy. "Ah. . . tungkol ba 'yan sa hiling ng Anak natin? Hmm, tayo na lang siguro ang-" "I'LL COME!!!!" Sigaw ko at nagmadaling lumapit sa kanila. "Hanna-" "Magbibihis na ako, mabilis lang sobra. Thank you, Daddy. Both of you are the best." Pagpasok pa lang namin sa restaurant ay nakita ko na sila Tito, Tita Zaya at Lolo Zan. Sinabi ni Tita Zaya na parating na si Zeus kaya malaki ang ngiti ko na nakatingin sa magiging pamilya ko, ang Pollan Family. Hindi nagtagal ay dumating na si Zeus kasama si Red. Wala akong maintindihan dahil ang tingin ko ay nakapako sa kamay nilang magkahawak. Tahimik lang ako habang kumakain, hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Marahil ay alam niya na nasasaktan ako. Tumayo si Zeus at Red. Tinaas ni Zeus ang kaliwang kamay ni Red at duon ko nakita ang singsing. "We are engaged," nakangiting sabi nito. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin hanggang binasag ito ni Lolo Zan. "You can't marry her, Zeus. You will marry Hanna Rhianne Gonzales and that's final!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD