Hanna's pov Nagising ako na sobrang sama ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang init ng katawan ko at pagkahilo. Inabot ko ang phone ko sa side table at handa na sanang tawagan si Mommy pero naisip ko na mag-aalala lang ito sa akin at iisipin na may ginawang mali ang Asawa ko. Wala naman akong kaibigan kaya ang naisip kong tawagan ay si Tita Zaya. "Tangina," bulong ko ng makaramdam ako ng pagsusuka. Hindi ko na nagawang tumayo at sa baba na rin ng kama ako nasuka. "Hello, Iha? Hello?" Rinig ko ng muli kong ilapit ang phone sa tainga ka. "Tita, I need help." Mahinang sabi ko. "Why? What happened? Where are you? " Sunod-sunod na tanong nito. " House," tipid na sabi ko dahil hinang hina ang pakiramdam ko. Mabilis kong pinatay ang tawag ng masuka muli ako. Binalot ko ang sarili ko ng kum

