Cinco

1116 Words
Hanna's pov Kakauwi lang namin galing sa celebration ng graduation ko. Hindi ko pa alam ang kukunin kong kurso sa college, hindi naman yun ang iniisip ko ngayon. Mas excited ako dahil dalawang linggo na lang at debut ko na, ibig sabihin malapit na akong maging asawa ni Zeus. Ang tagal ko na ring hindi siya nakikita, ang huling kita ko sa kanya ay may ginagawa silang kababalaghan ni Red. Affected ako? Syempre, future wife here. Nainis ako dahil alam kong si Red ang nagpapunta sa akin duon para ipamukha na siya ang pinili at hindi ako. Ang sarap sampalin kaya lang ang awkward naman kung nasa landi moment sila at ako naman ay biglang magpapakita. Mabait pa ako dahil hinahayaan ko silang magsama habang hindi pa ako pumapasok sa eksena. Tinignan ko ang social media account ni Red at walang pagbabago puro pa rin picture nilang dalawa ni Zeus. Proud na proud ang gaga kahit alam niyang sa huli sa akin pa rin ikakasal si Zeus. Kinabukasan ginising ako ni Mommy para sabihin na nasa baba si Zeus. "I don't wanna see him, Mommy. Sabihin niyo tulog pa ako," saad ko. "Huh? Bakit? Ayaw mo na ba sa kanya?" "Tuloy pa rin ang kasal kaya lang ayoko pa siyang makita ngayon," sagot ko. Alam ko na kakausapin niya ako tungkol sa pag kasal. Maaaring kinausap na siya ni Lolo Zan dahil malapit na akong mag-18. Wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya lalo na kung pipilitin lang niya akong 'wag ipagpatuloy ang kasal. Kahit anong sabihin niya hindi ako aatras. Buo na ang desisyon ko, alam ko na wala pa ako sa tamang edad para magpakasal pero kung hindi pa ngayon sigurado ako na sila ni Red ang ikakasal at hindi ko papayagan ang bagay na 'yun. Hinintay ko muna siyang umalis bago ako bumaba. "Dad, good morning." "I have a surprise for you," sabi nito bago ako inakbayan at dinala sa baba. "Papalayasin mo na ako Dad?" Tanong ko na tinawanan niya naman. "Lalayasan ka naman na talaga malapit na." "Duh kahit anong drama mo Dad tulog ang kasal. Walang magbabago," saad ko at niyakap siya sa bewang. Paglabas namin ng bahay nakita ko ang isang pink na kotse. "Wow, congrats Mom. Gondo," saad ko. "It's yours," sabay nilang sabi. "Huh? Hindi-" "Graduation gift." Nilahad ni Daddy sa akin ang susi kaya agad ko 'yun kinuha. "Try ko," paalam ko. Agad akong sumakay nuong pinayagan ako. Matagal din akong nagdrive sa paikot ng village hanggang sa maisipan ko na pumunta sa mall. Balak kong bumili ng mga dress na katulad ng mga sinusuot ni Red. Pagpasok ko sa isang shop walang pumapansin sa akin, akala siguro nila wala akong pera. Well. wala naman akong pake. Mas gusto ko nga 'yung walang nakasunod sa akin pag namimili ako. Habang naghahanap ako ng dresses nakita ko si Red na namimili rin at ilang sales lady ang kasama nito. Wow, Vip huh. Dinial ko agad ang number ni Tita Zaya. "Hello, who's this?" "Your future daughter-in-law, Tita." "Hanna?" "Yes po, Tita." "I miss you matagal ka ng hindi pumupunta sa bahay bahay. How are you? Bakit ka nga pala napatawag?" Sunod-sunod na tanong nito. "Ahm, I know po wala akong paki-alam sa bagay na sasabihin ko pero concern lang po ako," magalang kong sabi. "Nakita ko po si Red dito nagsho-shopping with her friends then gamit mo nila ang card ni Zeus." Sumbong ko, hula ko lang naman 'yun pero sigurado ako na 'yun talaga ang gamit. Minsan ko na kasing nahuli na nagbayad siya at card ni Zeus ang gamit. Gold digger, tsk. "What? Are you sure, iha?" "Yes po," sabi ko at binigay ko rin ang shop kung nasaan man ako ngayon. "Thank you for informing me. I'mm call you later may gagawin lang ako," sabi ni Tita. Wala akong ginawa kundi bantayan si Red kasama ang dalawang kaibigan nito na namimili. Inabot rin sila ng isang oras mahigit sa pagpili, my god! Ganun ba sila mamili ng dress, sobrang tagal! Nang magbabayad na sila nakita ko na may inabot na back card si Red at Tama nga ang hinala ko kay Zeus Ang card dahil binalik ng staff ang card. "Wala na po ba kayong ibang card, Ma'am? Naka-freeze po kasi ang laman ng card na 'yan," Sabi ng babae kay Red. "What? I-try niyo ulit," naguguluhang sabi nito. Ilang ulit na swinipe ang card pero wala pa rin. Natatawa ako sa itsura nila pati 'yung mga kaibigan nito ay binaba Ang mga pinamili. May ilang customer na rin ang napatingin dahil may kalakasan na Ang boses nito. "Baka naman kasi 'yan ang may sira hindi ang card ko," galit pa na sabi nito. "I'm sorry po pero wala talaga. Ibang card na lang po Ma'am o kaya cash na lang po," magalang pa rin na sabi ng cashier. Lumapit na ako at binaba sa harap nila ang mga napili ko. Nginitian ko si Red. "Oh, Hi. Long time no see," bati ko at tumingin sa pinamili nila. "Nice dresses." "Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong nito. "Shopping," baliwalang sabi ko. "Gusto ko pa sanang mamili kaya lang nakakairita ang ingay mo. Don't get me wrong huh concern lang din ako kasi madami ng nakakakita. Nakakahiya na." Sa sinabi ko napatingin ito sa ilang tao na nakatingin sa amin. "Bibilhin niyo pa po ba-" "Of course," naiiritang sabi ni Red. "Magkano lahat?" "73,820 po," sagot ng cashier. Nabigla ako sa presyo. Mayaman kami at brat rin ako. Mahilig akong gumastos pero hindi umaabot ng ganyan kalaki para lang sa dress. Si Mommy ang pumupuno ng wardrobe ko. "W-what?" Napatingin rin ito sa pinamili niya at ng mga kaibigan niya. Ang gaga gulat na gulat sa price. Lol. "Wala kang pambayad? Pwede kitang tulungan kung gusto mo," offer ko. "Nakakaabala na kasi kayo sa shop." Tumingin ito sa paligid na parang nahihiya bago humarap sa akin. Namumula na ang mukha nito dahil sa pagkapahiya. Ang lakas ng loob mag-shopping pero walang pera. "Red wala ka bang ibang card? Alis na tayo nakakahiya," saad ng isang babae sa likod nito. Tahimik lang ako at hinihintay na tanggapin niya ang offer ko. "Hanna, babayaran ko rin agad." Lumapit ako sa harap niya at nilahad ang card ko na kakabigay lang ni Daddy kahapon. "I will pay for all that but I have one condition," sabi ko bago bumulong sa kanya. "Hiwalayan mo si Zeus, hiwalayan mo ang fiancee ko." "No!" Mariing sabi nito at tinulak ako. Nailing ako at tumitig sa kanya. "Even if you don't want to, you can't do anything because he will be mine in a few months. He will be my husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD