Hanna's pov
Mahigit dalawang linggo na at hindi ko pa rin pinapansin si Zeus. Gigising ako ng maaga para mag-order ng almusal niya pagkatapos ay papasok na ako at hindi na hihintayin ang paggising nito. Pag-uwi ko naman may dala na akong pagkain deretcho sa room ko para mag-isang mag-dinner.
Ganun lang ang naging routine ko. Why? Wala ako sa mood manuyo ng Asawa, irita pa rin ako sa nakita ko na magkasama sila ng kabit niya at hinarap pa talaga sa in- laws ko. Ang kapal ng mukha nilang dalawa.
Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili bumaba na ako para hintayin ang order kong almusal. Napatigil pa ako sa pagpasok ko ng kusina ng makita ang Asawa ko na nakatingin sa akin.
Tinitigan ko lang siya bago dumeretcho sa fridge. Ayaw kong pansinin, hindi araw-araw maghahabol ako. Sa dami ng nabasa kong libro alam ko na ang gagawin ko, sabi nga nila minsan magpakipot dahil ang mga lalaki mas gusto na sila ang naghahabol.
"Where are you going?" Tanong nito ng palabas na ako sa kitchen.
"School," baliwalang sagot ko. "Ikaw na lang ang maghintay sa almusal mo na order ko total gising ka na."
"No!"
Tinaasan ko ito ng kilay bago tinalikuran.
Ay, aba ano siya boss? Isang no lang mapipigilan niya na ako? Asa!
Papasok na sana ako ng kotse ko ng mabilis nitong nahablot ang susi.
"Hindi ka pwedeng umalis, kailangan mong linisan ang buong bahay-"
" Mamaya pag-uwi ko. Akin na 'yan susi mala-late na ako."
"Get inside," seryosong sabi nito bago pumasok sa loob ng bahay.
Tsk, hindi ko maintindihan ang lalaking 'yan. Sabi diring diri sa akin ngayon naman ayaw akong paalisin.
Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob.
"I need to go to school, Zeus. Kailangan kong mag-aral para may maipagmalaki naman ako," pagdidiin ko.
"Tsk, clean the house -"
"Mamaya na nga sabi!"
" Hindi ka papasok at babantayan kitang maglinis. Ginusto mong maging Asawa ko kaya sumunod ka," saad nito.
" K," tanging sabi ko.
Hirap makipagtalo sa taong matalino.
" Where are you going? "
"Sa room ko magbibihis na para makapag-umpisa na po akong maglinis kamahalan. Maaari na po ba akong umalis?" Pang-iinis ko sa kanya.
Napangisi ako ng makita kong nagsalubong na naman ang mga kilay niya. Tsk, pasalamat siya mahal ko siya kaya susunod ako. Marupok ako minsan.
Nagsuot ako ng cycling black, big shirt tapos inayos ko ang buhok ko na pang-messy bond. Maglilinis lang naman kaya okay na ito.
Naglagay rin ako ng pabango, para naman amoy mabango paglumapit ito sa akin.
Inis pa ako pero may pagkakataon na akitin siya kaya gagawin ko.
Pagbaba ko nakita ko na may hawak ito.
"What's that?"
"Vacuum, start cleaning here."
"Ahhh, okay." Ramdam ko ang pagtitig nito sa katawan ko. Hinayaan ko siya at lumapit ako. "How to use that?"
"Sinabi mo naglilinis ka pero hindi mo alam ito?"
" I used walis, it's more easy."
"Brat," rinig kong bulong nito bago ipakita sa akin kung paano gamitin ang vacuum." Gets? "
" Yes," sagot ko at kinuha ang vacuum at inumpisahan na gamitin ito.
Sinigurado ko na nakatuwad ako kung saad ito nanunuod. Tignan ko lang kung hindi mo ako pagnasaan.
Habang naglilinis ako nakita ko na itong nakapikit, napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan nito at duon ako napangisi.
"Gotcha," mahinang bulong ko habang nakatingin sa nakaumbok sa gitna ng legs nito. "Are you okay, my hubby?"
Nilambingan ko talaga ang boses ko, tumingin ito nang masama sa akin.
" What are you doin'?!"
"Cleaning?" Patanong na sagot ko.
" Don't play with me, Hanna. I won't touch you, you're disgusting."
"Huh? Ano bang sinasabi mo? Naglilinis lang naman ako dito at wala akong sinabi na galawin mo ako. Kadiri baka may dala kang aids," balik pang-iinsulto ko sa kanya.
"What did you say?! " Mariing sabi nito.
" Lagi kang nasa club, malay ko ba kung sino-sinong babae ang ginagalaw mo. You are not clean," saad ko habang titig na titig sa kanya. "Tapos na ako dito kaya isusunod ko na sa kitchen."
Rinig ko pa itong nagmura kaya napangiti ako.
Dali talagang maasar ng Asawa ko, pasalamat nga siya hindi ko sinabing baka nahawaan na siya ni Red ng Aids.
Bigla dumulas ang plato sa kamay ko kaya nabasag ito, dali dali ako ng yumuko at dinampot ang mga ito dahil paniguradong masisigawan na naman ako ng Asawa ko. Natigil ako ng makaramdam ako ng sakit, bumaon ang dalawang bubog sa daliri ko, sa pagmamadali nakalimutan ko ng mag-ingat.
"ANONG NANGYARI?!"
Mabilis akong tumayo at tinago ang kamay ko na may bubog sa likod ko.
"Nabasag ko, sorry. Papalitan ko na lang," pilit na ngiting sabi ko.
"Stupid, b***h! Paghuhugas na nga lang makakabasag ka pa, ang tanga-tanga mo!" Sigaw nito at nakuha pang ituro ang sintido ko. "Wala kang alam gawin, puro kamalasan ang dala mo."
"Sorry," nakayukong sabi ko. Para akong batang pinapagalitan, at wala akong magawa. Mas iniinda ko ang sakit ng daliri ko, kaya hindi ko ito masagot -sagot.
"Tsk, ayusin mo 'yan pagkatapos punasan mo ang hagdan! Walang kwenta," singhal nito bago umalis.
" Bwesit," gigil at naiiyak na sabi ko.
Kita ko na dumeretcho ito sa taas kaya nagmadali kong hinugasan ang kamay ko at pilit tinanggal ang bubog.
Kainis, bakit kasi wala akong kaibigan na matawagan sa mga panahon na ganito.
"Haitz!"
Pinunasan ko ang luha ko bago kumuha ng band-aid at binalikan ang mga bubog.
Tahimik akong naglinis sa kusina at sinunod ang pagpunas ng hagdan. Iniinda ko ang sugat sa daliri ko.
Konting tiis na lang matatapos rin ako.
Alas dose na ng may dumating na pagkain. Masaya akong lumapit duon pero sininghalan na naman ako ng Asawa ko.
"Sinong may sabi na kakain ka? Maglinis ka dyan, hindi ka kakain hangga't hindi ka natatapos." Saad nito pero ang tingin nasa legs ko.
"Madamot, mabulunan ka sana!" Sumpa ko bago bumalik sa paglilinis.
Ilang beses na itong pumanhik sa kwarto nito, alam kong nagparaos. Grabeng pagtitimpi ang ginagawa nito para hindi ako magalaw. Ako naman ay grabe ang pagtitimpi para hindi ko ito mamura sa inaasta niya.
Pagod na pagod na ako, namamanhid na rin ang kamay ko. Gusto ko ng umiyak dahil kasabay ng pagod nakaramdam na rin ako ng sobrang gutom. Ni minsan hindi ito ginawa ng magulang ko!
"Tapos na-"
"Labhan mo ang mga 'yan!" Tinapon nito sa harap ko ang ilang malalaking bedsheets.
"Bukas-"
"Tapusin mo 'yan-"
"Tang Ina mo sagad," mariing sabi ko bago pinulot ang mga sheets. Kita ko sa mukha nito ang gulat.
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko TANG INA MO SAGAD! Wala kang awa, I hate you!" Naiiyak na sabi ko at tinalikuran siya.
"If you hate me, file an annulment."
Napaharap ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"There's no way na hahayaan kong maging masaya ka kasama ng kabit mo. Pare-parehas tayong magdusa! Bweist!"
Iniwan ko na siya at ginawa na ang huling utos nito. Gustong gusto ko ng humiga sa kama ko, ramdam ko na ang p*******t ng buong katawan ko lalo na sa kamay.
Nang matapos ako agad akong lumabas sa laundry area, sinalubong ako ng Asawa ko.
"You need to-"
"Stop, Zeus. Tigilan mo na ang pag-uutos mo dahil pagod na pagod na ako at baka magdilim ang paningin ko sayo. Ayokong makapatay ng Asawa kaya tigilan mo ako," gigil na sabi ko at nilampasan siya pero nakuha nitong iharap ako sa kanya.
"I thought you loved me and would do everything to make me like you?" Nakangising sabi nito.
Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Gusto ko ng magpahinga dahil gabi na rin kaya please lang tantanan mo ako. I'm so tired," mahinang sabi ko dahil nanginginig na ang tuhod ko at ano mang oras baka matumba na ako. "And yes mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko kaya magpapahinga ako. Kung gusto mong puntahan ang mahal mo na si Red, go ahead. Matutulog na ako."
Kita ko pa ang gulat sa mata nito dahil sa mga sinabi ko, wala na akong paki- ang gusto ko na lang ay humiga at magpahinga. Tsaka na ako kakain pagkagising.
"s**t, are you okay?"
Mabilis itong nakapunta sa gilid ko ng muntik na akong matumba.
"Sobrang okay ako kasi tang-ina ng Asawa ko pinagod ako sa gawaing bahay at hindi pa ako nakuhang pakainin. I'm okay," sarcastic na sabi ko at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Stop acting like you care."
Tuluyan na akong nakapasok sa room ko, ni-lock ko ang pinto at mabilis na binagsak ang sarili sa kama.
"Damn you, Zeus!" Bulong ko bago tuluyang nakatulog.
Nagising ako ng makaramdam ako ng lamig.
"Damn, it's cold."
Hirap kong dinilat ang mata ko para tignan ang oras.
Alas tres pa lang ng madaling araw. Sobrang sama ng pakiramdam ko, binalot ko ang sarili ko ng kumot pero sobrang nilalamig pa rin ako.
Hirap man pero tumayo pa rin ako at kumuha ng panibagong makapal na kumot bago muling humiga.
"Damn."
Author's pov
"HANNA!"
Galit na sigaw ni Zeus sa labas ng kwarto ni Hanna dahil alas otso na pero hindi pa rin ito lumalabas at walang nakahandang pagkain.
Kahit anong sigaw ni Zeus, walang Hanna na sumagot o ni lumabas sa kwarto.
"Damn f*****g useless, b***h!" Galit na sabi ni Zeus bago umalis.
Pagdating nito sa opisina sa mga empleyado nito binuhos ang galit.
"Problem?" Tanong ni Lance na isa sa kaibigan niya.
"My maid, damn her!" Gigil na sabi ni Zeus na ikinatawa ni Lance.
"Weird, kailan mo pa prinoblema ang katulong niyo?"
"Shut up," galit na sabi nito at humarap sa secretary. " Who the hell cancelled my meeting this afternoon?! "
"Si Ma'am Red po," natatakot na sabi ng secretary nito.
Hindi alam ng mga empleyado na kasal na si Zeus, ang alam lang nila si Red ang Fiancee nito.
"Is she your boss to follow what she said?" Mabilis na umiling ang secretary nito. "Stupid, you're fired!"
"Sir," naiiyak na sabi ng secretary.
"Chill," saad ni Lance. "Bumalik ka na sa table mo at ako na ang bahala rito. Hindi ka pa tanggal sa trabaho."
"Damn, bakit ka ba nakiki-alam?! "
"Mukhang malala ang problema mo ah. Shot?" Pag-aya ni Lance.
Hindi na tumanggi si Zeus at kinagabihan nasa club silang magkakaibigan at umiinum.
"Anong problema niya?" Tanong ni Andrew na isa sa kaibigan nila.
"Maid," sagot ni Lance.
"What, maid?" Tanong ni Dr.Treavor na isa sa kaibigan nito. "New girl?"
"Ewan ayaw magkwento," saad ni Lance.
Tumingin si Dr. Treavor kay Zeus na nilaklak ang isang beer.
"By the way, Zeus. Nakita ko ang Mommy mo bago ako umalis sa hospital," saad ni Dr. Treavor kaya nakuha nito ang attention ni Zeus.
"Why?" Tipid na tanong ni Zeus.
"I don't know, basta sabi niya sa akin lunurin daw kita sa alak." Natatawang sabi ni Treavor.
" Funny," baliwalang sabi ni Zeus.
"Kidding aside, nakita ko siya sa room ng pasyente na nagngangalang Hanna Gonzales. Baka kaibigan niya-"
Hindi natuloy ni Treavor ang sasabihin mabilis na tumayo si Zeus habang paulit-ulit na nagmumura.
"Damn, what happened to her?!"