The Investigation

1904 Words
Biglang nalito si Luke kung ano ang kanyang gagawin ng mga sandaling iyon. Kung itutuloy niya pa bang pumasok sa loob ng lugar o aalis na. Nakatingin pa rin sa kanya ng mga sandaling iyon si Xavier. Pero hindi siya nagpadala sa kanyang nararamdaman at nakita. Nilakasan niya ang kanyang loob at diretsong pumasok at ni hindi siya lumingon upang hindi niya na makita pang muli ang lalaking nananakit sa kanya ng sobra.  "Hi sir, good evening." Bati sa kanya ng isang waitress.  "Good evening too. Table for one please." Sagot niya sa waitress ng makabawi siya sa pagkabigla.  "This way sir."  At sinundan niya ang waitress. At saka siya umupo ng makarating na sa table, sabay abot na rin sa kanya ng menu. Agad niyang inorder ang isang Wagyu steak na may kasamang red wine. At saka umalis ang waitress.  Habang hinihintay ang kanyang order ay tumunog ang kanyang celphone at ng kanyang tignan kung sino ang tumatawag ay agad niyang sinagot.  "Hello love?"  "Love sorry kung hindi pa ako makasunod sa'yo. But I am trying my best."  Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ni Denver na nasa kabilang linya. Pero kung sabagay, baguhan pa lang ito sa pinapasukan nitong trabaho. Kung kaya nahihirapan itong makasunod sa kanya. Magtatagal siya sa Pilipinas kung kaya gusto niya itong sumunod ito sa kanya para hindi nila gaano ma-miss ang isa't isa.  "It's okay love. I understand. Pero sana makasunod ka na agad. I miss you so much love." Paglalambing ni Luke sa nobyo.  "Miss na miss na rin kita love. Don't worry, and I promise, susunod ako sa'yo diyan. Mag iingat ka diyan lagi and I love you."  "Ikaw rin love mag iingat ka lagi and I love you too." At pagtingin ni Luke sa screen ng hawak na celphone ay nawala na sa linya si Denver. At saka niya naalala si Xavier. Hindi niya maikakaila na mas lalo itong gumuwapo ngayon na binagayan ng kutis nitong moreno, at sabayan pa ng clean cut nitong gupit. Kinastigo niya ang kanyang sarili sa naisip. Hindi na niya dapat pang isipin pa ang lalaking matagal ng wala sa buhay niya na nagdulot sa kanya ng labis na sakit at kalungkutan.  "Alalahanin mo Luke, narito ka para sa project at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Leila mo." Mga salitang kanyang itinatak sa isipan.  ******* Nandoon si Xavier sa kanyang silid ng mga oras na iyon. Matapos niyang ihatid si Cindy sa bahay nito ay hindi na siya tumuloy pa sa usapan ng kanyang mga team mates na lalabas sila ngayong gabi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba mula ng kanyang makitang muli si Luke sa loob ng mahabang walong taon. Gustong gusto niya na itong kausapin kanina ngunit bigla itong naglakad papasok sa loob. Nais niya sana itong habulin sa loob ngunit umurong ang kanyang lakas ng loob ng maalala niya ang kanyang nagawang kasalanan. Bumalikwas siya ng bangon at umupo sa gilid ng kama. Tandang tanda niya pa ang mga huling eksena nila noon sa loob ng kubo kung saan sila madalas magkita at umiiyak ito kasabay ng pagmamakaawa sa kanya.  Biglang naramdaman niya ang nagbabadyang pagluha na hindi niya mapigilan.  "Patawarin mo sana ako Luke. Napaka laki ng kasalanan ko sa'yo at ni dad." Sabay pikit ng kanyang mga mata. Mula ng mawalan na siya ng balita kung nasaan si Luke ay madalas siyang pumupunta sa kubo at doon ay inaalala niya ang lahat ng mga pinagsamahan nila kasabay ng tahimik na pag iyak.  ******* "Fifty thousand pesos." Pahayag ni Luke ng inilapag sa mesa ang isang brown envelope. "Paunang bayad pa lang iyan."  "So ano ang gusto mong ipagawa sa akin?" Tanong ng isang lalaking nakasuot ng isang itim na jacket.  "Gusto kong alamin mo ang lahat. Kung sino ang mga nandoon ng binaril ang aking kapatid na si Leila Diaz."  "Sige, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko kahit na medyo mahirap. Mahabang panahon na pala ang nakakalipas pero hindi ko tatanggihan ang pinapagawa mo sa akin. Sige mauuna na ako." Paalam ng isang lalaking kinatagpo ni Luke sa isang tagong coffee shop.  "Goodluck and magreport ka sa akin kung anuman ang malaman mo. Thank you." At tinignan lang ni Luke ang private investigator na kanyang kinuha habang naglalakad ito palayo. At saka niya binuksan ang dalang laptop at doon niya inumpisahan ang mga dapat gawin sa kanyang ginagawang project para sa Pacific Airways.  Kakatapos niya lang ng lunch meeting with his colleagues ng makatanggap siya ng tawag mula kay Karen.  "Luke, may bridal shower party ako next weekend and si Carl naman ay may stag party and he is inviting you to come if available ka. Ano game ka ba?"  "Ahm, yeah, I am free next weekend. Sure, I will join them." Nakangiting sagot ni Luke kay Karen sa kabilang linya.  "Talaga, thank you! Matutuwa si Carl niyan. Lagi ka nga niyang binibida sa mga kaibigan niya. Oh sige, tatawagan kita ulit kung saan ang venue or better yet, daanan ka ni Carl sa condo mo at sabay na kayo pumunta sa stag party niya. Bye."  At saka nawala si Karen sa linya. Kung kaya sinimulan niya ng magmaneho pauwi para di siya gaano ma-traffic sa daan. Pagkarating niya sa loob ng condo ay agad siyang tumungo sa kusina upang maghanda ng hapunan. Baked Salmon ang kanyang hinanda at iilang mga steamed veggies gaya ng Carrots, Asparagus at Beans. At pasalampak siyang umupo sa couch para doon kumain ng hapunan at ini-on niya ang tv. Saktong pagbukas niya ng tv ay nasa commercial si Xavier. Isa iyong enegry drink. At bigla niyang inilipat ang channel. Iilang araw na siyang laging nakakarinig maging sa radyo o sa labas patungkol kay Xavier at sa ama nito. At ng maka tiyempo siya ng magandang panuorin ay doon niya itinutok ang atensyon habang kumakain.  Napili niyang isuot ang isang all black na suit sa kanyang pupuntahan na event. Inimbitahan siya ni Mr. Mario de Ayala sa bagong itinayo nitong high rise condominium. Matapos niyang tignan ng maigi ang kanyang sarili sa salamin ay nag-spray siya ng pabango at saka umalis. Matapos ang halos twenty minutes drive ay nakarating na siya sa venue. Sabay bukas ng bintana ng sasakyan niya sa harap ng entrance ay ibinigay niya sa security ang invitation na kanyang dala.  Pagpa park ng kanyang sasakyan ay napansin niyang marami na rin ang mga dumating na bisita.  Kaagad niyang hinanap ang kanyang boss na si Mr. de Ayala at ng kanyang makita kinaroroonan nitong table ay lumapit siya.  "Oh, there you are Mr. Diaz. Thank you for coming tonight." Nakangiting pahayag sa kanya ng kliyente.  "The pleasure is mine Mr. de Ayala." Sagot ni Luke habang nakikipag kamay. At nahagip ng kanyang paningin ang isa sa mga nandoon. Ang anak nitong bunso at kaisa-isahang anak na lalaki na nakaupo sa table at tiyak siyang angkan ng mga de Ayala ang iba pang nandoon sa table na iyon. Ngayon niya lang nakita ito sa personal pero matagal na niya itong nakikita sa tv, magazines at mga newspapers sa U.S. at napansin niya rin ang mga iilang bodyguards na nagkalat sa paligid.  "Oh, by the way Mr. Diaz, meet my son Mark Andrew and Hijo, this is Mr. Luke Diaz. He came from the U.S just to do a special job for our new project." Pagpapakilala sa kanilang dalawa ng anak nito. At nag shake hands sila at nakikilala niya na rin ang iba pang nandoon sa table. Ilang minuto rin siyang nakipag usap sa mga nandoon at ng magpunta na si Mr. Mario de Ayala sa stage ay nagpaalam na siya at nagtungo sa isang table kung saan nandoon ang iilang mga kakilala niya sa ginagawang project. Hindi pa siya nagtatagal sa upuan ay may nahagip ang kanyang tingin. Si Mr. Henry Villamor ang kanyang nakita. Ano ang ginagawa nito roon sa ganoong event? Saka lumikot ang kanyang isipan. Kung hindi siya nagkakamali ay dumidikit ito sa mga de Ayala para sa pangangampanya. Napailing na lang siya ng marahan. At siniguro niyang nakatalikod siya sa mga ito upang hindi siya makita.  Habang nagmamaneho pauwi sa kanyang pagliko sa kanto ay bigla siyang may nahagip na babaeng patawid na sana at huli na para makapag preno siya dahil nahagip niya ang babaeng patawid. Agad siyang bumaba at kabadong tinignan ang babae at tumingin sa paligid upang humingi ng tulong para madala iyon sa ospital. Ngunit napansin niyang wala naman natamong sugat o galos ang babae. Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Sa kanyang pagtayo at pabalik na sana siya sa loob ng sasakyan ay huli na ang lahat dahil may lalaking nakatayo at may hawak na baril na nakatutok sa kanya.  "Akina ang susi ng sasakyan mo. Kung hindi papatayin kita." Banta ng lalaki sa kanya.  Tinignan ng maayos ni Luke ang lalaki at ang hawak nitong baril. At kung hindi siya nagkakamali, hindi tunay na baril ang hawak nito. Kung kaya may naisip siya. Kaya niya naman siguro labanan ang lalaki at ang babae na kasabwat nito ay hindi na gaano problema para sa kanya.  Ibibigay niya na sana ang susi at bigla niyang tinabig ang kamay nito na hawak ang baril kasabay niyon ay nabitawan ng lalaki ang hawak.  "Aba, matapang ka ah?" Galit na reaksyon ng lalaki.  At pasugod na sana ito sa kanya ng may dumaan at huminto na isang maingay na sasakyan. Dahilan upang magsipulasan ang lalaki at ang babaeng kasabwat nito.  "Luke?" Tanong ng isang lalaking nakasakay sa dumating na sasakyan.  Gulat na gulat si Luke sa lalaking sakay ng isang blue na Nissan GT-R.  Si Xavier Villamor iyon.  Hindi niya ito pinansin pa at akma na sana siyang aalis upang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan ay mabilis na lumabas ng sasakyan si Xavier. At hinabol siya dahilan upang maabutan siya nito.  "Luke, are you okay? Nasaktan ka ba?" Nag aalala nitong tanong sa kanya habang hawak ang magkabilang balikat niya. At agad niyang inalis ang mga kamay nito sa kanyang balikat.  "Seriously? Can't you see? I'm alright and thanks anyway." Pa-sarcastic niyang sagot sa dating nobyo. "I'll go ahead now."  "But Luke wait!" Sigaw ni Xavier kay Luke.  Hindi na si Luke nag aksaya pa ng oras, at pumasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan at mabilis niya iyon pinaandar ng mai-on niya na ang makina. Wala siyang panahon upang makipag kuwentuhan pa kay Xavier. Tapos na ang papel nito sa buhay niya. At may dapat siyang tapusin habang nasa Pilipinas siya.  Tinitignan ni Xavier ang papalayong sasakyan ni Luke. Napabuntong hininga nalang siya sa inasal sa kanya ni Luke. Kunsabagay hindi niya ito masisisi dahil malaki ang kanyang kasalanan. Kanina habang nagmamaneho siya ay napansin niya pa lang sa malayo ang eksena kung kaya sinadya niyang dumaan mismo sa puwesto na iyon dahil may kung anong humihila sa kanya na puntahan iyon upang tumulong. At laking gulat niya ng makita niyang si Luke ang nais biktimahin kung kaya nag alala siya para dito. Malakas ang kanyang kutob na magkikita at magkikita sila ulit.  Abala si Luke sa kanyang ginagawa sa kwarto ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kinuhang private investigator.  "Mr. Diaz, may nakakita sa nangyari sa kapatid mo. Pero missing ang taong iyon at siya ang hahanapin ko para malaman mo ang buong katotohanan."  "Sige salamat sa balita. Please do that. Gusto ko ng mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD