Miss A's pov "Red, ano ba?! Tigilan mo muna si Zeus, please lang." "Bakit ba lagi mong pinipigilan ang kaibigan natin na puntahan ang fiancee niya," inis na saad ni Cathy. "Miss ko na siya, gusto kong magkasama ulit kami. Wala na akong paki kung gawin niya akong kabit," desperadang anya ni Red. Ang aga-aga ay umiinum na ito, dahil bigo na namang makita si Zeus ng puntahan niya ito sa company building. Hindi siya nito hinaharap. "M-mahal na ba niya ang Asawa niya? Hindi pwede!" "Tantanan niyo muna silang mag-asawa! Alam mong isang linggo lang ang nakakaraan simula ng mamatayan ng magulang ang Asawa nito, ipaubaya mo muna siya. Kailangan siya ngayon ng Asawa niya," mariing sabi ni Trina. "I don't care! Kahit pati siya mamatay, wala akong paki. I need to see him," lasing na sabi nito

