Ciana's POV As planned, Spark called me while I was on my way home. Susunduin niya raw ako at dahil kilala ko siyang isang makulit na nilalang, pumayag ako. Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong ibang inisip kung hindi si Zyver at Kina. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Ang mga tanong sa isip ko ay pinagpaliban ko muna at saka umakyat papunta sa aking kwarto. Nagsuot lamang ako ng isang simpleng jeans at puting damit. Ang noong minsa'y na nangingitim kong sneakers ay bagong laba na. Nilabhan siguro ito ni Aeron. Nang mag-alas sais ay narinig ko na ang busina ng kanyang sasakyan kaya nagmadali akong bumaba para hindi na mang-asar pa ang mga kasama ko sa bahay. I opened the shotgun seat's door and saw that he's wearing his navy blue button down polo like what he wore earlier. Siguro ay gal

