Chapter 1
PASADO alas-nuwebe na ng gabi pero wala pa si Max, malamig na ang inihandang putahe ni Selena para sa first anniversary nila. Marami pa naman siyang niluto at lahat iyon ay paborito ng asawa niya. May kare-kare, michado, adobong baboy na halos namumula na sa anghang. At ang pinaka-espesyal niyang beef steak na talagang pinakagusto ni Max kapag may mga okasyon sila tulad nito.
May cake din na may nakalagay pang happy first anniversary love. Nagluto din siya ng pansit at may kanin din. May espesyal na wine at may dalawang wine glass. Naglagay din siya ng design na nakadikit sa pader at may nakasulat din na happy anniversary. May hugis puso din na mga ballon sa palibot nito. At talagang pinaghandaan niya itong mabuti.
Subalit tila nakalimutan ata iyon ng kanyang asawa. Mahigit apat na oras na siyang naghihintay ngunit ni anino ni Max ay hindi niya mahagilap ng tingin habang nakatanaw sa nakabukas na pinto ng main door. Nakapatay din ang telepono nito kaya't kahit anong tawag niya ang hindi ito nagriring.
"Nasaan ka na ba, Max?" nag-aalala niyang tanong sa kanyang sarili. Ilang saglit pa ay naisip na lamang niyang puntahan ito sa trabaho dahil baka nag-over time na naman ito. Gano'n kasi ang kadalasang sinasabi sa kanya ni Max sa tuwing umuuwi ito ng hatinggabi.
Mula ng ma-promote siya sa trabaho ay palagi na itong late kung umuwi. Minsan nga nagtatampo na siya dahil pakiramdam niya ay nawawalan na ng oras sa kanya ang asawa. Kapag kinakausap niya naman ito, palaging over time sa work ang sagot. Halos maubos na ang oras nito sa trabaho.
Napabuntunghininga siya ng makarating na siya sa malaking gusali kung saan nagtatrabaho ang asawa. Napangiti pa siya dahil hindi niya sukat akalain na magiging vice president ang asawa sa isa sa pinakamalaking kompanya dito sa pilipinas. Ang Sandoval's food corporation industry. Isang kompanya ng iba't-ibang klase ng frozen meet. Tulad ng longganisa, skinless, hotdog at marami pang iba.
Tiningnan niya muna ang dala niyang wine na dapat sana ay iinumin nila sa bahay nila. Dinala niya rin ang cake na siya mismo ang gumawa. Nagdala na rin siya ng paborito nitong beef steak at maanghang na adobo. Ngayon lang bibisitahin ang asawa sa pinagtatrabahuhan nito. Kaya't may kaunting kaba siya sa magiging reaksyon ni Max kapag nakita siya.
Ilang sandali pa ay humakbang na siya papasok sa building na sa tansya ay may limangpung palapag. Nagtanong muna siya sa dalawang guwardiya kung saan ang opisina ni Max De Mesa. Agad naman iyon sinagot ng dalawang guwardiya. Tinanong pa nga siya kung sino siya, ngunit hindi na niya iyon sinagot.
Sumakay siya ng elevator hanggang maabot niya ang ikaapat na pu't na palapag. Doon daw ang opisina ni Max De Mesa kaya't sandali niya munang tiningnan ang sarili sa maliit na salamin na dinukot sa kanyang sukbit na bag. Tiniyak niya na maganda siya sa paningin ni Max kapag nakita para hindi naman ito mapahiya sa mga katrabaho.
Nang masiguro na maayos na ang kanyang itsura ay sinimulan na ang paghahanap kung nasaan ang opisina ng asawa. At makalipas ang ilang segundo ay nakita niya na ito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa dahil opisina naman iyon ng kanyang asawa. Agad niyang binuksan ang pintuan. Subalit laking gulat niya dahil makulimlim ang loob. Subalit binaliwala niya na lang ito dahil baka baka nakatulog ang asawa dahil sa sobrang pagod.
Ilang saglit pa ay hinakbang niya na kanyang mga paa para tuluyang mapasok ang loob. Ngunit bahagyang siyang natigilan ng may marinig siyang tila nagbubulungan. "May kausap ba si Max sa ganito kadilim na silid?"
Nagdahan-dahan siya paglalakad habang pinapakinggan kung ano ang ingay sa kabilang pader. Subalit natigilan siya sa isang boses babae na tila umuungol. Kaya't biglang kinabog ng malakas ang dibdib niya.
"Harder, Max! Harder!" usal ng babaeng naririnig niya.
Ilang sandali pa ay may narinig na naman siyang boses ng isang lalaki. At hindi siya pwede magkamali dahil kilalang-kilala niya ang boses na 'yun.
"You want hard, Baby, ha? Okay, i'll give it to you!"
"Yes, Max, please!" sagot naman ng babaeng tila sabik na sabik sa tono ng pananalita. "O, f**k, Max!"
Nang marinig iyon ni Selena ay tuluyan ng lumandas ang masagana niyang luha sa kanyang mga mata. At sa hindi niya maipaliwanag ay tila ba humahakbang pa ang kanyang mga patungo sa mga halinghing na naririnig niya.
Pakiramdam niya ay tila nawala na siya sa kanyang sarili dahil sa mga naririnig. Pakiramdam niya rin ay tila naninikip na ang dibdib niya dahil sa magkahalong sakit at kaba sa maaari niyang makita. Ayaw na rin paawat ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata. Tila ba paulit-ulit siyang sinasaksak ng kutsilyo sa sakit habang papalapit siya sa mga halinghing na naririnig. At ilang sandali pa ay tuluyan niya ng nakita ang hinahanap ng kanyang mga mata.
Kaya't nabitawan niya ang dala niyang wine at naglikha ito ng ingay na ikinagulat ng dalawang nagtatalik na kapwa pa nakahubad.
"S-Selena?" gulat na gulat na usal ni Max at agad na naitulak ang babaeng nakapatong sa kanya. Pagkatapos ay nagmamadaling sinipat ang mga nagkalat niyang damit sa sahig.
"Ouch, Max!" agad na sigaw ng babae na hubo't-hubad dahil nasubsob ito sa table ni Max.
Hindi nakapagsalita si Selena sa nakikita. Namimilog lang ang kanyang mga mata habang sunod-sunod ang mga luha na pumapatak sa kanyang magkabilang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya dahil naninigas na ang buo niyang katawan. Ni ayaw na ring humakbang ang kanyang mga paa para sugurin si Max at saktan.
Binaling niya rin ang paningin niya sa babaeng kalaguyo ng asawa. Nakangiti pa ito ng mapait sa kanya na tila nanunuya pa. Gusto niya itong saktan, gusto niyang sabunutan. Gustong niyang basagin ang mukha. Pero paano? Ni hindi na nga siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Hanggang sa hindi nagtagal ay naramdaman na lamang niya na tila dumidilim na ang kanyang paningin. At ilang segundo lamang ay naramdaman niya na ang paglapat ng kanyang likod sa malamig na semento.