Chapter 1

1123 Words
Ciana's POV Tahimik ako buong biyahe pabalik sa probinsiya. Neither of us bothered to start a conversation. Tanging ang gawa lamang ni Aeron ay ang alalayan ako habang naglalakad. Hindi na ako nagreklamo pa dahil miminsan lang ito mangyari sa kanya.  "Ate, saan mo gustong kumain? Libre ko." tanong ni Aeron sa akin pagkababa ng bus. "Ikaw na bahala." pagod kong sabi. Tumango siya saka naunang maglakad sa akin. Sinundan ko siya ng tingin saka nagsimula na rin maglakad. Pumasok siya sa kalapit na mall ng bus terminal at saka humarap sa aking banda at hinintay ako makapasok. Animo para siyang isang mayamang tao dahil ang kanyang mga tinitignan na kainan ay mga mamahalin ngunit hindi na ako nagreklamo pa dahil aniya ay siya naman ang magbabayad. Nang makapag-desisyon siya ay pumasok siya sa isang buffet restaurant na isang libo ang kada tao. Hinayaan ko na siya at nanatiling tahimik. Umupo siya sa pang four-seater na mesa kaya umupo na rin ako. Ang waiter na kanina pa'y nakasunod sa amin ay nagsalita. " Pwede na po kayong magsimula." anito habang nakangiti sa amin, or should I say...kay Aeron? "Thanks." tugon ni Aeron saka muling tumingin sa akin. Ngumiti siya.  Nagsimula na kaming kumuha ng pagkain at tumagal kami roon ng halos isang oras. Aeron called for the waiter to pay.  "Here's the bill, Sir." anang babaeng sumalubong sa amin kaninang pagkapasok namin. "Iwan niyo nalang po diyan sa may lamesa yung paybook." patuloy nito saka tumalikod at nag-entertain pa ng ibang parating na customers.  Pumikit muna ako para ipahinga ang sarili habang hinihintay si Aeron magbayad. "A-ate..." parang kinakabahan na tawag ni Aeron sa pangalan ko.  Binuksan ko ang aking mga mata saka antok na tiningnan si Aeron. "Bakit?" Ilang siyang ngumiti. "Pwede bang ikaw muna ang magbayad? Hehe." aniya saka napakamot sa batok. "Naiwan ko kasi ang wallet ko." patuloy niya. Napasinghap ako. "Lakas-lakas ng loob manlibre, wala naman pala pambayad. Pwede namang sabihin na gustong kumain sa buffet talaga," "Hehe, promise babayaran ko!"  "Ugok, bahala ka diyan. Maghugas ka ng pinggan."  Tumayo ako mula sa kinauupuan saka naglakad paalis. Hinayaan ko siya roon at nauna ng umuwi. Dumaan muna ako sa isang convenience store at bumili ng alak na pwede ko maging kasama sa buong gabi. Nilagay ko sa cashier ang dalawang bote ng whiskey at kinuha ang wallet ko sa aking sling bag. Naglabas ako ng dalawang kulay asul na pera at saka akmang magbabayad ngunit halos mapatalon ako nang may humawak na kamay sa aking baywang mula sa aking likod.  Hinarap ko ito at akma ko na sanang susuntukin nang makita kong si Zyver ito. Ngumisi siya sa akin saka binigay sa cashier ang kanyang biniling coffee at ang tatlong kulay asul na salapi.  "I'll pay also for hers." aniya sa cashier habang nakangisi pa rin sa akin, hindi tinatanggal ang tingin pati na rin ang hawak niya sa aking baywang. Pipigilan ko sana ang cashier ngunit napunch niya na ang mga binili ko at naka-ready na.  Ilang beses kong binalik ang tingin sa baywang ko dahil sa panonood ng kahera. Tinanggal ko ang kanyang hawak sa akin saka tinulak nang bahagya dahil sa sobrang lapit niya sa aking mukha. "It's been a long time, Ciana." bati niya. "Yeah. Kumusta?" tanong ko saka kinuha ang plastic. Hindi niya pinansin ang aking tanong saka tinignan ang aking dala-dala. Nakangisi pa rin ngunit halata ang pagka-inis. "You're drinking? Without Spark?" his tone of voice was irritated. Tumango ako.  "Oo. Sige, mauna na ako." paalam ko saka hinawakan ang palad niya saka binigay ang bayad ko sa binayaran niya. Huminga ako nang maluwag nang makasakay ako ng tricycle papasok sa aming village. Sa lahat ba naman ng makakasalubong ko sa labas, bakit pa si Zyver? God. Zyver was my first love before Spark. They were best of friends. Si Zyver ang una kong nagustuhan. I was in my high school days when I first saw Zyver and just like a normal teenager, he became my crush. Hindi niya ako pinapansin because he wasn't approachable and he wasn't at the same grade as me.  Then things happened, Spark approached me and wanted to court me but I told him I love someone else but he said it's okay. I didn't let him but he was insisting until I truly fell in love with him and fell out for Zyver.  Kung kailan nawala yung nararamdaman ko kay Zyver ay doon siya umamin na gusto niya rin ako and so on and so forth. My schoolmates thought I was hitting two birds in one stone but they are wrong. Wala silang alam. Naging kami ni Spark for 8 years but recently broke up due to busy schedules. Walang samaan ng loob ang nangyari pero mayroong pambababae but I understand.  I didn't have the time for him kaya I thought it's normal for him to find a new girl because I don't deserve his patience when all I did was to make him wait and give no progress. I reviewed for almost years to be a lawyer pero never I have ever passed but for now, marami akong raket na maaari kong pagkakitaan and I earn bigtime. Binuksan ko ang aming gate at pumasok sa bukas na pintuan. Sa labas pa lamang ay rinig ko na ang boses ni Tito na mukhang nagsasarili na naman. "Lady, won't you save me? My heart belongs to you. Lady, can you forgive me? For all I've done to you. Lady, oh, lady!"  "Pfft. Sinong lady, Tito? May girlfriend ka na?" natigil siya nang magsalita ako habang nakasandal sa pintuan at pinapanood siyang kumanta. Gulat niya akong tinignan saka pinatay ang telebisyon. "Ang bilis niyo yata? Anong resulta? Pasado ba, Attorney? Nasaan kapatid mo, Attorney?" sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti ako nang mapait saka umiling nang marahan.  Lumapit si Tito sa akin para yakapin ako ngunit lumayo ako dahil mas lalo akong manlulumo kung ganoon ang gagawin niya. "Ilabas mo yung yelo at yung coke, Tito." I said and presented the liquor that I bought. Umupo ako sa sofa at nilapag ang alak sa center table saka sumandal. Pinikit ko ang aking mga mata at nang hindi ko namamalayan, tumutulo na pala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.  Nagpunas ako ng luha nang marinig ko ang mga yapak ni Tito na palapit saka ngumiti. Pinag-salin niya sa isang shot glass na agad ko rin nilagok. Napapikit ako nang maramdaman ko sa aking lalamunan ang pagdaan ng alak roon. Pinanood ako ni Tito na uminom at salin lamang siya ng salin dahil sa patuloy kong paglagok. Isinalin niya ang ika-anim na shot at akma ko itong lalagukin nang biglang tumunog ang aking telepono.  Anong kailangan sa akin ni Zyver?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD