Ciana's POV
"Hurry up, Secretary!"
Umikot ang aking mga mata sa inis. I thought working on a private firm would mean less stress since clients are lesser but I am wrong.
Depende pala yun sa kung sino ang boss.
And If I will be the one to choose, I'll resign from this firm and just focus on reviewing but I can't. Kung hindi lang ako tinutulungan ni Zyver...naku.
Huminga ako nang malalim saka sumunod sa labas kung nasaan si Zyver at naghihintay sa akin.
Bumusangot siya. "What took you so long?"
Pilit akong ngumiti. "Sorry, po. Just finishing some datasheet of your clients." paumanhin ko ngunit ang aking tono ay nababahiran ng sarkasmo.
"Aryt. Get in." tumaas ang kanyang kanang kilay. Ang akala ko'y pagbubuksan niya ako ng pintuan ngunit hindi niya ginawa.
Palihim akong napailing. Ano nga bang ineexpect mo sa isang katulad niya? Psh. Sabagay, sa loob ng dalawang linggo kong pagtatrabaho sa kanyang opisina, ni minsan ay hindi siya naging gentleman sa akin.
Binuksan ko nang marahas ang pintuan ng shotgun seat saka padabog ng isinara. Narinig ko ang kanyang pagsinghap sa aking ginawa ngunit hindi na siya umangal pa.
"Saan po ba tayo pupunta?"
Sandali siyang hindi umimik sa aking tanong sa kalagitnaan ng aming biyahe papunta sa kung saan. "Gonna eat?" tumaas ang kanyang gilid ng labi.
Tinignan ko ang orasan ko at nakitang oras na nga ng tanghalian. Hindi ko napansin.
"Where do you want to eat?" tingin niya.
"Kahit saan."
"I'll kiss you if I didn't find any kahit saan restaurant here." biro niya na may halong pagbabanta. Napatingin ako sa kanya't hinampas ang kanyang braso.
Tumawa siya saka umilag. "Maaaksidente tayo, crazy. Stop hitting me." tumatawang sabi niya. Itinigil ko naman saka sumama ang tingin sa kanya.
I crossed my arms and focused my eyes on the road. "່Fine! I wanna have samgyeopsal. Okay ka na?" naiinis na sagot ko saka tumingin nang masama sa aming dinadaanan.
He burst a dark laughter. "Alright. The secretary wants some Korean pork belly." asar niya pa.
Napangiwi na lang ako. "Your wish is my command." lumapit ang kanyang mukha sa akin at kumindat. Oh, God.
Hindi ko kinakaya ang lalaking ito!
Tumigil kami sa isang kilalang korean restaurant at sa labas pa lang, amoy na amoy agad ang usok na nagmumula sa loob.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ni Zyver na tinatanggal ang kanyang Americana at nauna nang pumasok.
Animo parang nasa isang kaming distrito ng Korea kung makikita ang loob. Ang mga lamesa ay gawa sa kahoy at ganun rin sa mga upuan.
Maingay at mausok ang lugar ngunit hindi na ako magtataka dahil ganoon talaga ang mga ganitong klase ng lugar.
Naghanap ako nang mauupuan saka hinintay ang kasama ko na ang kupad maglakad.
Tila ba isa siyang kilalang tao kung pagtinginan siya ng mga tao. Karamihan, babae.
Tinawag siya ng isang naka-unipormeng dalaga ngunit masungit niya lamang itong nilagpasan.
Hinanap niya ako at nang mahagilap niya na ako ay lumaki bigla ang kanyang ngiti. Kita pa sa gilid ng aking paningin ang pagsimangot ng babae kanina.
"Ang bagal mong maglakad, Attorney." singhal ko.
Hindi siya sumagot bagkus ay umupo siya sa aking harapan at tumawag ng waiter. "1 unli-set and 1 ala carte, Miss." aniya sa waiter nang makalapit ito sa amin.
Kapansin-pansin na ang tingin ng babae ay sa kabuuan ni Zyver. "Miss! You wanna lose your job?" he impatiently yelled.
Parang naibalik ang ulirat ng babae nang marinig ang sigaw ng aking kasama. Natahimik din ang kanina pang maingay na kainan at napatingin sa amin ang mga tao.
"S-sorry, Sir. May I have your order again, please?" paumanhin ng babae.
Magsasalita sana si Zyver na mukhang iritado kaya sumabat na ako. Hindi ako papayag na ako lang ang mag-unli set.
"2 unli-sets, Miss. Thank you." I said.
Hindi umangal si Zyver sa aking sinabi ngunit bumubulong siya ng 'masisira ang diyeta ko nito'. Hindi ko nalang pinansin.
Aaminin ko ay mahilig ako sa mga unlimited food dahil I am a big eater. Hindi ko lang alam dito sa kasama ko.
Ilang minuto lang ang lumipas at inihain na nila ang iba't ibang uri ng baboy at baka. Yung iba ay marinated with some korean paste pero may plain din.
Nagsalita ng ibang lenggwahe ang naghain sa amin ng aming lulutuin. Hindi ko iyon naintindihan kaya hinayaan ko na lamang.
Kinuha ko ang tongs saka sinimulang lutuin ang aming pagkain. Kapansin-pansin ang pagkatulala ng aking kasama roon sa aking niluluto ngunit halos mapatalon ito nang bigla akong mapasigaw.
"Aray! s**t!" singhal ko nang matalsikan ako ng mantika.
Tumayo si Zyver at saka lumapit sa akin. "What's wrong?" tanong nito sa akin. Tinignan ko siya at natawa. "Wala. Natalsikan lang ng mantika. Balik ka na sa pwesto mo." I said and slightly pushed him.
Wala siyang nagawa kung hindi bumalik nga ngunit hindi natanggal sa kanyang tingin ang aking tinatagong kanang kamay. Mahapdi pa rin!
"Labas lang ako saglit." paalam ni Zyver saka naglakad palabas.
Anong nangyari doon? Hala, baka hindi siya sanay sa mga ganitong lugar? Baka napilitan?
Hindi nagtagal ay naluto ang aming pagkain at ginupit gupit ko na ito at nilagay sa isang plato.
Ilang sandali pa lamang, habang sumusubo ako, ay dumatal ang isang hinihingal na Zyver na mayroong dalang maliit na paper bag.
Nginuya ko ang aking kinakain at saka nagsalita. "Ano yan?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay inilapit niya ang kanyang upuan sa akin at kinuha ang kamay na mayroong talsik ng mantika.
"Huy, ayos lang ako." I said.
He didn't stop so I let him be. Ipinahid niya ang ointment doon sa talsik saka niya ito hinipan. Natigil ako nang ilang segundo bago pa ako mabalik muli sa aking ulirat.
"Ayan, ayos na." he grinned and took his chair back in front of me.
Pagkatapos naming kumain ay ipinaharurot niya ang sasakyan papunta sa bayan na may kalayuan nang kaunti sa opisina.
"Hindi po ba tayo babalik sa opisina, Attorney? Baka may mga kliyenteng dumating." tinig ko at saka sinundan siya papasok sa isang bilihan ng mga gamit.
Nilakihan ko ang aking mga hakbang para makasabay siya sa paglalakad. "I do have a client this afternoon but it's at 3pm so we still have the time." aniya saka lumiko sa ballpen section.
"I just need to buy a pen then we'll go back." patuloy niya.
Tumango na lamang ako saka nagmasid na lang rin sa aking paligid. Hindi nagtagal ay nakapili na rin siya ng ballpen niya.
Dumaretso na kami sa cashier tsaka nagbayad. Halos manlaki ang aking mata nang makita ang kanyang bill. Apat na libo para sa apat na ballpen? What the heck?
"Anong gagawin mo sa ganyang ballpen, attorney? Sa pagkakaalam ko ay mayroon kang mga ballpen sa lamesa mo." nagugulat na tanong ko.
Tumawa siya nang mahina. "Yeah. I do have but those are worth thousand of dollars. Kaya dito muna ako sa mura." aniya saka naglabas ng pera mula sa wallet.
Napasinghap na lamang ako saka hindi na nangealam. Thousand of dollar for pens? Oh God, that's worth my life.
Katatapos lang mag-usap ng kliyente ni Zyver at saka niya. Pansin ko mula sa aking gilid ng paningin ang pagsandal at pagpikit ni Zyver ng kanyang mga mata.
It didn't even last for a minute when he rested. He opened his eyes and caught my gaze. I looked away uncomfortably.
He breathed heavily. "Hmm, by the way, I have already started my investigation." he stated.
Mukhang nakuha niya ang aking atensyon dahil agaran ang aking paglingon sa kanya. "What is it? Did you find any leads? Evidences?" sunod-sunod na mga tanong ko.
"Not yet. But I do know one person who knows something, base on my investigation." aniya saka ngumisi.
"Who?" I curiously asked.
"Police Officer Vargas."