bc

Maid For You

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
dominant
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kahirapan ay naisipan ni Lea Dimagiba na subukan ang kapalaran sa ibang bansa. Nagpunta siya sa Maynila upang doon mag-apply kasama ang kaniyang dalawang kaibigan. Ngunit sa kasamaang palad ay naloko sila. Hindi nawalan ng pag-asa si Lea at sumubok ulit na mag-apply. Makakaya niya kaya ang mawalay ng matagal sa kaniyang mga magulang? Ano ang kapalaran na naghihintay sa kaniya sa ibang bansa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Maghapon na naghanap ng trabaho ang tatlong magkakaibigan. Sinubukan nilang mag-apply bilang mga waitress a mga restaurant na nasa kanilang bayan. Ngunit sa kasamaang palad ay ang sabi sa kanila ay tatawagan na lang daw sila kung tanggap na sila. “Grabe napagod ako sa kakalakad sa pag-aapply natin sa trabaho.” Nanghihinang saad ni Alma habang nasa isang fast food chain sila. Naisipan nilang dumaan muna sa isang mall para makapagmerienda at makiaircon narin dahil sa sobrang init sa labas. “Nasunog na yata ako mga beshy Juice colored sayang ang glutathione soap na gamit ko. Iniipon ko pa naman ang pambili ko nun sa aking baon.” Ani naman ni Riza “Huwag na tayo magreklamo at isang araw pa lang tayo nag-aapply.” Saad ko sa dalawa. “Sa tingin niyo mga beshy kapag nag-abroad tayo eh kailangan din kaya ng experience? Kahit magkatulong tayo?” Tanong ni Riza sa amin. “Subukan kaya natin mag-apply sa Maynila?” suhensyon naman ni Alma sa amin. Kakagraduate lang namin bilang isang guro. Pero ang dalawang timang ay gusto na magtrabaho kahit wala daw sa linya ng tinapos namin. Gusto na daw nilang makapagtrabaho kaagad dahil kailangan na daw nila ng pera. Dahil sa dami namin na nakapagtapos bilang teacher ay tiyak mahihirapan kami na makapasok sa mga paaralan dito sa amin. At dahil talamak dito sa aming bayan ang inuuna ay yung mga may kapit sa taas kaya tiyak na nasa huliaab ang aming biodata. Kahapon ay nakapagpasa na kami sa iba’t-ibang eskwelahan dito sa amin pero wlala pa daw interview at tatawagan na lang daw kami. At dahil atat ng makapagtrabaho ang dalawa ay ngayon nga sinusubukan namin na makapag-apply kahit waitress o kaya isang promodizer. Kaya nga siguro naisip din ni Alma na mag-abroad din dahil sa kahirapan na din dito sa amin. At kapag nakapag-ipon na ng pera ay saka na lang ipagpatuloy ang ambisyon namaging guro. “Sheesh ang hirap naman pala maghanap ng magandang trabaho.” saad ko na nakapangalumbaba na kaming tatlo habang naghihintay ng order namin at nag-iisip narin kami kung paano kami makapagtrabaho. “True mga beshy ganito pala kahirap talaga ang mag-apply ng trabaho. Biruin nyo kahapon lang tayo nakapagbigay ng resume sa mga eskwelahan ay ang sabi tatawagan lang tayo.” Maarteng sabi ni Riza sa amin. “Naku sabi nga ng ate ko mas okay daw sa abroad kahit katulong ay malaki ang sahod kaya nga naisip ko kaagad na magkatulong na din kaya ako.” ani Alma. “Pagkauwi ko subukan kong magpaalam sa mga magulang ko.” Ani Riza “Ako din!” magkapanabay naming saad ni Alma. “Sana lang mga beshy ay payagan tayo.” nakatulalang saad ko. At sasagot pa sana silang dalawa pero dumating na ang order namin na fries at burger. Nilantakan kaagad namin ang aming pagkain at walang galit-galit muna kami dahil sa gutom na nararamdaman namin. “Beshy hinay-hinay tayo at baka mabilaukan naman tayo sa ginagawa natin.” natatawang saad ni Alma dahil nakita niyang pare-parehong bumubukol ang aming mga pisngi dahil sa laki ng kagat namin sa hamburger. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako nagsalita. “Beshy paano sa sobrang pagod natin ay ganun din ang sobrang gutom nanararamdaman natin.” saad ko sa kaniya. Hindi nagtagal ay natapos namin ang aming pagkain kaya kahit gustuhin pa namin na maglibot ay nag-aya na akong umuwi dahil sa gusto ko na din magpahinga at pagod narin ako. “Mga beshy kausapin ko mamaya ang ate ko kung saan siya nag-apply para may idea na tayong tatlo.” ani Alma sa amin. “Sige beshy para magkaroon na din tayo ng idea kung ano ang dapat natin gawin at kung ano ang mga kailangan.” sabi ko naman sa kaniya. “Oo nga beshy para maiprepare na natin at ng makapag-ipon na tayo.” saad naman ni Riza. “If I know Riza pampaganda lang ang pag-iipunan mo.” natatawang saad ko dito. “Hoy beshy hindi porke’t maganda ka eh huhusgahan mo na ako . Syempre kasama na dun sa pag-iipunan ko noh! At kasama sa buhay ang magpaganda. Ikaw lang ata ang walang problema sa mukha at katawan.” Mahabang saad ni Riza sa akin. “Ano ka ba beshy uunahin ko ba ang magpaganda eh kailangan namin magtipid.” saad ko sa kaniya. “Beshy hindi mo naman kailangan na magpaganda pa. Effortless ka na nga sa pagpapaganda pero ang dami parin pumapansin sayo.” saad naman ni Alma. “Mga beshy ako lang to. Tara na nga at ng makapagpahinga naman na tayo” natatawa kong sabi. “True gusto ko ng humiga. Ay dadaan muna ako sa bahay nyo beshy at kailangan ko magpaload para naman makausap ko si ate.” saad ni Alma. “Sige beshy.” saad ko sa kaniya. May munting tindahan ang nanay at si tatay ay may maliit din na sakahan kaya doon kami kumukuha ng pampaaral at gastusin namin sa bahay araw-araw. Minsan ay tumatanggap ng labada si nanay at tinutulungan ko naman siya. Kaming tatlo ay magkakaibigan simula pa noong mga bata pa kami hanggang sa magkolehiyo ay iisang kurso ang kinuha namin. May mga kapitbahay kami na mga marites na laging sinasabi na hindi kami makakapagtapos ng pag-aaral at maaga kaming makakapag-asawa. Lalo na sa akin. Madaming kapitbahay na laging humuhusga at maaga daw akong mabubuntis kaya imbes na pansinin ang mga marites naming kapitbahay ay ginawa naming inspirasyon na tatlo. "Mag-oonline ako mamaya kayo ba?" tanong ni Alma pagkababa namin sa harap ng bahay namin. Pati si Riza ay dito na sa bahay bumaba para makapagpaload din. Malapit lang naman ang mga bahay nila dito sa bahay. Talagang simula't sapul ay magkakaibigan na kami at minsan ay hindi kami mapaghihiwalay. "Ako magpapaload nga din ako gusto ko kasi magpost sa yt account ko mga beshy. Isupport nyo naman kasi ako mga beshy para magkaroon na ako ng madaming subscriber." nakalabi niyang sabi. "Naku ate magpractice ka pa kasi magmake-up para madami manood sayo. Baka naman kasi natatakot sila sa mukha mo dahil sa nilalagay mong make-up." natatawang saad ni Lito kay Riza. "Hoy Lito makalait ka naman bakit kagwapuhan ka?" patola ni Riza sa kapatid ko na halos maglupasay na sa tawa dahil sa unang post ni Riza sa yt ay tawang tawaang kapatid ko at ipinakita pa sa nanay ko angbitsura noon ni Riza na sobrang kapal ng kilay at eyeshadow na nagmukhang clown na ang mukha. "Maayos na ako ngayon magmake-up" nakanguso niyang saad at ang lokong kapatid ko ay nakahawak na sa tiyan niya at pinipigilan na ang tumawa. "Huwag kang mag-alala ate Riza at ipropromote kita sa mga kaibigan ko." sabi niya kay Riza at itinaas pa ang kamay niya sabay sabing "fighting!" "Asahan ko yan Lito ah!" "Oo ate don't worry, sa pasukan ay kakausapin ko ang mga kaibigan ko sa eskwelahan." pagpapalakas niya ng loob kay Riza. Pagkaload nila ay hindi na sila nagtagal at umuwi na sila. Sinabihan din nila ako na magonline ako mamaya para mapag-usapan namin ang plano namin na mag-abroad. At kung saan kami muna titira kapag nakapag-apply kami sa Maynila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook