Hanna's pov
"AHHHHHHHHH! f**k!"
Ang aga-aga sira na ang araw ko. Sa unang araw talaga ng honeymoon namin napili nilang sirain ang mood ko, hindi pa nila talaga kilala ang isang Hanna Rhianne Gonzalez.
Umagang umaga nakatanggap ako ng tawag mula sa hinire ko na detective para pasundan si Red sa lahat ng oras at sinabi nga nito sa akin na bumyahe kaninang madaling araw si Red papunta rito sa Japan at ngayon lang sinundo ito ng asawa ko. Mukhang ang akala nila honeymoon nilang dalawa at tuluyan na nila akong kinalimutan na totoong asawa.
"Akala ko naghiwalay na sila," inis na sabi ko at muling binagsak ang sarili ko sa kama para magpakalma.
Pagkatapos kung magpakalma nag-ayos na ako ng sarili ko para puntahan ang asawa ko kasama ang kabit nito. Pinadala na ng tao ko ang address ng hotel kung saan nagruon ang dalawa.
"Ang kapal ng mukha na iwan akong mag-isa, alam naman nitong hindi ko alam magsalita ng japanese. Kainis," gigil na bulong ko at tumawag sa desk para mag-request ng taxi.
Naghintay pa ako ng ilang sandali bago dumating ang taxi.
"Washita hotel," saad ko sa driver pagpasok ko pa lang sa sasakyan.
Pagdating namin sa hotel dumeretcho ako sa restau sa loob kung saan nasabi ng detective ko na naruon sila sa oras na ito. Totoo nga dahil nakita ko ang asawa ko at ang mistress niya na kumakain ng almusal habang magkatabi ng upuan.
Hindi ako nagpakita sa asawa ko at piniling maupo sa di kalayuan sa pwesto nila. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil sigurado na ako ang papahiyain ni Zeus at kakampian ang ex nito na mahal niya.
Pinapanuod ko lang silang mag-usap hanggang sa umakyat sila sa room nila at naiwan ako sa restau. Tinawagan ko si Tita Zaya.
"Good morning, Hanna Anak. May problema ba?"
"Wala po Tita kaya lang hindi ko po kasi matawagan si Zeus dahil wala na siya paggising ko. Kung pwede lang po sana na tawagan niyo siya at pabalikin rito sa hotel namin para may kasabay akong kumain," pagsisinungaling ko.
"Haitz, ano bang iniisip ng anak kong yan at nakuha ka niyang iwan dyan sa hotel niyo. Sige anak ako na ang bahala at sisiguraduhin ko na uuwian ka niya dyan."
"Thanks, Tita."
Dumeretcho ako sa labi ng hotel, ilang minuto lang nakita ko si Zeus na umalis kaya dumeretcho ako sa front desk.
"Good morning, may I know what is Red Roxas's room number?"
"I'm sorry but I can't-"
"Red Roxas is my husband's mistress- the man she was with earlier is my husband. Do you want me to make a scene here or will you let me go to her room and talk to her quietly?"
Hindi ko mapigilang magmaldita at magtaas ng kilay sa babae para lang ibigay sa akin ang room number ni Red. Tinignan lang ako nito sandali at nagpaalam, pagbalik may kasama na itong manager. Nag-usap pa kaming dalawa bago ibigay ang room number, buti na lang marunong magsalita ng english kaya hindi na ako nahirapan masyado.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto nag-door bell ako at wala pang ilang segundo masayang binuksan ni Red ang pinto.
"You miss-"
Ang kaninang ngiti niya ay biglang naglaho nang makita ako. Hindi na ako nagpaalam at binangga siya para makapasok sa loob. Mukhang ang inaasahan niya ay ang asawa ko, b***h.
"What are you doing here?" Tanong nito na nakabawi na sa pagkagulat.
"Wag mo akong englishin, hindi akma sa katulad mong mahirap na kabit ang umarte. Nice room huh," nilibot ko ang paningin ko sa loob at hindi siya pinapansin. "Magkano ang binayad ng asawa ko para makapunta ka rito at talagang i-check in ka pa sa napakamahal na hotel na ito?"
"Umalis ka na," mariing sabi nito na hindi pinansin ang tanong ko.
Umupo ako sa sofa at tinitigan siya.
"You know what? I don't know what Zeus liked about you, habang tinititigan kita ngayon para kang bayarang babae, hmmm, high class nga lang. Magkano ba ang allowance mo na binibigay ni Zeus?"
Kita ko na nagtitimpi na lang ito ng galit sa akin kaya napangisi ako. Natatamaan kaya magagalit talaga, lahat ng sinasabi ko ay totoo dahil kita ko mismo kung paano siya gastusan ni Zeus nuon. Pero hindi na pwedeng mangyari ang pagsupporta sa kanya dahil kung ano ang pera ni Zeus ay pera ko na rin.
"Wag kang magmatapang sa akin Hanna dahil asawa ka lang ni Zeus sa papel at ako pa rin ang mahal niya. Kung hindi dahil sayo sana ako ang-"
"Asawa niya?" Pagtatapos ko sa sinasabi niya at pumunta sa harap niya. "Sa tingin mo ba hahayaan kong mapakasal ang lalaking gusto ko sa gold digger na katulad mo? Malas mo lang at ako ang pinakasalan."
"Kahit anong gawin at sabihin mo patuloy pa rin kaming magmamahalan ni Zeus at wala akong paki sa kung anong sasabihin-AHHHHHHHHHH!"
"Para 'yan sa pagsira sa unang araw namin ni Zeus bilang mag-asawa," mariing sabi ko.
Gaganti sana ito ng sampal ng mahawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.
"Walang karapatan ang kabit na kagaya mo na saktan ako! Binabalaan kita Red Roxas, layuan mo ang asawa ko dahil hindi mo magugustuhan pag kumilos ako-"
"Isusumbong kita kay Zeus!" Sigaw nito sabay bawi ng kamay niya.
"Isusumbong mo ako? Hahaha, nakakatawa ka naman. Sige nga isumbong mo ako kay Zeus, isusumbong rin kita sa pamilya niya. Tignan ko lang kung sino ang malalagot," pagbabanta ko. "Sulitin mo ang Japan, Red, hahayaan kita rito para naman sulit ang binayad ng asawa ko. Ipagdasal mo lang na 'wag akong tupakin para wala akong gawin sayong masama."
Nilampasan ko na siya para umalis na, narinig ko pa ang pagtawag nito sa akin na 'Bata' pero hindi ko na pinansin dahil kailangan ko ng bumalik sa hotel dahil paniguradong nanduon na ang asawa ko.
Pagdating ko sa hotel room namin nadatnan ko si Zeus.
"Where have you been?"
"Nag-coffee lang sa malapit, miss mo ako? I missed you too," nakangiting sabi ko at lumapit sa kanya. "Ikaw hubby, saan ka galit at wala ka nang magising ako?"
"Wala kang paki kung saan man ako magpunta," seryosong sabi nito.
"Oh di wala," baliwalang sabi ko at muling humiga sa kama na parang walang nangyari. "Anong plano ngayong araw?"
Walang mangyayari kundi away lang pag sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Red, baka mas makakita pa siya ng dahilan para mura-murahin ako at ipamukha na si Red ang mahal niya.
"Nothing-"
"Ahhh, nothing. Sige tawagan ko na lang si Lolo Zan para sabihin na uuwi na tayo. Mas mag-eenjoy akong gumala sa Pinas," saad ko. "Ano kaya ang sasabihin nila Zaya pag-umuwi tayo? Hmmm, ikaw na lang ang magpaliwanag sa kanila. Sabihin mo na wala kang gana at nakuha mo akong iwan sa unang araw. Sabihin mo rin na wala kang gustong gawin kasama ako kasi nga hindi mo ako mahal at hindi mo magawang pakisamahan ako. Galitin mo si Lolo Zan."
"Damn you!" Malutong na mura nito sa akin.
"Dapat f**k you ang sabihin mo para naman sumaya ako," mapang-akit na sabi ko at nakuha ko pang ibuka ang legs ko.
Galit itong tumingin sa akin at kinuha ang unan sabay bato sa akin bago tuluyang umalis.
"Hahahaha, ang hot magalit ni Hubby. Sarap."
Virgin pa ako pero alam ko ang tungkol sa s*x, duh mahilig kaya akong magbasa ng mga love story lalo na pag may rated SPG. Alagad rin ako ni CeCelib kaya paniguradong sa unang gabi na gagalawin niya ako hindi na siya lugi dahil madami akong alam na position. Argh!
Akala ko matutulog na lang ako buong araw, akala ko lang pala dahil sinabihan ako ni Zeus na magbihis at magsho-shopping kami.
"Bagay ba sa akin?" Tanong ko sa aking asawa na busy sa kaka-cellphone habang ako namimili ng mga dress.
Napatingin ito sa akin at napakunot ang noo ng tumingin sa dress na hawak ko.
"Tsk, just take everything you want so we can go home. You are wasting my time."
"Okay, hubby." Pang-iinis ko dahil alam kong hindi nito gusto pag tinawag ko siya hubby.
Pinili ko ang mga design na sinusuot ni Red, sabi ko nga kaya kong magbago para magustuhan lang ako ng asawa ko. Nasa tamang edad na rin naman ako kaya okay lang kung magsuot ako ng mga daring na dress.
"That's not your style," side comment nito pagkatapos bayaran ang mga dresses ko.
"Nagbabago ang style ng mga tao lalo pag nasa tamang edad na Hubby. Tsaka 'wag kang mag-alala maganda naman ang katawan ko kaya sigurado ako na babagay lahat 'yan sa akin," nakangiting sabi ko at humawak sa braso nito. Sinubukan pa nitong tanggalin ang kamay ko pero paulit-ulit ko lang rin na binabalik kaya hinayaan na lang ako.
"Ang kulit mo."
"Sayo lang, Hubby."
"Stop calling me Hubby-"
"Okay, Hubby."
"f**k!" Galit na sabi nito at nauna ng maglakad kaya natawa ako. Iba talaga ang dating ng asawa ko pag galit, parang siyang mafia boss na astig.
Dahil ginalit ko ang asawa ko iniwan niya ako sa mall kaya mag-isa akong bumalik sa hotel. China-challenge ako ng asawa ko, mag nae-excite tuloy ako na akitin siya para tuluyan na siyang mahulog sa akin.
Tatlong araw lang ang nilagi namin sa Japan dahil nagpasya na rin kaming umuwi na. Wala rin namang balak si Zeus na galawin ako, hindi rin ako mapanatag pag umaalis ito lalo pa at alam kong naruon si Red.
Dumeretcho na kami sa bahay namin ni Zeus bilang mag-asawa.
"Just the two of us here? We don't have a maid?"
"Maid? b***h, you will do the housework. You will not live here like a Princess," nanunuyang sabi nito. "Ako ang gagamit sa master's bedroom at duon ka sa guest room, hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko kahit anong mangyari."
"Pero-"
"Kung sa tingin mo hindi mo kakayanin ang gawaing bahay maaari ka ng umalis," sabi nito bago tuluyang umakyat papunta sa 2nd floor.
Wala akong alam sa gawaing bahay dahil may mga maid kaming gagawa nun. Mukhang papahirapan talaga ako ng asawa ko.
Agad akong nahiga pagpasok ko sa kwarto. Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman na basa ito. Umiiyak na pala ako habang nakatingin sa ceiling. Paano ba naman kasi lumaki ako na punong puno ng pagmamahal ng mga magulang ko tapos ngayon sarili kong asawa kinakamuhian ako. Gagawin ko talaga ang lahat para mahalin niya rin ako pabalik.
"Ikaw ang nagpumilit na pumasok sa sitwasyong ito, Hanna. Tiis lang dahil sa huli mamahalin ka rin ng asawa mo at patutunguhan nang maayos," pagkausap ko sa sarili ko. "Enjoy being married to Zeus Pollan."