Hanna's pov
"Hoy! hoy!"
"Go away," antok na sabi ko.
"Damn, it's 8-"
"I don't care magluto kang ng almusal mo," inis na sabi ko bago nagtalukbong ng kumot.
Oo may gusto na ako sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na magpapaka-alila ako.
"HANNA!"
Hinila nito ang braso ko kaya napaupo ako.
"ANO BA?!"
"Cook," nagtitimping sabi nito.
"Tapos ano iinsultuhin mo na naman ako at itatapon ang pinaghirapan kong iluto? No way, magluto ka mag-isa!"
Nakakairita kasi kahapon hinandaan ko talaga siya ng almusal, nagkasugat sugat ang kamay ko at natalsikan pa ako ng mantika maipagluto lang siya tapos sasabihin niya akong bobo at walang alam pati luto ko ininsulto pa, hindi man lang na-appreciate ang effort ko alam naman niyang first time kung magluto.
"That's your job as a wife, you are not a Princess-"
"Paulit-ulit na lang Zeus, sa tingin mo ba hindi ko alam na hindi ako Princess dito? May princess bang naglilinis at naglalaba? At oo trabaho ko na pagsilbihan ka pero trabaho mo rin na itrato ako ng tama pero hindi mo ginagawa," inis na sabi ko at dumeretcho sa CR.
Alam ko ang plano niyang pagpapahirap sa akin, okay lang naman 'yun pero ang apak-apakan niya ang pagkatao ko hindi na pwede 'yun. Magluto siya mag-isa.
Gusto kong magkagusto siya sa akin pero hindi ako magpapakamartyr at bobo tulad ng mga nababasa ko sa libro.
"OPEN THIS f*****g DOOR HANNA!"
"I'M NAKED!" Sigaw ko pabalik dahil sa pagkatok nito nang malakas sa pinto ng banyo ko.
"LALABAS KA DYAN AT IPAGLULUTO AKO O SISIRAIN KO ITO AT WALA AKONG PAKI KUNG MASAKTAN KA!"
"HINDI KA BA NAKAKA-INTINDI? GUSTO MO BANG MAG BOLDSTAR AKO SA HARAP MO, DAMN IT!"
"DON'T f*****g CUSS AT ME, b***h!"
Napalayo ako sa tabi ng pinto ng malakas kumatok, baka nga suntok ang ginawa ng magaling kong asawa.
Kinuha ko ang robe ko bago lumabas.
Mahirap na baka pagbukas ng pinto tumama sa akin edi nasaktan pa ako.
Nilampasan ko siya at dumeretcho sa closet ko, bahala na mamayang gabi na lang ako maliligo. Nagsuot na ako ng uniform ko sa school. 10 pa ang first class ko pero mas magandang umalis na ako sa bahay kesa kasama si Zeus dahil dami na namang utos. Pagod na pagod na ako ng tatlong araw, puro utos eh ginawa akong katulong.
"Where are you going?"
"School, hubby. Kaya bahala ka ng magluto ng almusal mo," nakangiti pang sabi ko kahit hindi na maipinta ang mukha nito.
"Hanna-"
"What? Don't tell me hindi mo ako papayagang pumasok at ikukulong lang dito sa bahay at gagawing alipin? Come on 2023 na my dear husband, hindi na uso ang babaeng gagawin ang lahat para sayo," pambwebwesit ko sa kanya. Ang gwapo talaga niya pag nagagalit sa akin. "Ahhh!"
Nakaramdam ako ng kaba ng mariin nitong hinila ang braso ko palapit rito.
"Sa bahay na ito ako ang masusunod, lahat ng utos ko kailangang gawin mo. Wag mo rin akong sinasagot sagot dahil hindi ako mangingiming saktan ka," seryoso at galit na saad nito. "Hindi uubra sa akin ang pagiging maldita mo, b***h. Ikaw ang pumili nito kaya magdusa ka."
"Bitaw," mariing sabi ko pero mas hinigpitan pa nito ang hawak sa akin.
"Hanna Gonzales, only child and gets everything that you want. Bobo na nga sa school pasaway pa, nakakahiya ang background mo. Wala ka man lang maipagmalaki sa akin," nang-iinsultong sabi nito sabay bitaw sa braso ko. "Apelyido mo lang ang pwede mong ipagmalaki sa mga tao dahil sa ugali at talino wala."
"Wala pa tayong isang linggong magkasama madami na akong natanggap na pang-iinsulto sayo, nagawa mo na rin akong alilain. Hmmm 'yun na ba yun?" panghahamon ko sa kanya at galit na kinuha ang bag ko at tinalukuran siya. "Ahhh, oo nga pala asawa mo ako. Sige ipagluluto muna kita bago ako umalis. One more thing Hubby ang ganda ko pwede mong ipagmalaki, isama mo na ang katawan ko na sigurado akong panggigigilan mo pag nakita ko."
Iniwan ko siya sa kwarto na inis sa akin, ewan ko ba sa lalaking yun allergic sa inis ko.
Dumeretcho ako sa kusina at nagluto ng itlog at hotdog na sunog, bahala siya kung kakainin niya o itatapon ulit basta ako papasok na.
Business management ang course na kinuha ko dahil 'yun ang gusto ni Daddy, naiintindihan ko naman dahil sa akin rin ibibigay ang company.
"Hi, Hanna."
"Do you need something?" Tanong ko sa babaeng lumapit sa akin.
"Ahhh, napansin ko kasi na kanina ka pa nandito pero wala kang kausap. Friends?" Saad nito sabay abot ng kamay. "I'm Sarah."
"I don't need friends," baliwalang sabi ko at binalik ang attention sa phone ko.
"Tama pala ang sinabi nila na may attitude ka."
"Meron talaga kaya pwede ba umalis ka na sa harap ko naiirita ako," pagmamaldita ko rito. Inirapan niya ako bago tuluyang umalis.
Friends daw kasi alam nilang mayaman ako, ang mga tao rito kakaibiganin ka depende sa status mo sa buhay that's why I hate having a friends. Idagdag pa ang mga kaibigan ko dati na sinisiraan pala ako sa likod ko, mga insecure.
Nag-start at nagtapos ang klase ko na wala akong ginawa kundi makinig lang. Nang mag-uwian na pinili kong umuwi muna sa bahay ng magulang ko.
"Hindi ka ba pinapakain ng asawa mo, Anak? Hinay-hinay lang," awat ni Mommy sa akin habang kumakain ako.
"Na-miss ko lang talaga ang luto mo Mommy. Where's Dad?"
"May meeting siya sa Cebu pero babalik rin siya bukas, may gusto ka pa bang kainin?"
"Pwedeng magbaon ng niluto mo, Mommy? Ihahanda ko sa asawa ko."
Hindi na ako nagdalawang salita dahil agad akong pinaghanda ni Mommy ng dadalhin.
"Call me when you need anything, Iha. If you miss my food sabihin mo lang at papadalhan kita," malambing na sabi ni Mommy.
"You are really the best, Mom. I missed you and Dad so much," niyakap si Mommy.
"Ang baby ko nanlalambing."
Miss ko ng kasama sila sa iisang bahay, miss ko na ang dati kong buhay pero hindi naman ako nagsisisi sa pagpapakasal kay Zeus. Siguro naninibago lang ako dahil ibang iba ang buhay ko kasama sila Mommy.
"May problema ba?"
"Wala po-"
"Nahihirapan ka bang pakisamahan ang asawa mo? Sinasaktan ka ba niya?"
"Hindi po," mabilis na sagot ko. "Subukan niya lang na saktan ako at gagamitan ko siya ng mga alam ko sa karate."
"Are you sure? Alam ko na galit sayo ang asawa mo kaya hindi ka niya patutunguhan nang maayos pero sana 'wag kang pumayag na saktan ka dahil kami mismo ng Daddy mo ang makakalaban niya," saad ni Mommy.
"I'm okay, Mom. I can tame my husband, no worries."
Nagpaalam na ako kay Mommy bago pa siya maging emosyonal, sinabi ko na hindi na siya dapat mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko.
Pagdating ko sa bahay namin ni Zeus agad kong hinanda ang pagkain na dala ko bago siya tawagin sa kwarto. Sigurado naman ako na naka-uwi na ito dahil nasa labas ang kotse.
"May ipinadala si Mommy na pagkain para sayo-"
"Throw it," bastos na sabi nito.
Lumapit ako rito at napansin ang picture frame sa gilid ng kama, si Zeus at si Red na magkayakap. Mabilis ko itong kinuha at malakas na tinapon sa pader.
"WHAT THE HELL. STUPID b***h!"
"Ops, sabi mo kasi throw it kaya tinapon ko."
"YOU f*****g LITTLE CUNT-"
Hindi ko na siya pinatapos at pabagsak ko isinara ang pinto nito, bahala siya dyan.
Bukas na bukas itatapon ko ang lahat ng litrato ng babaeng 'yun, pagkatapos ay uumpisahan ko na ang pang-aakit. Sisiguraduhin ko na mai-a-apply ko sa kanya ang 10 ways to make him fall na nabasa ko sa isang libro.
HIndi magtatagal mapapasa-akin ang puso niya.