Cuatro

1837 Words
Hanna's pov "What?" Tanong ni Zeus na nakakunot na ang noo. Halata sa mukha nito na naguluhan sa sinabi ni Lolo Zan, alam ko na hindi ito makapaniwala lalo na at alam ng buong pamilya nito ang relasyon nila ni Red. Alam ko na ako ang lalabas na kontrabida sa relasyon nila pero wala na akong paki. Ang gusto ko lang mangyari ay makasal kay Zeus at pag nagsama na kami sisiguraduhin ko na magiging mabuting asawa ako para matutunan niya akong mahalin. Naniniwala ako na makakalimutan niya rin si Red pag mag-asawa na kami. "Magpapakasal kayo ni Hanna sa susunod na buwan," saad ni Lolo Zan. Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Zeus sa kamay ni Red, mababakas rin sa mukha nito ang galit. "It's not funny-" "Sino bang nagsabi na nagpapatawa ako, Apo? Seryoso ako kaya kailangan niyo ng maghiwalay ni Red," mariing sabi ni Lolo habang ako at ang magulang ko ay tahimik lang. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa nangyayari ngayon. Gusto ko ng umuwi at hayaan silang mag-usap pero natatakot akong magsalita. Nawala ang tapang ko dahil sa nakikita kong galit sa mata ni Zeus. "You know I have a girlfriend," mahina pa ring sagot ni Zeus na parang tinatanya kung nagbibiro ba o seryoso si Lolo. "Hiwalayan mo siya ngayon total narinig na niya ang gusto kong mangyari," saad ni Lolo at hinarap si Red na maluha-luha na. "Iha, hindi ikaw ang gusto kong mapangasawa ng apo ko kaya sana layuan mo na siya. "That's bullshit!" Galit na sigaw ni Zeus. "Zeus!" Mariing saad ni Tito upang iparating kay Zeus na maghinay-hinay ito. "Dad, hindi mo ba naririnig ang sinabi ni Lolo? Gusto niyang ipakasal ako sa babaeng 'yan!" Nagulat ako ng bigla akong ituro ni Zeus at galit na galit na tumitig sakin. Napaatras ako dahil hindi ko makayanan ang tingin niya. Naramdaman ni Daddy ang takot ko kaya pumunta ito sa harap ko para hindi ako matignan ni Zeus. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit, alam ko na seryoso siya lagi pero nakakatakot palang magalit. Feeling ko pag walang mga tao rito magagawa niyang sakalin ako dahil sa galit. "Sino ba sila? Bakit bigla niyo na lang naisip na ipakasal ako sa brat na 'yan," pang-iinsulto sakin ni Zeus. Tumabi ako kay Daddy at nakipagtitigan sa magiging asawa ko. Magalit ka man ngayon, hindi ko babawiin ang gusto kong mangyari. "'Wag mong bastusin ang bisita ko-" "You don't want me to insult your guest but you are disrespecting my girlfriend," galit na sabi ni Zeus. Habang nakatitig sa mukha nitong galit, nawala ang takot ko sa kanya napalitan 'yun ng paghanga. Mas nahuhulog ako habang nakatitig sa kanya ngayon, ang gwapo niya at ang hot pag galit. Bumaba ang tingin ko sa kamay nilang dalawa ni Red, enjoy lang dahil pagkasal na kami hindi ko hahayaan na may ibang babaeng humawak dyan. "Huh?" Nagtataka akong napatingin kay daddy nang hawakan niya ako paalis. "Mauna na tayo, mag-uusap muna sila. Tulala ka pa," naiiling na sabi ni Daddy. Pagpasok ko ng kotse tumingin ako kay Mommy na malalim ang iniisip. "Mommy, anong nangyari? Hindi ko narinig," pinagpapantasyahan ko kasi ang future husband ko. 'Yan ang gusto kong idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko baka masabunutan ako ni Mommy. "He doesn't want to marry you," deretchang saad ni Mommy sakin. "Anak, hindi mo matuturuan ang puso. Nakita mo ba ang rection niya? Kulang na lang ay murahin ang pamilya niya para lang ipaglaban ang kanyang girlfriend. Ikaw lang mahihirapan sa huli at ayokong mangyari 'yun." "My, sigurado na ako sa desisyon ko. Wag kayong mag-alala dahil magiging mabuti akong asawa sa kanya para mahalin niya rin ako pabalik, Tsaka ito na ang huling beses na hihiling ako sa inyo, magiging responsable na akong anak at asawa." Hindi nagsalita si Daddy at Mommy pagkatapos ng sinabi ko. Tahimik lang ang byahe pauwi ng bahay. Alam ko na nag-aalala sila sakin pero hindi naman siguro niya ako sasaktan. Papasok na sana ako sa kwarto ng tawagin ako ni Daddy. "Hintayin mong mag-18 ka, pag sa oras na 'yun hindi magbabago ang gusto mo itutuloy ang kasal. Ako mismo ang gagawa ng paraan para matuloy," seryosong sabi ni Daddy bago ako nito talikuran kaya napangiti ako. "Thanks, Dad!" Sa sobrang saya ko maaga akong nagising kinabukasan para pumasok. Hindi naman na ako maghihintay ng matagal dahil apat na buwan na lang at debut ko na, nagtaka nga ako nuong sinabi ni Lolo na next month na gaganapin ang kasal pero pinaliwanag sakin ni Daddy na sinabi lang 'yun para marinig ng girlfriend ni Zeus at hindi na ito umasa sa relasyon nila. "Hi, Hanna. Kain tayo sa labas mamaya," saad ni Ken. "No," saad ko at nilampasan siya. "Hatid na kita sa room mo," saad nito na ikinairap ko. "Alam ko ang daan papunta sa room ko, hindi ko kailangan ng alalay Ken." Si Ken ay isa sa campus hearthrob na patay na patay sakin pero hindi ko binibigyan ng pagkakataon. Duh, hindi ko siya type. Masyadong maamo ang mukha niya at mabait rin. Kung sa ibang babae gustong-gusto siya, pwes ako hindi. Mas gusto ko sa mga bad boy look, 'yung kayang makipagsuntukan pag nabastos ako. Tapos pag galit mas kikiligin ako kaysa matatakot dahil hahanga ako sa itsura at awra nito. Sabi nga sa librong binasa ko masarap magmahal ang bad boy lalo na pag mahal ka, dahil sayo lang siya titino at ituturing kang reyna niya. Si Zeus hindi naman siya bad boy pero may awra siya na matatakot ang iba na lapitan siya. Tapos kahapon nuong nagalit siya nakita ko ang part ng pagiging bad boy niya kaya mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. "Hanna-" Hinarap ko si Ken at tinaas ang kamay ko para tumigil ito sa pagsasalita, nakakairita ang presensya niya lalo na 'yung mga babaeng masama ang tingin sakin. Para gusto nilang sabihin na layuan ko ang crush nila, buti na lang at may takot sila sakin kaya hindi nila ako makuhang deretchahin. "How many times do I have to tell you I don't like you? Madaming babae ang may gusto sayo at hindi ako kasama duon kaya tantanan mo ako," mariing sabi ko. "Hayaan mo akong ipakita na seryoso ako sayo-" "Wala akong paki kung seryoso ka dahil hindi naman kita gusto. And I want you to know that I already have a fiancee so stay away from me." Natigilan ito sa sinabi ko kaya iniwan ko na siya at dumeretcho na sa loob ng room. Napatingin ang ilang classmates ko sakin. "What?" Nakataas kilay kong tanong kaya nilayo nila ang kanilang tingin sakin. Habang nasa klase ako nag-message sakin si Mommy na pumunta sila sa probinsya para tignan ang binili nilang lupa at bukas pa sila makakauwi. Kaya pagkatapos ng klase pinili ko munang pumunta sa mall para mag-shopping ng mga bagong damit. Kailangan kong bumili ng mga bagong dress tulad ng laging sinusuot ni Red. Gusto kong magustuhan ako ni Zeus kaya plano ko na gayahin ang pananamit ni Red, umaasa na mapapansin niya ako at icoconsider ang maging asawa ko [pag may pagkakapareha kami ni ng girlfriend niya. Mabilis dumaan ang araw at dalawang buwan na lang magde-debut na ako. Wala akong balita tungkol kay Zeus dahil pansamantala akong binawalan ni Daddy na magpakita at pumunta sa bahay ng mga Pollan. Ang nakaka-usap ni Lolo tungkol sa kasal ay ang magulang ko. Sinabi ni Mommy sakin na hanggang ngayon nagmamatigas pa rin si Zeus, hinahayaan lang daw ito dahil hinihintay nila kung itutuloy ko ang kasal na gusto ko. Inaakala nilang lahat na pag hindi ko nakita si Zeus ng ilang buwan mababago ang gusto ko. Sinunod ko lang naman ang utos nilang 'wag munang magpakita kay Zeus dahil alam ko sa huli na magiging asawa ko naman siya. Pauwi na sana ako galing school ng may matanggap akong message, pagkabukas ko ay isang address at larawan ng dalawang taong naghahalikan. 'I dare you to come here.' Ang huling message galing sa unknown number. Kung sino man ang nagpadala nito, alam ko na kilala niya ako at may gusto siyang ipamukha sa 'kin. Curiosity kills- 'yan ang laging pinapaalala ni Mommy dahil mahilig akong alamin ang mga nangyayari sa paligid ko lalo na pagnakuha ang attention ko. Gusto ko kasing malaman ang mga nangyayari sa paligid ko. Papasok na sana ako sa sss hotel nang harangin ako ng security guard. "Ma'am patingin po ng I.D niyo," sabi nito sakin kaya nilabas ko ang school I.D ko. Pumunta ako ng front desk para magtanong, sinabi ko ang room number na binigay sakin. "Kaano-anu niyo po si Sir Zeus at Ma'am Red? Wala po kasi silang sinabi na may bisita silang darating" saad ng babae. "Kapatid ako ni Ate Red," mabilis na sagot ko. Sino ang nagpapunta sakin? Si Red o si Zeus? Atsaka para saan? Ang dami kong tanong na gusto kong makuha agad ang sagot kaya nagmadali na akong pumunta sa elevator. Pagdating ko sa harap ng kwarto nadatnan ko na hindi ito nakasarado at nakabukas nang bahagya. Dahan-dahan akong pumasok, agad rin akong napahinto at dumikit sa wall para hindi ako makita. "Sigurado ka ba na hindi na matutuloy ang kasal mo sa babaeng 'yun?" "Isang buwan ng hindi binabanggit ni Lolo ang tungkol duon. Alam na nya ang sagot ko kaya hindi niya na ako pinipilit at hindi rin naman ako papayag dahil ikaw ang mahal ko Red." "Natatakot ako na piliin mo siya-" "Shhh, ikaw lang ang pakakasalan ko. Nakakabatang kapatid lang ang turing ko kay Hanna." Kapatid? Bakit hindi na lang asawa? Mas lamang naman ako sa girlfriend niya. Mas maganda ako at may kaya sa buhay ang pamilya ko . Hindi katulad ni Red na gold digger. Wala na akong marinig kaya sinilip ko. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Nakaupo si Zeus habang si Red ay nakasakay sa ibabaw nito na wala ng damit at bra. Mapusok rin ang halikan nilang dalawa hanggang sa isubo ni Zeus ang kaliwang dibdib ni Red. "Argh, Zeus! Ang sarap-" Umatras ako at tinakpan ko ang tainga ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, ginagawa nila ang bagay na mag-asawa lang sana ang gumagawa. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito. Sobra ang nararamdaman kong selos sa mga oras na ito. Kung sino man ang nagbigay sakin ng address, ito ang gusto niyang mangyari. Ang makita ko ang dalawa na magkasama at gumagawa ng milagro. "Ahhhhh, faster. f**k me hard, baby." Nakagat ko ang labi ko dahil sa narinig. Nilakasan ko ang loob ko na sumilip bago ako umalis na hindi ko na sana ginawa. Nakangisi si Red sakin habang nagpapakasarap sa ginagawa ni Zeus. Gusto niyang ipamukha sakin na siya ang mahal ni Zeus. Lumabas ako dahil hindi ko na kayang magtagal duon habang nagpapakasarap sila sa isa't isa. "Magsaya ka ngayon Red dahil sa huli ikaw ang maiiwan mag-isa dahil matutuloy ang kasal namin ng boyfriend mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD