Diez

1918 Words
Hanna's pov Maaga akong umuwi ngayon galing school dahil kailangan kong maglinis, sinubukan kong magbayad ng mga maglilinis sa buong bahay pero ang magaling kong asawa pina-uwi ang mga 'yun at sinabing ako ang maglilinis. Wala rin naman akong choice dahil makalat na sa room ko hindi katulad dati na may sarili akong maid na naglilinis ng room ko kaya nasanay ako sa pagiging makalat. Goodluck na lang talaga sa akin lalo na at malaki ang kailangan kong linisan. Una kong nilinisan ang kwarto ko na puno ng maduming damit, nagawa ko ring palitan ang bed at pillow cover ko. Yun pa lang ang ginagawa ko pero nakaramdam na ako ng pagod, tamang punas lang at walis hanggang sa makita ko na malinis na- hmm sa paningin ko. Sumunod na pumasok ako sa kwarto ni Zeus, mag-uumpisa na sana akong maglinis ng mapansin ko ang T.V na naka turn on. Pagkaplay ko unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Red na naka-swim suit habang nakatingin sa camera, kita sa background nito na nasa beach sila. "You are so cute, babe." "Stop filming, haha." "Why not? You look so sexy, you are my model now." Masaya ang dalawa sa video, malalim na talaga ang pinagsamahan nilang dalawa. Ang sunod ay sa isang kwarto at mahimbing na natutulog si Red habang nakatapat rito ang camera. "I love you so much, Red." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng marinig ko 'yun at makita sa video kung paano niya haplusin ang mukha ni Red. Mahal na mahal niya talaga ang babae. Pinatay ko na dahil ayoko ng manuod pa ng kalandian ng dalawa, kumuha ako ng isang box at nilagay duon ang mga picture ni Red at ni Zeus na magkasama. Wala naman siya dito kaya walang pipigil sa akin. Nagmadali akong pumunta sa garden at duon nilagay sa malaking lata ang mga picture na nakita ko sa room niya. Kumuha ako ng gas at binuhos duon sabay sindi. Ng makita ko na nasusunog na ang mga ito hindi ko mapigilang mapangiti, pumasok na rin ako sa loob para ipagpatuloy ang paglilinis. Kinagabihan nag-order ako ng pagkain para pagdating ni Zeus sabay kaming mag-dinner pero naghintay lang ako sa wala dahil inabot na ako ng alas once ng gabi kakahintay sa kanya wala pa rin maski anino lang. Sinubukan ko itong tawagan pero paulit-ulit pa rin nitong pinapatay ang tawag ko. Tumawag rin ako kay Tita Zaya kung nanduon ang asawa ko pero wala daw. "Bwesit todo effort pa ako sa paglilinis at paghahanda ng pagkain niya tapos hindi man lang ako uuwian. Malapit ka ng mag-Bingo sa akin Mr. Pollan," inis na bulong ko bago tuluyang umakyat sa room ko. Dahil sa pagod paghiga ko pa lang sa kama tuluyan na akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa malakas na kalabog sa labas ng kwarto. "What's that?" Bulong ko at tumayo para tignan kong ano ang nasa labas. "Anong- HELL ZEUS, WHAT ARE YOU DOING?!" Hindi ako nito pinansin at ilang gamit pa ang tinatapon nito sa pader. Ang gulo sa loob ng kwarto nito pati sa labas. "Anong hinahanap mo?" Tanong ko nang makalapit sa kanya, galit itong tumingin sa akin. "Nasaan ang mga litrato?!" Mahina pero may riing sabi nito. "A-ah? Anong litrato-" "Don't act like you don't know what I'm looking for, b***h. Saan mo nilagay ang mga litrato namin ni Red?" Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko, wala akong lakas ng loob para sabihin na sinunog ko ang mga litrato na hinahanap niya. Kita ko ang sobrang galit niya at alam ko na isang maling salita ko lang baka masaktan niya na ako. Sa mga oras na ito nagsisisi ako na ginagawa ko ang pagsusunog sa mga litrato. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba habang nakatitig siya sa akin. "Where? Answer me!" "H-hindi ko alam," kahit sarili kong boses hindi ko na marinig sa hina. "I'm going to ask you one last time and if I don't get an answer from you I can't promise that I won't hurt you," nagbabantang sabi nito. "Where are the photos?" "W-wala na," bulong ko. "What? ANSWER!" "WALA NA DAHIL SINUNOG KO NA LAHAT NG LITRATO MO KASAMA SI RED! MASAKIT KASI SA MATA!" Dahil sa pagsigawn niya sa akin sigawan ko tuloy siya. Dumilim ang mukha nito at ramdam ko ang sobrang galit niya. "What did you say?" Baritonong tanong nito. "Nakakabastos naman kasi na itago pa ang litrato niyong dalawa dito sa bahay na-" Natigil ako at tuluyang napasalampak sa sahig ng sampalin niya ako nang malakas. Tumulo ang luha ko habang binalik ang tingin sa kanya. "You hurt me," hindi makapaniwalang sabi ko. Wala akong mabasang emosyon sa mukha nito. Yumuko ito at humawak sa panga ko hindi alintana ang mga luha ko. "Anong ginawa mo sa mga litrato-" "SINUNOG KO! GAANO KAHALAGA ANG MGA 'YUN PARA SAKTAN MO ANG SARILI MONG ASAWA!" Hysterical na sigaw ko pero mas hinigpit pa nito ang paghawak sa panga ko. Ramdam ko ang sakit sa higpit ng hawak nito. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo," mariing sabi nito kasabay ng pagkapunit ng suot ko pantulog. "A-anong gagawin mo?" Takot na tanong ko dahil kita na ang bra ko. "Last chance, nasaan ang mga litrato?!" Pumikit ako at ilang beses na umiling. "W-wala na, let go please." Nanginginig ang ang kamay ko sa takot habang nakahawak sa kamay nitong mahingpit ng nakahawak sa braso ko. "T-tama na please," pagmamakaawa ko. "S-sa garden ko sinunod, s-sorry." Mas hinigpitan pa nito ang hawak at hinila ako palabas ng kwarto. Hindi ko na magawang makatayo nang maayos dahil sa bilis ng paglalakad nito habang hila ako, kunti na lang ramdam kong mababali ang braso ko. Nang pababa kami sa hagdan napapasigaw na ako dahil sa sakit ng legs at braso ko. "You don't know what I can do," galit na sbai nito ng malapit na kami sa garden. Malakas akong napasalampak sa d**o ng bitawan niya ako at lumapit sa malaking lata na pinagsunugan ko. "You!" Napapikit na lang ako ng palapit na ito sa akin. Handa na akong makatanggap ng sakit sa katawan ng marinig ko ang boses ni Tita Zaya. "HANNA, ANAK!" Sigaw mula sa loob ng bahay. "TITA, I'M HERE!" Sigaw ko. "I will make your life a living hell," rinig kong sabi ni Zeus bago ko makita si Tita Zaya na palapit sa akin habang si Zeus naman ay dinaanan lang si Tita Zaya at tuluyan ng nawala sa paningin ko. "Omg, what happened? Are you crying? Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito at inalalayan akong tumayo at dinala sa malaking sofa. Dinalhan ako ni Tita ng tubig bago muling tinanong ang nangyari. "Namumula ang pisngi mo, si Zeus ba ang may gawa niyan?" "H-hindi po," pagsisinungaling ko. "Hanna-" "Nakipagsampalan po ako sa school kaya namumula 'yan," kalmado ng sabi ko. "Hanna si Zeus-" "Galit po siya sa akin dahil sinunog ko ang litrato niya at ni Red pero hindi niya po ako sinaktan," half true. Hindi ko pwedeng sabihin na sinaktan ako ni Zeus dahil siguradong pagagalitan niya ang asawa ko at makakarating sa magulang ko ang nangyari. Kahit isang beses hindi ako nakatikim ng sampal o kahit anong p*******t sa magulang ko kaya pag nalaman nila ang nangyari sigurado ako sa babawiin na nila ako at ilalayo kay Zeus. "Iha anak kung ano man ang ginawa ni Zeus sayo, ako na ang humihingi ng pasesnya. Kung nagkaruon ng problema tawagan mo lang ako kahit anong oras," malambing na sabi nito sa akin. Sabay kaming napatingin ni Tita kay Zeus na pababa sa hagdan. "Where are you going?" Tanong ni Tita. "Out bago ko pa mapatay ang babaeng 'yan," napatago ako sa likod ni Tita dahi; sa sinabi ni Zeus. Seriously? Papatayin niya ako dahil lang sa litratong 'yun? He is crazy. "Zeus, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa asawa mo!" "Asawa my ass, kahit kailan hindi ko ituturing na asawa ang childish na 'yan." Umalis na nga ito at hindi na pinakinggan si Tita Zaya. "Ang tigas talaga ng ulo ng anak kong 'yan," naiiling na sabi ni Tita. Naghalo-halong emosyon ang naramdaman ko pagkaalis ni Zeus kaya napayakap ako kay Tita Zaya. "I want him to love me," umiiyak na sabi ko. "I'm trying my best pero hindi niya 'yun makita dahil sa Red na 'yun. I really hate that girl Tita." "What?" Wala naman sigurong masama kung humingi ako ng tulong kay Tita para tuluyang mapaghiwalay si Red at Zeus. "'Wag mo na pong sabihin kila Mommy, ayoko rin po sanang sabihin sa inyo kaya lang sobrang sakit na po. When we were in Japan, Red was also there. Sila pa rin Tita kahit mag-asawa na kami ni Zeus," pagsusumbong ko. "I know they love each other even before I entered their lives but it still hurts me because I'm his wife and I love him." "My poor daughter-in-law, don't worry kakausapin ko siya at ako na rin ang bahala sa Red na 'yun." "I want her out of our life, Tita. Alam ko na pag nawala na siya mas madali ko ng makukuha ang loob ng asawa ko." Nag-usap pa kami ni Tita hanggang sa magpaalam na siya, alam kong kakausapin nito si Red sa susunod na mga araw. Hinintay ko si Zeus para makahingi ako ng tawad sa nagawa ko at makabawi sa kanya pero dalawang araw itong hindi nagpakita sa bahay. Wala akong magawa kundi pumasok at umuwi sa bahay na mag-isa. Ang dalawang araw ay naging limang araw hanggang umabot ng isang linggo na hindi pa rin ito umuuwi. Pumunta ako sa bahay ng mga Pollan at duon ko nakita ang asawa ko kasama si Red sa harap ni Tito at Tita Zaya. Umiling ako sa maid at senenyasan na wag maingay, nagtago ako sa malaking vase at hinihintay ang susunod na mangyayari. "Mom, please. Nagmamahalan kami ni Red-" "You are already married, Zeus. Maling mali ang ginagawa mo ngayon na pagharap sa akin at sa Daddy mo kasama ang kabit mo!" "SHE'S NOT MY MISTRESS!" "Wag mong sigawan ang Mommy mo," mariing sabi ni Tita kaya kumalma si Zeus. "Kasal ka kay Hanna kaya kahit anong sabihin mo kabit pa rin 'yang kasama mo," galit na sabi ni Tita. "Hindi ka na nahiya sa magulang ni Hanna." "Sila ang dapat mahiya dahil kinonsente nila ang kabaliwan ng anak nila! Una pa lang sinabi ko na sa inyo na ayaw kong makasal dahil may mahal na ako. I love Red-" Napatakit ako ng bibig ko ang malakas na pagsampal ni Tita kay Zeus. "You love her? Sige sumama ka sa kanya at iwan ang asawa mo, kalimutan mo na rin na magulang mo kami. File an annulment," hamon ni Tita. "All our property and company will go to Hanna. That's what was stated in the deed you signed before you got married." Ilang minutong katahimikan hanggang sa tumayo si Zeus at hinila si Red paalis. Mabilis kung siniksik ang sarili ko para hindi nila ako makita. Nakaramdam ako ng guilt sa nasaksihan ko. Masaya silang pamilya pero dahil sa akin nagkaruon sila ng gap. Guilty rin ako ng makita sa mukha ni Zeus ang sakit. Matamlay akong umuwi sa bahay habang iniisip ang mga buhay at pagsasama na sinira ko. "Cupid was wrong to hit me with the red arrow, hindi nito alam na pag ako nagmahal wala akong paki sa mga taong masasaktan ko makuha ko lang ang lalaking gusto ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD