Pagdating nila sa isang tagong bahay ay agad silang nagtungo ni Mr. Gonzales sa isang silid kung nasaan ang kanyang mga magulang. Naabutan nila si Xavier na nakaupo at pinagmamasdan ang kanyang mga magulang na nakaratay sa higaan. "Iiwan ka na muna namin iho."paalam ni Mr. Gonzales kay Luke. At saka ito lumabas ng silid kasama si Xavier. For the second time na makita ni Luke na nasa ganoong lagay ang kanyang mga magulang ay agad siyang umiyak. "Papa!" humihikbing reaksyon niya ng lapitan niya ang kanyang ama na walang malay at may mga naka-kabit ditong mga aparato. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang papa habang humihikbi. Dumako naman ang kanyang tingin sa kabilang higaan kung saan nandoon ang kanyang mama. Kagaya ng kanyang papa, may mga naka-kabit rin na mga aparato sa kanyang mam

