Sa isang well secured na lugar nagkita sina Mr. Gonzales at Xavier. Nagtataka si Mr. Gonzales sa kagustuhan ni Xavier na magkita sila ng biglaan kung kaya pumunta na rin siya sa dating lugar kung saan sila nagkikita. "Mr. Gonzales, nalaman ko ang nangyari sa ginawa ninyo sa isang bahay ni dad. Pasensya na pero hindi ko gusto ang nangyari." Napakunot noo si Mr. Gonzales sa narinig niya mula kay Xavier. "Why?" Napailing si Xavier bago sumagot. "Mr. Gonzales ang ginawa ninyo kay dad, ay mas lalong hindi magiging maganda ang mga mangyayari. Kilala ko si dad. Sa nangyari, tiyak akong gagawa at gagawa siya ng paraan upang malaman kung sino ang may gawa whatever it takes. Mr. Gonzales, bakit hindi na lang natin si dad ipahuli sa mga pulis? Kaysa sa ganitong paraan? Mas marami ang mga ma

