Lubos na nagtataka man, ay nakaramdam si Xavier ng kakaibang saya sa kanyang nakikita. Ngunit bigla ring nawala ang nararamdaman niyang kasiyahan ng maalala niya ang sinabi ng kanyang daddy. "Basta ayoko lang na malaman pang muli na nagkikita o nakikipag usap ka sa animal na iyon." Ibinaling na lang ni Xavier sa mga bata ang kanyang atensyon. Lubos na ikinabigla ni Luke na makitang nandoon si Xavier sa lugar na iyon. Of all places sa Pilipinas ay dito pa talaga sila magkikita? Bigla siyang nakaramdam ng awkwardness ngunit hindi niya iyon pinahalata sa kanyang dalawang kasama na sina Victor at Alexa. "Sweetheart, si Xavier Villamor! Si idol!" Natutuwang reaksyon ni Victor sa nobyang si Alexa. "Oo nga sweetheart. Hindi ko ini-expect na nandito siya at ginagawa nya rin pala ang gani

