Hanna's pov Nagkatitigan kami ni Zeus habang palapit ako sa pwesto nila. "Engr. Troy Villegas is in the house with a gorgeous girl beside him," sabi sa akin ng isa lalaki na katabi ni Red kaya ngumiti ako. "Mukhang may nakabihag na ng pihikang puso ni Engineer ah." "Ulol," sagot ni Troy. "Hanna, my date for tonight." "Good evening," nakangiting sabi ko. Si Zeus na nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin habang si Red naman ay napatingin kay Zeus sabay tingin sa akin na may ngiti sa labi. "Girlfriend mo?" Tanong ni Red kay Troy. "Who are you?" Sagot naman ng katabi ko kaya napakagat labi ako para mapigilang tumawa. Halata kasing napahiya ito dahil nawala ang ngiti. "Red pasensyahan mo na si Engineer ganyan talaga 'yan sa mga babae kaya nga nagtataka ako ngayon dahil may date siy

