Ciana's POV "Mabuti naman at nakauwi ka ng buhay?" Humalakhak ako sa sinabi ni Aeron nang makauwi ako. Mayabang ko siyang tinignan saka iniharap ang mga nakuha kong papeles mula kay Vargas. "Syempre." itinaas baba ko ang aking kilay. Aaminin ko ay delikado ang ginawa ko. Mabuti na lamang ay hindi na nagtagal pa si Vargas roon sa aming tagpuan at kaagad siyang umalis. "Akala siguro ng Vargas na iyon ay maloloko niya ako." tatawa-tawa kong sabi sa kawalan. Confidential his ass. Criminal records are accessible. Yung binigay kong sobre na naglalaman ng trenta mil ay may play money lang. Hindi naman ako magbibigay ng ganon kalaking halaga. Tsk. Tsk. Basta talaga pera ay mabilis ka. Yun nga lang, tanga ka, Vargas. I simply sat on our sofa. Umupo sa tabi ko si Aeron. He watched me as I ope

