Siete

1296 Words
Hanna's pov "Iha, sigurado ka na na talaga? Pwede ka pang umatras," nag-aalalang sabi ni Mommy. Kakapasok lang nito sa room ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Zeus. "Mommy handa na akong maging Mrs. Pollan-" "Anak hindi magiging masaya ang papasukan mo dahil hindi ka mahal ng mapapangasawa mo. Nag-aalala kami ng Daddy mo." "Kakayanin ko Mommy at pinapangako ko na magiging masaya ako sa piling ni Zeus. Matatanggap niya rin ako bilang asawa at matututunan niya akong mahalin. Gagawin ko ang lahat-" "Hanna-" "Kaya ko Mommy kahit anong pagsubok ang dumating sa pagsasama namin," paniniguro ko. Naiiyak itong lumapit sa akin at niyakap ako. "Mamimiss ko ang kakulitan mo at mga kalokohan mo. Nandito lang kami ng Daddy mo para sayo kahit may Asawa ka na," malambing na sabi ni Mommy habang nakayakap sa akin. "Aayusin ko ang buhay ko Mommy, Hindi na ako magiging pasaway. Magiging masaya kami ni Zeus," pursigidong sabi ko. "Sana nga," bulong nito bago pumasok si Daddy. "Princess." Sumunod na yumakap sa akin si Daddy. "Pumayag ako sa kasalan dahil sinabi mo sa akin na duon ka sasaya, sana tama ang desisyon ko." "Dad," bulong ko dahil sa higpit ng yakap nito. "Pag sinaktan ka niya umuwi ka agad dito, tatanggapin kita rito kahit anong oras." " Thanks Dad." "I love you, princess." Sabay nila akong niyakap na dalawa. Napako ako sa kinatatayuan ko ng mapansin ko ang pagluha ni Daddy. "Dad, bakit po?" "Nag-aalala lang ako sayo anak. Wala akong tiwala kay Zeus," sumeryosong sabi ni Daddy bago tumalikod. "Mag-ayos na kayo at kailangan na nating umalis." Alam ko naman na nag-aalala sila sa akin dahil nakita nila kung paano ako tratuhin ni Zeus. Alam rin nila na may ibang mahal si Zeus, gayunpaman pumayag pa rin sila sa gusto ko. Papatunayan ko sa kanila na tama ang pagpapakasal ko kay Zeus. Mamahalin niya ako at makakalimutan niya si Red. "Mom-" "Alam kong kakayanin mo, anak. Dinarasal ko lang na maging matatag ka para makuha ang gusto mo." Habang nasa byahe kami, halo-halo ang nararamdaman ko. Masaya ako na may kaba rin sa puso ko. Ilang ulit kong tinatanong sa isip ko kung sigurado na ako dahil oras na bumaba ako ng kotse, wala ng atrasan. Paghinto ng sasakyan ngumiti ako na tumingin sa magulang ko, sigurado na ako sa papasukin ko. Sigurado na ako na si Zeus ang gusto kong makasama habang buhay. Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko ang pamilya Pollan, lahat sila nakangiti maliban kay Zeus na masamang nakatingin sa akin. Agad na inumpisahan ang seremonya. "Ngiti ka naman," bulong ko kay Zeus na hindi maipinta ang mukha. "Damn you," mariing bulong nito kaya natahimik na lang ako. Baka masira pa ang kasal. "Halikan mo na ang asawa mo." Pagtatapos ni Mayor sa Civil Wedding namin. Hindi bongga tulad ng inaasahan ko, walang gown, walang entourange, walang madaming bisita at hindi ako naglakad sa aisle. Lahat ng inakala ko last week mali pala. Sinabi ni Mommy sa akin na gusto ni Zeus na simpleng kasal lang at walang makakaalam. Kung hindi ako papayag walang magaganap na kasal sabi ni Zeus kaya agad akong pumayag sa kasalang ito. Hindi naman importante ng magarbo, ang mahalaga mapasa-akin siya. Okay lang din na walang may alam maliban sa amin, basta sa mata ng batas mag-asawa kami. Hindi niya ako hinalikan at nauna ng umalis ng opisina kung saan kami kinasal. "Hon pagsabihan mo 'yang anak mo. Ang bastos," rinig ko pang sabi ni Tita Zaya. Ngumiti naman ako lalo na kay Mommy at Daddy na nag-aalalang nakatingin sa akin. Alam ko na iniisip nila ang magiging kalagayan ko sa piling ni Zeus lalo na at hindi niya ako mahal. "Anak-" "Dad, I'm married. Kasal na ang unica Iha mo," nakangiting sabi ko at pinakita ang singsing ko. Kita ko na nag-aalala sila kaya niyakap ko sila ni Mommy. "I'm okay, I'll be okay. Ginusto ko ito kaya kakayanin ko, pasasaan ba't mai-inlove rin sa akin 'yang asawa ko," desididong sabi ko. "'Yan ang fighting spirit. Support kita dyan anak. Alam ko na mahuhulog sa iyo ang anak ko," sabi naman ni Tita Zaya na nakalapit na sa amin. "Tara naghihintay na sila sa labas. Ngayon na rin ang flight niyo para sa honey moon niyo. Hayaan mo lang ang anak ko may tama sa utak 'yun." Pagbibiro ni Tita para gumaan ang pakiramdam ni Mommy at Daddy. Hindi ko tatawagin si Tita na Mommy hangga't hindi pa nai-inlove sa akin ang asawa ko. Malaki ang tiwala ko na sa huli kaming dalawa ang magmamahalan, ngayon galit pa siya sa akin at kailangan ko pang gumawa ng paraan para makalimutan niya si Red. Kailangan ako ang pumalit sa puso niya. Lahat gagawin ko mahalin niya lang ako, hindi ako susuko. "Mommy alis na ako, nauna na ang asawa ko oh. Excited sa honey moon namin," biro ko na ikinatawa ni Tita. Napangiti rin si Mommy sa sinabi ko. "Tawagan mo ako pag nagkaproblema susunduin kita agad," sabi ni Daddy sa akin. "Pwede kitang bawiin pag sinaktan ka niya." "Don't worry Dad alam kong magkarate at hindi rin naman ako magiging battered wife," saad ko bago nagpaalam sa kanila at sinundan na si Zeus sa loob ng airport. Mabilis akong tumakbo para mahabol siya, suot ko pa rin ang puting dress na gamit ko sa kasal. "Hubby, wait!" Tumingin ito sa akin at halata ang pagka-inis sa mukha nito kaya ngumiti ako. "f**k," saad nito bago muling maglakad nang mabilis. Imbes na makaramdam ng inis sa inaasta nito, napangiti pa ako. Ang hot kasi niya pag seryoso, mas lalo akong nahuhulog. Finally, kasal na kami. Asawa ko na ang isang Zeus Pollan. "Hello, that man is my husband." Saad ko sa nakasalubong kong Lola at Lolo habang nakaturo kay Zeus. "Oh, bagay kayo Iha." Sabi ni Lola. "Thank you po," masayang sabi ko at nagpatuloy ulit sa paghabol kay Zeus. Pagpasok namin sa plane agad ko pinahinga ang ulo ko sa balikat nito, pero mabilis niya akong tinulak. "Space, damn it!" "Anong space? Ano bang ibig sabihin nun, hubby?" Maang-maangan na sabi ko. "Stupid, b***h!" Malutong na pagmumura nito sa akin. Ngumiti naman ako at tinitigan siya sa mata. "This b***h is your wife," malambing na sabi ko. "f**k you!" "I love you," sagot ko. "Damn!" Malakas na mura nito bago sinuot ang headset at pumikit. "Cute," natatawang sabi ko. Ilang minuto lang nakatulog na ito habang ako naman ay nakatitig sa kanya. Sobrang gwapo niya sa malapitan, para siyang anghel pagtulog. Wala akong ginawa buong byahe kundi titigan ang mukha ng asawa ko. Nasa Japan kami ngayon, last day nagdecide ako na sa Japan ang honeymoon. Nakarating kami sa luxury hotel na binook ni Tita Zaya. "Hubby, I'm virgin." Saad ko pagpasok namin sa napakagandang kwarto namin. Tinignan ako nito na parang may nasabi akong mali. "What?" "Sabi ko virgin pa ako," ulit ko. "And?" Taas kilay na sabi nito. "I want you to be gentle -" "Stop right there," mariing sabi nito at lumapit sa akin. "Hub-" "I won't touch you, disgusting b***h. Hindi Ikaw si Red-" "Hindi talaga ako siya dahil Asawa mo ako," taas noong sabi ko bago itulak ito sa dibdib. "Wala akong paki kung insultuhin at murahin mo ako ng ilang beses pero banggitin ang pangalan ng ex mo... " "What?!" Naghahamong sabi nito kaya ngumisi ako. "You don't know what I'm capable to do, my dear husband. Sabi mo nga baliw ako kaya wag mong sagarin, baka isang araw mabalitaan mo na lang na nasa hospital ang ex mo at nag-aagaw buhay." Gulat itong napatitig sa akin kaya ngumisi ako at nilampasan siya. Anong akala niya, magiging sunod-sunuran ako at kawawa sa piling niya? Asa siya, kaya kong magtiis pero may hangganan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD