Chapter 2

984 Words
Ciana's POV "Bakit mo ako pinapunta rito, Zyver?" Ngumisi si Zyver sa aking tanong. "As I have said on the phone, I wanna help you." aniya saka sumandal sa kanyang swivel chair at nanatili ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong gayuma ang napainom niya sa akin at napapunta niya ako sa kanyang opisina. I received a call from him and he told me that I should come in his office at ngayon, hindi ko alam ano ang ginagawa ko dito. Pinanood ko siyang paglaruan ang ballpen ng kanyang kamay. "I saw the results earlier." pagbubukas niya ng usapan. Suminghap ako saka akmang tatayo paalis ngunit nagsalita siyang muli. "That's why I am here to help you while you are achieving your dreams." aniya pa. "Anong tulong naman?" tanong ko. Ipinukol niya ang kanyang tingin sa akin. Madilim at seryoso. "I'm willing to help you to find the suspect of your parents' case." tugon niya. Natahimik ako. "I can do it myself, Zyver. No ne-" "Hindi naman libre, you can pay me. But not with money." ngumisi siya saka nagtaas ng kilay. Nag-iwas ako ng tingin saka napasandal sa kanyang sofa. Tumingala ako sa kanyang kisame na parang kaunting lindol lamang ay magigiba na. "Ano namang kapalit?" tanong ko sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay. Amusement is visible on his face. "What do you think?" aniya saka inilapat ang tingin sa aking kabuuan. Tinakpan ko ang katawan ko gamit ang unan. "Aalis na ako kung hindi ka maayos kausap." tumayo ako kahit ramdam ko ang hilo. "Masyadong madumi ang utak mo, Pacificiana. What I mean is, you'll be working for me kaya you need to buy your uniform." he chuckled. Umupo akong muli saka tinignan siya. "I don't have the money to buy a uniform." I said. "But you have the money to buy two expensive liquors? Tch. I'll be the one to buy you. Huwag kang mag-alala." Napaikot ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Napaka-arogante! Kainis! Huminga ako nang malalim. "Hindi ba pwedeng wala nalang uniporme? This is a private firm, though." I said. "Na-uh." ngumisi siya. "Bawal? Dahil ba hindi mamahalin ang suot ko di katulad ng sa'yo?" Nagtaas siya ng kanyang mga kamay bilang pagsuko sa pakikipag-talo. "I didn't say anything," sumusukong aniya. "Fine, wear whatever you want but I'll inform you if I have a trial happening and you'll be wearing some formal attires." aniya at parang suko na talaga. Ngumiti ako. "Alright. See you tomorrow then." I said and stood up and tried to walk but I came here a little bit tipsy so I can't walk properly. "Damn, girl. Nakailang baso ka?" matigas na sabi niya tsaka tumayo at naglakad papalapit sa akin para alalayan ako. Hinarap ko siya at saka ngumiti. "10 shots?" "10 frigging shots? Dapat pala ay hindi na kita pinapunta dito," aniya saka binuksan ang kanyang drawer at parang may kinuha. Hinarap niya ako nang makuha niya ang isang bagay saka lumapit sa akin. "I'll drive you home." he stated with his final tone. "No need, I'll ride a tricy-" "At this hour?" his tone was visible with irritation. "Yeah. Why?" tanong ko saka ngumiti. Tinititigan niya ako habang naka-alalay sa aking baywang. Umiwas siya ng tingin saka bumulong-bulong. Huminga muna siya nang malalim saka hinarap akong muli. "Let's go. Bago pa ako makagawa ng kasalanan dito." aniya saka seryoso akong hinila papasok sa kanyang sports car na mukhang mamahalin. Sinindi niya ang makina saka agad humarurot. Habang nagda-drive siya ay nakatingin lamang ako sa tanawin sa labas at nanatiling tahimik. "Kailan pa kayo bumalik sa bayan natin?" tanong niya. Hilong-hilo man dahil sa nainom na alak, pinilit ko pa ring sumagot. "Just a week ago." maikli kong sagot. "Sa dati niyo pa rin bang bahay? Or lumipat kayo?" Oo nga pala, alam niya ang bahay namin dahil siya ang kasama ni Spark sa tuwing bibisita sila roon at makikipag-laro sa aking kapatid. Tumango ako. "Alam ba ni Spark na uminom ka?" aniya habang nakatingin sa daan. Umiling ako. "Kailangan niya pa bang malaman?" pabalang na sagot ko saka ipinahinga ang mga mata. "Of course. He's your boyfriend." aniya. Huli na siya sa balita. "Hindi niya pa ba sinabi sa'yo? We broke up." tinatamad na sabi ko. Napatingin siya sa akin ngunit binalik niya rin agad ang tingin sa daan. "So I do have the chance now, huh?" I looked at him and saw him smirking. "Ha! Asa ka!" parang nabuhay ang aking kaluluwa sa pagka-inis sa kanyang sinabi. "Why? Hindi ba't ako ang mahal mo talaga? I can court you, just not too long, masyado akong gwapo para paghintayin." tumingin siya sa akin at ngayon, humalakhak siya. "Mahal. Noon. Hindi ngayon." naiiritang sabi ko. "Don't deny it." he grinned. "You know you'll be imprisoned for being guilty. Look at your reaction." pang-aasar niya. Inikot ko ang aking mga mata. "Shut up." "Uh-huh?" bakas pa rin ang pang-aasar sa kanyang tono. "Don't you like it? The most handsome man in the entire universe likes you too?" Natawa ako sa kanyang kahanginan. "Ayan, you laughed. You should often do that. Ang panget mo kapag nakasimangot palagi." grinning like an idiot, he pinched my nose quickly. Kung hindi lang siya nagdadrive ay baka nasuntok ko na siya. He's so annoying! Bakit nga ba pumayag ako roon sa kanyang offer na trabaho kung kaya ko naman gawin nang mag-isa yung para sa mga magulang ko? Oh, God! Please bring back the time! Tumigil siya at saka ko lang na-realize na nasa harap na pala kami ng bahay namin. "We're here." anunsyo ni Zyver. Inirapan ko siya. "Salamat...Attorney." labag sa loob na pasasalamat ko saka tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pintuan. Binuksan niya ang bintana ng kanyang mamahaling sasakyan. "Bukas, Secretary, ahh." aniya. Tumango nalang ako saka inalog ang ulo ko para matanggal ang hilo ko. Nakita kong sinarado niya ang bintana kaya akala ko aalis na siya ngunit binaba niya ulit ito. Ngumisi siya sa akin. "Wear...something sexy, Secretary." huling asar niya saka tuluyang pinaharurot ang kanyang kotse. Bwisit! Bwisit ang lalaking iyon! Bakit ko ba siya nagustuhan noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD