Apology

2189 Words
Nasa balcony ng kanyang tinutuluyang condo unit si Xavier ng mga sandaling iyon at nakatanaw lang siya sa kawalan. Sinulyapan niya ang hawak na basong may laman na whisky at uminom, kasabay niyon ay ang kanyang paghinga ng malalim. Hinding hindi niya makakalimutan ang kanyang nasaksihan na usapan ng kanyang ama at ang isang lalaking kausap nito noon sa garden.  "Boss, mission accomplished."  "Good. Malinis ba ang pagkaka-trabaho mo?"  "Yes naman boss gaya ng sinabi niyo. Walang kalat."  At nakita niyang ngumiti ang kanyang dad ng misteryoso. Kinutuban si Xavier sa kanyang narinig na usapan sa pagitan ng kanyang daddy at ng isang misteryosong lalaki. At bago matapos ang araw na iyon ay nalaman niyang wala na ang panganay na kapatid ni Luke na si Leila. Binaril raw ito habang papalabas ng bahay. Mabilis ang mga pangyayari at hindi na nahuli ang hitman. Kung kaya sigurado siyang ang kanyang daddy ang nagpapatay sa kapatid ni Luke. Lalo na tumatak sa kanyang isipan ang sinabi nito noon sa kanya ng mahuli siyang tatakas na sana.  "Kapag hindi mo sinunod ang utos ko, alam mo na ang kasunod. Uubusin ko ang pamilya nila."  Nung araw ng libing ng kapatid ni Luke ay nandoon siya sa tabi ng isang puno. Nakatanaw lang siya sa mga ito at nakikiramay sa taong mahal niya. Habang panay ang iyak ni Luke kasama ang mga magulang ay kasabay rin ng kanyang mga mabibigat na luha.  "Patawarin mo ako Luke. Abot langit ang kasalanan ko sa'yo at ni dad. At kung dumating man ang araw na magkita tayong muli, hihingi ako ng tawad sa'yo at kahit na hindi mo ako mapatawad, hinding hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa'yo habang buhay."  Saka nanumbalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan matapos niyang maalala ang lahat. At saka niya tinungga ang lahat ng laman ng baso kasabay ng kanyang paghikbi. At saka siya naglakad papasok sa kanyang kwarto. Pagkapasok niya ng kwarto ay nakita niyang nagri-ring ang kanyang celphone kung kaya kinuha niya agad iyon upang sagutin ang tumatawag.  Si Carl. Ang fiance ni Karen na kanyang kaklase nung panahon sa college. Naging kasabayan niya nung baguhan pa lamang siya sa basketball team itong si Carl at di kalaunan ay hindi na tinuloy ang career dahil mas pinili nitong tulungan ang mga magulang sa pagnenegosyo.  "Oh pre napatawag ka?"  "Gusto ko lang sana ipa-remind sa'yo pre ah, na bukas na ng gabi ang stag party ko. At inaasahan kita na pupunta bukas para mas masaya."  Napakamot sa batok si Xavier sa sinabi ng kausap sa celphone.  "Oo naman syempre darating ako. Ni-reserved ko ang bukas ng gabi sa party mo after ng laro ng team namin. Kaya wag ka mag alala." Paninigurong sagot ni Xavier sa kausap.  "Good. See you bukas ng gabi pre. At marami raw magaganap bukas sabi ng nag-organised ng party."  "Haha! Sige sige, call ako diyan pre. See you bukas. Bye."  "Hon behave ka mamaya doon ah?" Sabay yakap ni Cindy sa nobyong si Xavier.  "Oo naman syempre." Nakangiting sagot ni Xavier sa nobya habang papunta na sila sa car park. Nanuod ito ng laban nila kani-kanina lang. At matapos niya magbihis sa locker room ay kaagad na siyang tumungo sa kung saan ito naghihintay. Maga-apat na taon na rin ang kanilang relasyon at so far going strong sila. Mabait ang kanyang nobya at very supportive sa kanyang career. At suportado naman niya ang career nito bilang isang Interior Designer. Ihahatid niya na muna ito saglit sa bahay ng kaibigan nito at saka siya tutungo sa venue ng stag party.  ****** Sa isang mamahaling hotel huminto ang sasakyan ni Luke. Hindi na siya sumabay pa kay Carl na fiance ni Karen sapagkat madali lang naman puntahan ang venue. Matapos niyang ibigay sa Valet ang car key ay nagpasya na siyang tumungo sa ika-30th floor. Sa isang villa room type gaganapin ang stag party ayon na rin sa mga detalyeng binigay sa kanya kanina ni Carl. Tinignan niya ang kanyang repleksyon sa loob ng elevator. Napangiti siya sa kanyang nakita. Maayos ang kanyang napiling dirty white na long sleeve polo na tinernuhan nya ng isang black fitted jeans at high cut ankle leather boots. At iilang sandali pa ay narating na niya ang 30th floor at lumabas na siya ng elevator. Agad niyang hinanap ang room number at agad siyang nag-doorbell. Matapos ang ilang segundo ay bumukas na iyon at bumungad sa kanya ang isang maingay na music sa loob ng room.  "Hey, pare what's up! Thank you for coming, halika pasok ka." Masayang bati sa kanya ng ikakasal na si Carl sa kanyang kaibigang si Karen.  At agad siyang pinakilala nito sa mga nandoon sa loob. Halos lahat ay galing sa mga may sinabing pamilya base na rin sa kanyang mga nakita sa mga ito. At dahil ngayon lang niya nakilala ang mga nandoon bukod kay Carl ay medyo tahimik lang siya sa mga usapan habang umiinom at sumasagot na lang siya kapag involve siya sa usapan.  "Mali-late raw ng konti si pareng Xavier. Sakto pagdating niya eh maya maya andito na rin ang mga chicks." Natutuwang pahayag ni Carl.  Nagulat at nagtaka si Luke sa kanyang narinig. Pero hindi sya nagpahalata. Hindi niya alam na darating rin pala doon si Xavier. At saka niya naisip ang sinabi sa kanya ni Karen nung nagkuwentuhan sila. Dati palang kasali si Carl sa team nina Xavier. Hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon, at napaka bastos naman njya kung bigla siyang aalis sa event na iyon. At lalo na nabanggit ni Karen nung kasama si Carl na naging magkaibigan sila ni Xavier nung nag aaral pa sila sa kolehiyo.  "Pakikitaan ko na lang siya ng kaplastikan." Naisip ni Luke sa kanyang sarili. At maya maya lang ay may nag doorbell. At mabilis na tumayo ang tatlong lalaki kabilang na doon si Carl upang tumungo sa pintuan.  "Naks! Ang pambato ng Tiger team! Andito na! Kompleto na tayo!" Hiyaw ni Carl. At saka nag ingay ang mga nasa loob maliban kay Luke.  Agad na nagtama ang paningin nina Xavier at Luke.  Hindi nagpahalata si Xavier sa kanyang pagkagulat habang akbay siya ng mga tropa nila ni Carl.  Para hindi mahalata ng mga nandoon ay tumayo rin si Luke at lumapit sa grupo at binati niya si Xavier.  "Congratulations pala dude sa pagkakapanalo nyo kanina." Dude, iyon ang tawagan nila noon ni Xavier ng hindi pa sila nagkakaroon ng lihim na relasyon. Kasabay niyon ay ang pagtapik niya sa balikat nito at kaagad naman niyang inalis ang kanang kamay na ginamit niya sa pagtapik.  "Salamat dude." Nakangiting sagot ni Xavier kay Luke.  "Oh, boys tara na sa sala at mag inuman!" Yaya ng nakasuot ng salamin na si Jay.  Nagulat man, ay nakaramdam ng pagkatuwa si Xavier sa ipinakita ni Luke kahit na ramdam niyang hindi ito sincere sa pagbati nito sa kanya.  Agad na kinuha ni Xavier ang iniabot sa kanya na inumin ni Carl.  "Para kay Carl, sa kanyang huling linggo bilang buhay binata." Panunukso ni Kenzo na siyang pinaka kwela sa grupo.  "Cheers!" Sabay sabay nilang lahat. At napuno ang silid ng ingay at tawanan habang nag iinuman. Pero si Luke ay nakikisabay sa sitwasyon at hangga't maaari ay umiiwas siyang makapag usap sila ng matagalan ni Xavier.  "Boys ayan na sila!" Hiyaw ni Kenzo na siyang nag organised ng stag party ni Carl. Habang palapit ito sa pintuan ng tumunog ito.  At sumunod na pangyayari ay biglang pumasok ang isang magandang babae na tila modelo at tinulak nito si Kenzo at kasunod naman nito ay ang isang malaking regalo na kakasya sa tatlong katao. At biglang nag dim ang paligid ng buong villa. At naghiyawan ulit ang mga kaibigan ni Carl kasabay na doon si Xavier.  At nag play ang isang sikat na awitin ni Bruno Mars na "Versace on the floor."  Habang sumasayaw ang babae ay nakatuon ang pansin nito kay Carl na tila inaakit ito at isa isa nitong inaalis ang mga suot hanggang sa red nighties na lang ang natira. Lalong napuno ng hiyawan ang silid. At maya maya pa ay biglang bumukas ang malaking kahon at sa loob niyon ay dalawang nagagandahang mga babae na kapwa naka suot ng red nighties na kagaya ng naunang babae. Sumayaw ang tatlo na ayon sa ritmo ng musika at sinabayan ng sensual na sayaw. Palakpkan ang mga nanunuod at hiyaw ng hiyaw si Kenzo at si Carl. Maya maya lang ay lumapit ang tatlo kay Carl at sinayawan. Tuwang tuwa si Carl sa nagaganap at ang dalawang babae ay nagtulungan na maaalis ang mga butones sa suot nitong polo shirt at ang mga kaibigan nito ay tawa ng tawa habang pumapalakpak at maya maya naman ay tumungo kay Xavier ang isang babae at ito naman ang sinayawan. Mas lalong lumakas ang hiyawan dahil ang sikat na basketbolista naman ang sinayawan at talagang binuksan pa ang iilang piraso ng butones ng suot nitong polo shirt na itim.  Nakamasid lamang si Luke sa nagaganap at nakikitawa na rin sa mga nandoon. At nakita niyang tinapunan siya ni Xavier ng tingin at tinignan niya lang ito na parang wala lang. At saka siya sumabay sa palakpakan ng mga nandoon.  Natapos ang palabas ng tatlong nag perform na babae na napaka professional. Bago ang mga ito umalis ay humingi ang tatlo ng autograph mula kay Xavier na pinaunlakan naman nito.  Isasara na sana ni Luke ang fridge matapos kumuha ng yelo ay nagulat siya sa taong nasa kanyang likuran.  Si Xavier iyon. Pero agad si Luke nakabawi sa pagkabigla at paalis na sana siya ng magsalita si Xavier.  "Kumusta ka na? Hindi ko akalain na makikita kita rito. Pero malaki ang pasasalamat ko dahil nagkita tayo ulit."  Tinignan lang ni Luke sa Xavier sa mata.  "Maayos naman ako huwag mo ako alalahanin." At saka ni Luke pinakawalan ang isang ngiting nagpapakita na maayos siya. "Sige, mauuna na ako."  "Luke, wait."  At nilingon ni Luke si Xavier. "Yes?" "I- I am sorry pala sa mga nangyari noon. At saka sa- sa pagkawala ng ate mo."  Tinitigan ni Luke si Xavier sa mga mata nito. Tumagal iyon ng aabot sa limang segundo bago siya sumagot.  "It's okay Xavier. Nakaraan na iyon. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pinatay ang ate ko." At saka siya tumalikod at iniwan sa kusina si Xavier.  Pagkabalik ni Xavier sa grupo ay agad niyang tinungga ang laman ng basong may laman na alak. At habang nakikipag kwentuhan sa mga kasama ay sinulyapan niya si Luke na nakikipag usap kay Carl. Ibang iba na ito sa ngayon. Tila malayo na ang narating nito sa buhay base na rin sa kanyang mga nakita mula ng una niya itong nakita sa restaurant habang palabas sila ni Cindy.  Mabilis na lumipas ang mga oras at umabot na iyon ng alas dos ng madaling araw. Halos lasing na ang iba at si Kenzo ay sa couch na nakatulog pero sina Carl, at Xavier ay nag uusap pa at si Luke naman ay gising rin at umiinom ng mainit na tea sa kusina upang maalis ang medyo pagkalasing niya. Gusto nya umuwi maya maya sa kanyang condo dahil ayaw niyang magtagal pa roon dahil nandoon si Xavier. Matapos niyang uminom ng tea ay napagpasyahan niya ng umalis at nagpaalam kay Carl. Gaya ng kanina ay tinapik niya sa balikat si Xavier bilang pagpaalam gayong nandoon si Carl sa kanilang harap ng mga oras na iyon.  "Pre salamat sa pagpunta mo ah? At kita ulit tayo sa kasal namin ni Karen." Kasabay niyon ay ang manly hug na binigay sa kanya ni Carl.  "No problem, and I will see you guys sa wedding day ninyo." Nakangiting sagot ni Luke. At saka niya tinungo ang pintuan. Alam niyang sa araw ng kasal nina Carl at Karen ay makikita niyang muli si Xavier ngunit hindi na siya apektado sa ginawa nito sa kanya. Kayang kaya niya na itong pakisamahan bilang pakitang tao sa harap ng mga taong naka paligid sa kanila. Matagal na rin siyang nakalimot sa nakaraan nila.  ****** Hindi alam ni Xavier sa kanyang sarili kung bakit nya ngayon sinusundan si Luke ng hapon na iyon. Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang stag party. At base na rin sa way ng kanilang pupuntahan ay sa airport iyon. Nalaman niya lang kay Karen kung saan ito nakatira at ng makita niya itong palabas ng exit area ay napagpasyahan niya na lang na sundan ito. Dumistansya siya ng hindi siya mahalata ni Luke na sinusundan niya.  Nag park sa arrival area ang sinusundan ni Xavier. Kung kaya nag park na rin sya sa hindi kalayuan at tanaw niyang lumabas ng sasakyan si Luke. Hindi na siya lalabas ng sasakyan para sundan pa si Luke dahil alam niyang malalaman niya rin kung sino ang susunduin nito doon.  Makalipas ang mahigit isang oras na paghihintay.  Nakita niyang parating na si Luke papunta sa kung saan naka park ang sasakyan nito at may kasamang isang lalaki. Kagaya niya, moreno rin ito at gwapo. Hindi niya alam kung sino ito sa buhay ni Luke pero bakit tila parang nakaramdam siya ng selos? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD