Agad na pinatulog ng kasamang dalawang tauhan nina Luke si Denver sa pamamagitan ng paghampas ng baril sa batok nito at saka kinalagan upang isama sa pagtakas. "Luke, kailangan na natin umalis dito habang hindi pa nakakapasok ang mga kalaban. Hindi tayo puwedeng sumugal para lumaban. Hindi natin alam kung ilan sila at ano ang mga dala nilang armas." Napatango nalang siya sa sinabi ni Warren. Kung kaya nagsimula na silang tumakas sa may bandang likuran ng lumang bahay habang naririnig nila ang malakas na palitan ng mga putok ng baril. Pero hinanda na niya ang kanyang sarili. Ina-anticipate na niya na baka may makasalubong silang kaaway sa labas. Hindi inaakala ni Blake ang bilang ng mga taong kanilang nakaka barilan. Kung kaya tinawagan niya si Mr. Dominic Gonzales upang humingi ng tu

