Hanna's pov
Tonight is my 18th birthday at papunta na kami sa restau para mag-celebrate. Walang party dahil ayaw ko. Wala naman akong mga kaibigan na iimbitahan.
Pagdating namin duon nakita ko si ang pamilya Pollan kasama na duon si Zeus na masamang nakatingin sa akin, tsk. Akala niya matatakot ako sa paganyan niya.
"Mom-"
"I invited them," saad ni Mommy at dumeretcho na sa mahabang mesa.
Sumunod naman ako at humalik muna ako kay Tito, Don Zan at kay Tita Zaya bago tuluyang umupo sa tabi ni Zeus dahil 'yun na lang ang bakanting upuan.
"Happy birthday, Iha. Here' my gift," saad ni Tita kaya inabot ko ang binibigay niya.
"Plane ticket?"
"Next week na ang kasal niyo ni Zeus kaya jan kayo magho-honeymoon," sabi ni Tita kaya mas lumaki ang mata ko.
"My gift," saad naman ni Lolo Zan at inabot sa akin ang susi. "New house niyo yan dalawa."
Wala akong masabi dahil gulat pa rin ako. Alam ko na ikakasal kami pero hindi ko alam na next week na.
"Ang bilis po ata," mahinang sabi ko.
"Then back-out," singit naman ni Zeus kaya napatingin ako rito.
Seryoso rin itong nakatitig sa akin kaya napangiti ako.
"Back-out? Tuloy ang kasal, that's what I want. You will be mine next week," pilyo kong sabi at nilapit pa ang mukha ko sa kanya lalo na nuong nakita ko na sobrang galit niya.
Bumalik ang tingin ko kay Tito na parang walang nangyari.
"Where's my gift my Daddy-in-law?" nakangiting sabi ko.
Binigay nito sa akin ang isang envelop.
"Company na mapupunta sa inyong mag-asawa, nilipat ko na kay Zeus ang ownership. Sa inyo na 'yan dalawa pag kasal na kayo," naks bigatin naman ng mga gift nila.
"Wow, ang swerte ko naman sa magiging kapamilya ko. Right, Babe?" Tanong ko kay Zeus na galit pa rin.
Hindi ito tumututol malamang kinausap na siya ni Lolo Zan, buti naman hindi masisira ang birthday ko. Okay lang naman magalit siya sa akin ngayon dahil pag-asawa ko na siya sisiguraduhin ko na mamahalin niya rin ako.
Natapos ang celebration at naging masaya talaga ako habang kausap ang magulang ko at ang pamilya Pollan maliban kay Zeus na tahimik lang.
Sasakay na sana ako sa kotse ni Daddy ng hawakan ni Zeus ang braso ko kaya napatingin ang lahat sa amin.
"We're just going on a date, Tita. I'll just take him home before 12," paalam nito.
"But-"
"Happy to be with you," singit ko naman sa balak pagtutol ni Daddy.
Nag-alangan pa silang pumayag pero napilit ko rin. Kahit si Tita Zaya sinabihan si Zeus na ingatan ako at wag saktan.
Pag-andar ng kotse nito napakapit ako dahil sa mabilis niyang pagmaneho. Hidni ako nagsalita at hinayaan na lang. Tahimik lang ito pero ramdam ko ang galit niya.
Dumating kami sa building ng condo niya.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at dumeretchong pumasok, sumunod na lang ako hanggang sa makapasok kami sa condo nito.
"Sit," sabi nito bago pumasok sa isang pinto.
Hindi ko siya sinunod at dumeretcho sa mga picture frame sa gilid. Picture nilang dalawa ni Red habang sweet.
"Hindi ka ba talaga marunong makinig?" Galit na sabi ni Zeus at inagaw sa akin ang hawak kong frame.
Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa sofa.
"Anong pag-uusapan natin, Hubby?" Tanong ko.
"Shut the f**k up!" Malakas na sabi nito. "I am not your husband-"
"Yet," nakangiting sabi ko. "Anong bang gusto mong sabihin sa akin at dinala mo pa ako rito?"
Tahimik ito ng ilang minuto habang naka-upo. Ang gwapo talaga niya pag ang seryoso ng mukha niya.
"Look, kapatid lang ang turing ko sayo. Hindi ko alam kung bakit gusto mong makasal sa akin, hidni kita mahal Hanna. Mahal na mahal ko si Red, ayaw kong masaktan siya. Bata ka pa-"
"Pero mahal kita, magalit ka man sa akin hindi na mababago ang desisyon ko. Papakasal pa rin ako sayo," seryosong sabi ko. "Kung ayaw mo akong pakasalan ikaw ang umatras."
Hamon ko sa kanya.
"And what? Ibibigay ni Lolo sayo ang lahat ng conpanya ng pamilya namin kung hindi kita papakasalan," galit na sabi nito. "Alam ko na pag ikaw ang umatras walang magiging problema dahil idea mo naman ang kalokohang kasal na 'yan!"
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya tahimik kanina. Tinakot pala ni Lolo.
"No," sabi ko.
"Hanna-"
"Zeus kahit anong sabihin mo tuloy ang kasal. Next week na 'yun at hindi na mababago na gusto kitang pakasalanan," maliwanag na sabi ko.
"Bullshit! Ang desperada mo at ang bobo mo, hindi mo ba maintindihan na hindi kita gusto. Hindi kita mahal at may girlfriend na ako!" Galit na sabi nito na nakatayo na sa harap ko. "Kahit kasal tayo hindi ka magiging masaya na kasama ako dahil hindi kita mamahalin at papahirapan lang kita!"
Tumayo rin ako at nakipagtitigan sa kanya.
"Tawagin mo akong desperada, bobo o kung ano pa mang masasakit na salita/ Wala akong paki-alam dahil hindi mo mababago ang gusto ko. Mahal kita-"
"MAHAL? TANG-INA!" Sigaw nito at sinipa ang side table kaya napa-atras ako, panandalian akong nakaramdam ng takot. "Mahal mo ako? Ang bata mo pa tapos mahal na agad? Ang landi mo! Gusto mong makasal tayo? Damn, Go! Tignan natin kung magiging masaya ka sa piling ko, kahit kailan hindi kita ituturing na asawa, b***h!"
"Mamahalin mo-"
"I will never love you, si Red lang ang babaeng mamahalin ko at hindi magiging ikaw. Hindi ko mamahalin ang isang tulad mo!"
"Sa tingin mo masasaktan ako sa sinasabi mo? Sa tingin mo aatras ako dahil sa pang-iinsulto mo?" Mariing sabi ko. "Dahil sa ginagawa mo mas nai-inlove ako sayo, pinapatunayan mo lang na tama ang desisyon ko. Tama na pakasalan kita at 'wag hayaan na mapunta sa iba."
"You are crazy," hindi makapaniwalang sabi nito at umatras na akala mo may nakakadiri akong sakit.
"I'm crazy in love with you Zeus," pilyong bulong ko at hindi nagpatinag sa galit niya. "Pag nakikita kong galit ka mas nagugustuhan kita. Damn, para kang drugs masama sa buhay pero nakaka-adik. Handa akong mabuhay ng hindi masaya basta kasama ka."
Iniwan ko siyang galit sa akin.
Pagkasakay ko ng taxi tsaka lang ako nakahinga nang maayos.
"Alam kong pagsisisihan ko ang desisyon ko pero handa akong sumugal makasal lang sayo Zeus."