Prologue
Ciana's POV
My eyes roamed around the inside of the house. It's been years. It's been years since I last saw this house.
Binitawan ko ang box na naglalaman ng aming mga gamit sa bahay at halos mapaubo nang sumabog ang makapal na alikabok sa ere na mula sa sahig.
"Ano ba naman yan, Ate! Alam mo namang mayroon akong hika, e!" narinig kong sabi ng aking nakababatang kapatid. Wala siyang hika't nag-iinarte lamang.
Hindi ko siya pinansin at lumabas muli para kuhanin ang iba pang mga natirang gamit sa likod ng aming Revo.
Kinuha na rin ng aking kapatid ang pinakahuling dalawang kahon sa sasakyan at nakisabay sa aking maglakad.
Suminghap siya kaya napalingon ako sa kaniya. Bakas sa kanyang mukha ang pagka-inis sa pagbubuhat ng aming mga gamit. Sinapok ko nga. "Nasaan ba si Tito?" tanong ko sa kanya habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Inutusan kong bumili ng pagkain-"
Binaba ko ang kahon at saka siya kinutusan. "Hindi ba't ikaw ang naka-atas sa pagbili ng pagkain? Tapos ngayon nagrereklamo ka sa pagbubuhat ng mga gamit!" bulyaw ko sa kanya.
Ngumuso siya. "Oo na!"
Hindi ko na siya pinansin pa saka pumunta sa aming kusina para simulang linisin roon. Ilang taon rin kasi simula nang mamatay ang mga magulang ko. Nang pumanaw kasi sila ay umalis na rin kami sa lugar na ito dahil ang aming Tito, ay nagtatrabaho sa kabilang lungsod.
He's the one who made us finish school. He's the one who paid for our expenses. Gustuhin ko mang tumulong sa pagbabayad ng mga bayarin roon sa dati naming tinirahan, hindi naman ito pumayag. He did that at the age of 22.
Wala itong anak at asawa sapagkat aniya ay uunahin niya muna kami. Hinihintay niya muna kami makapagtapos ng pag-aaral.
Kaya ngayon nakapagtapos na kaming kambal, naisipan naming maging independent para matuto rin kami maging madiskarte sa kabila ng mga pangyayaring naganap sa lugar na ito.
This place is full of memories. This house has the nightmare I never wanted to dream of. This is the home that I never wanted to go back to.
Sa kabila ng lahat ng masasayang alaala sa lugar nito ay may itinatago itong isang madilim na pangyayari. My parents were murdered in this place but the justice was never prevailed.
My Uncle told us that we need to finish our studies and achieved our career before finding the prime suspect of the crime. Kaya ngayong nakapagtapos na kami sa pag-aaral, kami mismo ng kapatid ko ang hahanap ng hustisya para sa aming mga magulang.
We've been silent for years dahil na rin sa kagustuhan ng aming Tito.
I've finished my law school already and took the bar exam just a few months ago and next week will be the releasing of the bar exam passers. Pangalawang take ko na ng exam na ito dahil bumagsak ako sa ika-unang subok.
Masakit man pero kailangan tanggapin at subukan lang ng subukan.
Matapos ang kalahating oras ay natapos kong linisin ang paglalagyan ng kalan at ng iba pa naming gamit pang-kusina. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang aking Tito na dala-dala ang mga pinamalengkeng karne at gulay.
Sila ang naghiwa ng mga lulutuin ko dahil nagwalis pa ako ng sahig. Sinimulan ko na ang pagluluto nang malinisan ko na ng buo ang kusina. Nagpapasalamat naman ako't hindi malaki ng sobra ang kusina kaya't naging madali ito para sa akin na linisin ito.
Sumandal ako sa counter at tinignan ang niluluto kong hinihintay ko na lamang kumulo. Hindi nagtagal ay kumain na rin kami.
Kinagabihan ay naglatag ako ng foam sa aming sala na ikinagulat ng aking mga kasama sa bahay.
"Ciana, ayaw mo ba roon sa kwarto mo? Malinis naman na."
Ngumiti ako sa tanong ni Tito Erol at saka umiling. "Hindi na, Tito. Ayos na ako rito sa sala. Kayo na lang sa taas." sagot ko. Nagkatinginan ang kapatid ko at si Tito na parehas na nasa hagdan.
Bumalik ang tingin nila sa akin na tila nananantya. "You can sleep in my room, Ate. Tabi nalang kami ni Tito." ani Aeron sa akin. Tumutol si Tito roon.
"Hoy anong tabi tayo? Dito ka sa sala!" tutol ni Tito na tila nandidiri ang reaksyon.
"Tito naman...nandidiri ka ba sa aking gwapong mukha?" anito saka kumapit sa braso ni Tito.
Nagpumiglas ang aking Tito sa kapit ng kapatid ko. "Tanga, mas gwapo pa puwetan ko sa pagmumukha mo! Umakyat ka na nga roon at kumuha ng higaan mo!" aniya saka tinulak ito paakyat.
Ngumiti ako habang pinapanood ang dalawa. Alam ko namang pinapagaan lamang nilang dalawa ang loob ko dahil ako yung labis na naapektuhan sa nangyari noon. My room is beside my parents' bedroom. Sa tabi lamang ng kwarto ko pinaslang ang aking mga magulang, at ako mismo ang nakasaksi nuon.
Bumaba ang aking kapatid na may dalang higaan at nakasimangot ngunit nang makita niya akong nanonood sa mga kilos niya, ngumiti siya.
"Doon ka na sa kwarto ko, Ate. Malayo iyon sa kwarto mo." aniya.
Tumango ako saka tumayo.
Ilang araw ang lumipas at pabiyahe ako ngayon papunta sa lugar kung saan makikita ang mga nakapasa sa bar exam. Isinama sa akin ni Tito si Aeron dahil ayaw niya itong kasama sa bahay dahil panigurado, mag-aaway lamang sila buong araw.
"Ano ba iyan, ang init! Sabi sa iyo, Ate, mag-taxi na lang tayo e!" reklamo niya saka nagpunas ng pawis.
Tinignan ko ang paligid at napansing ang karamihan ay nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung dahil sa lakas ng boses ng aking kapatid o did kaya'y pinagnanasaan nila ang kapatid ko. Isa lamang doon sa dalawa at nasisiguro kong yung unang option yun.
"Sana ay hindi na lamang kita sinama. Huwag kang mareklamo, twin. IIwan talaga kita, kita mo man." banta ko sa kanya saka nagsimula nang maglakad muli.
Ilang metro lamang ang layo ng pinagbabaan namin ng bus sa aming pupuntahan tapos magtataxi pa?
Malayo pa lamang ay kita na ang dami ng tao sa aming pupuntahan. Katulad ko, mga nag-take rin ng exams ang halos lahat doon.
"Ate, anong oras ho lalabas ang resulta?" tanong ko sa guard nang makarating kami doon.
"Alas-nuwebe." maikli nitong sabi saka nagsulat muli sa logbook na hawak nito.
Tumango ako saka lumapit sa mga taong naghihintay. Quarter to nine na at ilang minuto na lamang ay lalabas na ang resulta.
"Ate..." hawak ni Aeron sa aking kamay para mapatigil ang aking panginginig.
"Oh?"
"Nanginginig ka, Ate..."
Tinignan ko ang aking mga kamay na nanginginig pa kanina sa kaba. Pumikit ako ng mariin saka huminga nang malalim. Ilang sandali ay lumabas na ang resulta.
Halos mapaluhod ako nang hindi man lang lumabas ang pangalan ko roon. There was no Aerin Pacificiana Saborboro on the list of passers. That means, I failed.
For the second time, I failed to achieve my dream and I failed to finally be able to find justice for my parents.