Chapter 4

1438 Words
Ciana's POV Nag-inat ako ng katawan bago patayin ang aking monitor. Hindi ko inaakalang madami pala talaga ang kliyente ng lalaking nasa harapan ko. Well, after all, he's the famous monster in terms of this field. I remember I watched him once in a trial and all I can say that he is good. Talagang nababagay siya sa korte. I looked at the table in front of me. He is playing something on his phone while paperworks are on the table, waiting for him. How can he be so relaxed when there's mountains of papers on his table? Hindi ko siya ginulo. Marami siyang kliyenteng dumating para sa araw na 'to kaya iyan na lamang siguro ang kanyang pahinga. Tiningnan ko ang orasan. "Pwede na bang umuwi?" tanong ko. He looked at me with his smiling face. Pinatay niya ang kanyang telepono saka isinilid ito sa loob ng kanyang bulsa at tumayo. "Yeah. Let's go?" aniya. Saglit akong natulala sa kanya ngunit kalauna'y kumilos saka kinuha ang backpack ko na nasa likod ko lang at tumayo. I looked at him. He was standing on the door, with crossed arms, waiting for me. Mukhang wala sa mood siyang asarin ako ngayon ah? Kanina'y ubod siya nang sama. He walked confidently to the basement parking wherein his car is parked there. Kumbaga para siyang artista kung maglakad pero ang totoo, hindi. Natawa na lamang ako sa aking sarili. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay na sa harap. Sinindi niya ang makina saka tumingin sa akin. "Still the same house?" tanong niya sa akin. I looked at him. "Alam mo ba ang bahay namin?" I asked. As far as I know, wala akong nabanggit kung saan ang bahay namin noon unless sinabi ni Spark sa kaniya. "Of course, baka iba lang ang tinuluyan mo noong minsan. You know, you're drunk." ngisi niya. Hindi ko na siya pinansin saka tumingin na lamang sa labas. "Spark, that man." I mumbled lowly. But then I realized something. Oh right! Siya ang naghatid sa akin nung minsan and yeah, I was drunk. How stupid! Napakamakakalimutin ko talaga minsan. "Easy. Wala siyang sinabi sa akin. Sadyang nasa parehas lang tayo ng subdivision." Tinarayan ko siya. "Are you a stalker?" I asked, pinaglalaban ko pa talaga! Sige lang! Hindi makapaniwala siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. "Ako?" tinuro niya ang sarili niya saka humalakhak. "Over my dead sexy body, I will never be your stalker. I will never be. Hinatid kita nung minsan sa inyo, okay? And-" patuloy niya. "Psh. Defensive. Tara na nga." I said and looked away. "I see you sometimes walking alone in highschool and-" pagpapatuloy niya. Natawa ako. "Stop explaining." I said. "You're not believing me. You pertain me as a stalker but I am really not. Hinatid nga kasi kita nung minsan!" pagtatanggol niya sa kanyang sarili. I rolled my eyes in annoyance. Naiinip na ako. "Alright. I believe you. Let's go." I said. Saglit na umawang ang kanyang bibig ngunit wala na akong narinig pang salita mula sa kanyang bibig bagkus ay ibinaba niya na ang break at umabante na paalis. Hindi naging matahimik ang aming biyahe. Minu-minuto yata ay may tinatanong ko siya na pagod ko ring sinasagot. "Sinong nasa bahay ninyo?" tanong nito sa isang baritonong boses habang nakatingin sa daan. "Wala siguro. Palibot ang mga kasama ko sa bahay." tugon ko. Iyon na ang huling tanong niya bago kami tuluyang makarating sa aking bahay. Napansin kong pinagmamasdan ni Zyver ang pisikal na itsura ng aking bahay gamit ang kanyang mga matalim na mga mata kaya nagsalita ako. "Huwag mong tignan nang ganyan ang tahanan namin. It may be not big like yours, marami pa ring mga alaalang nariyan." I said and unbuckled the seatbelt. Naramdaman ko ang kanyang pagtingin sa akin. "Uuwi na ako. Labas." masungit na aniya. Hindi na ako nagtaka. Malamang ay nandiri na yan dahil sa pisikal na itsura ng aking tahanan. Maybe he thinks people with small homes are disgusting? Okay, whatever. Huwag mo nang isipin. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya at saka binuksan na ang pintuan ng sasakyan at nakatalikod na nagpaalam. "Salamat." maikli kong sabi saka naglakad na papasok ng bahay. Napatingin ako sa aming bintana ng bahay at napansing mayroon pala akong mga manonood mula sa loob. Akala ko ay walang tao. Psh. Paniguradong aasarin na naman ako ng dalawang ito. Bubuksan ko na sana ang pintuan papasok ngunit may nagbukas na nun para sa akin at bumungad sa aking mukhang ang nakakaalibadbad na mukha ng aking kapatid. "Di kami nanood." aniya. Tumango ako saka tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kusina. Narinig ko ang mga yapak ng paa ng aking tiyo. "Nagkabalikan kayo ng lalaking iyon?" tanong ni Tito at sinusundan ako. "Ang bata mo pa ngunit hindi mo maalala ang mukha ng karelasyon ko noon?" I said. "Tito!" rinig kong bulong ni Aeron sa kanya ngunit hindi ito talaga matatawag na bulong dahil sa sobrang lakas. "Hindi yun si Spark! Ang first love niya iyon!" malakas na sermon ni Aeron sa aming Tito. "Ay hindi ba yun? Sorry naman daw." pabalang naman na sagot ni Tito. Napailing na lang ako saka nagsalin ng tubig sa baso na kinuha ko sa lalagyan. Rinig ko ang kanilang mahihinang bulungan sa aking likuran ngunit hindi ko sila pinansin. Napailing na lamang ako nang bahagya sa kanilang kalokohan saka iniwan sila roon. Naglakad ako paakyat at napatitig sa pintuang puti na katabi ng kwarto ko. Umiwas ako ng tingin saka pinilit ang sarili na magpatuloy maglakad papasok sa kwarto ko. I tight-eyed and let out a deep breath. Bakit kailangan pang madapuan ng mata ko iyon? Maaga akong nakatulog nang gabing iyon. Ni hindi ko na rin naipagluto ang dalawa kong kasama sa bahay ngunit hindi ko na inisip pa iyon. Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang matapat sa aking tingin ang orasan. Napasobra ang tulog ko. Isang minuto na lang at late na ako! Hindi na ako nag-abala pang maligo ng buhok at parang wisik lamang ang ginawa ko sa loob ng banyo dahil sa sobrang bilis kong maghilamos. I tied my hair into a high ponytail and ran to my shoe rack and wore the shoes that I saw quickly. Nagmamadali akong bumaba at bumungad sa akin ang aking mga kasama sa bahay na nanonood ng balita sa telebisyon. Tumapon ang kanilang tingin sa akin at halos maibuga ni Tito ang kanyang hinihigop na kape sa kanyang katabi nang makita niya ako. "Bakit? Mukha ba akong sabog?" tanong ko sa kanila. Tahimik si Aeron na umiling. "W-wala. Ngayon ka lang kasi namin muling nakitang naka-tali nang ganyan." sagot naman ni Tito. Tumango na lamang ako saka tumakbo na paalis. Narinig ko pang may sasabihin sana si Aeron ngunit hindi ko na ito pinansin at tumakbo na paalis. Agad akong nakapag-para ng tricycle kaya hindi nagtagal ay nakarating ako sa Law Firm. Tiningnan ko ang orasan. Late ako ng sampung minuto! Hingal akong pumasok sa loob. There, I saw Zyver talking with a client. Parehas silang napalingon sa akin. Nanatili ang seryosong tingin ni Zyver sa akin at naglakad papunta sa akin. He took out the handkerchief from his pocket and offered it to me. "Clean your face, inside." aniya saka tumingin sa kliyenteng lalaki na nakatitig sa aking mukha. Sumunod ako sa utos ni Zyver. Humarap ako sa salamin at halos tumubo ang sungay sa aking ulo nang makita ang kalat kalat na tinta ng permanent marker. There is a written sentence on my forehead and it is pertaining from what I feel to Zyver a few years ago. What the hell? Halos mapasabunot ako sa aking buhok nang mapagtanto na may pakana nito ay ang mga kasama ko sa bahay! Kaya pala ganoon makatingin ang mga nakakasalamuha ko magmula kaninang pag-alis ko! Ni wala man lang naglakas-loob magsabi. Oh, God. I swear I will kill my brother. Pulang-pula ang aking mukha sa diin pagkakagadgad ng bimpo. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng opisina, hudyat na umalis na nga ang kliyente. Narinig ko ang palapit na yapak ni Zyver. Bumungad sa akin ang kanyang nakangusong bibig, nagpipigil ng ngiti. He stared at me. "What?" angal ko. He shook his head and turned his back to me. Akala ko ay maglalakad na siya paalis ngunit hindi. "Hindi mo naman sinabi na ako pa pala ang gusto mo, Pacificiana." aniya. "Psh. Whatever, Attorney. Napagtripan lang ako ng kapatid ko." masungit na sabi ko. Hindi niya na napigilang humalakhak. "Alright. Make it faster. We will be going somewhere." aniya saka naglakad palabas. Tumango na lamang ako kahit hindi niya ito nakita at pinunasan ang aking basang mukha. Tatlo lang naman ang kanyang kliyenteng naka-schedule ngayon kaya siguro'y ayos lamang na umalis kami. Mamayang hapon pa naman ang dalawa. Lumabas na ako sa comfort room at saka sumunod na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD