Chapter 6

1912 Words
~Afternoon~ Pumasok na ako sa 1st subject ko para sa hapong ito. Habang nagtuturo ang lecturer sa harap ay biglang may kumatok na isang istudyante mula sa pintuan "Excuse me, pwede po bang mag-announce?"-tanong agad nito "Tungkol saan iyan?"-tanong ng guro sa kanya "About clubs lang po na pwede nilang salihan"-istudyante "Okay, come in"-pinapasok ng lecturer namin ang istudyante "I am your SSG president, gusto ko lang ipaalam sa inyo na bukas na ang mga clubs. Marami kayong pwedeng salihan, yung mga interesado na sumali pumunta nalang po kayo doon sa gym yun lang thank you"-pagkasabi niya nun ay nagpasalamat at nagpaalam siya sa lecturer bago siya lumabas. "Okay lets continue"-sabi ng lecturer namin at nagpatuloy na ulit kami puro discussion at mga quizzes lang ang ginawa namin buong maghapon kaya ng matapos ay nagtungo agad ako sa gym upang tignan ang mga clubs na meron doon. Pagkapasok ko palang ay marami na agad ang istudyanteng naroon na nagtitingin at sumasali sa nagugustuhan nilang club "Hindi ko alam na ganito pala karami ang interesado sa mga clubs"-wika ko sa sarili ko habang naglalakad at hinahanap ang club na gusto ko "Sali na po kayo dito" "Dito po, dito po" "Lapit na po kayo dito" yan at iba pa ang naririnig ko, masyadong maingay dahil sa dami namin. "Kindly go to stage tomorrow morning at 10am para makita namin kung makakapasok ka sa amin"-wika ng babaeng nag-assist sakin kung saan ko isusulat ang pangalan ko. Yes sumali ako sa isa sa mga ito because its my passion. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa sasakyan ko upang makauwi na pero bago ako makarating sa kalsada ay nakita ko yung grupong nanggulo sakin kanina sa canteen, mukhang inaabangan ako. Nakadaan ako doon ng di nila napapansin. Tingin ko ay di nila alam na may sasakyan ako di naman ganun ka tinted ang sasakyan ko kung kaya't siguro ay di nila ako namukhaan. Ng makauwi ako ay sinabi ko nalang kay mommy na doon nalang ulit ako kakain sa kwarto ko and same reason din ang sinabi ko sa kanya pagkatapos kong kumain ay naligo lang ako saglit at agad na natulog ~Kinabukasan~ Its already saturday morning, nababagot na ako sa kakahiga ko kaya tumagilid ako at napatingin ako sa isang feather na nasa sahig saglit ko pa itong tinitigan hanggang sa makaisip ako ng kalokohan na agad na nakapag-pangiti sakin. Agad kong kinuha ang mask ko at nagpunta sa kwarto ni ate pinihit ko ang door knob neto pero nakalock. Kinuha ko ang duplicate key sa lalagyan at dahan-dahang binuksan ang pinto. Dahan dahan din akong lumapit sa ate kong mahimbing pang natutulog. Inilabas ko na ang feather na pinulot ko at pigil tawang inilapit ko ito sa ilong niya. Agad siyang nakiliti at pinunasan ang ilong niya inulit ko pa ito ng ilang beses hanggang sa di ko na napigilan ang sarili kong matawa "HAHAHAHAHAHA"-malakas na tawa ko at ng tumigil ako ay napatingin ako sa ate ko at tulog  pa rin siya. Tulog mantika talaga to tsk. "Ate gising na"-bulong ko sa kanya "Hmmm"-ungol niya at humarap sa kabila kaya umakyat ako sa kama niya at *BOGSHHHHH* dinaganan siya "Ate bumangon kana"-sabi ko pa at niyugyog siya habang nakadagan pa rin ako sa kanya "Wag ka ngang magulo ano ba"-reklamo niya at tinulak ako "Gumising kana kasi ate"-sabi ko habang niyuyogyog ko siya ng makaupo ako "Ano bang kailangan mo at sobrang aga pa kung manggulo ka, inaabala mo ang tulog ko"-sabi ni ate at dumapa sa kama niya "Wala kasi akong magawa nabo-bored na ako, baka may pupuntahan ka ate sama naman ako"-sabi ko sa kanya at nakihiga na rin sa kama niya "Mag solo flight kana lang, malaki kana kaya mo nayan"-ate "Nga pala ate sumali ako sa clubs"-ako "Ohh ano naman ngayon"-siya "Wala lang pupunta kasi ako doon ngayon baka gusto mong sumama?"-ako "Ano bang sinalihan mo"-ate "Dance club"-ako "At kailan kapa natutong sumayaw?"-gulat na tanong niya habang napapaupo pa sa kama "Grabe ka maka-react ate ahh parang tingen mo naman impossibleng matuto akong sumayaw"-sabi ko sa kanya at tumayo na "Samahan mo na ako ate pagkatapos gumala naman tayo ang tagal na rin since last na nagbonding tayong dalawa"-dagdag ko pa "Liam ikaw ba talaga yan? Bat parang nag-iiba kana? Yan ba ang dulot ng new school?"-sunod sunod na tanong ni ate at tumayo pa para hawakan ako sa leeg at noo "Si ate naman, ayaw mo nun? Bumabalik na ako sa dati"-ngusong sabi ko "Gusto ko nga yan ehh, sige-sige sasamahan kita ngayong araw. Anong oras alis natin?"-tanong niya habang inaayos ang gulong buhok niya " 9:30 ate, sa labas nalang tayo kumain baka makita ni mom itong tinatago ko mabisto pa ako tsaka ikaw ng bahalang magpaalam ate ha"-sabi ko dito at lumabas na sa kwarto niya Bumalik na ako sa kwarto ko at nagmuni-muni saglit since masyado pang maaga at bumalik ang ala-alang ayoko ng alalahanin pa -----Continuation of flashback----- Habang nasa daan ay naglalaro kaming dalawa ni Sky ng pou sa tablet ko. "Madaya out kana ehh ako naman"-sabi ni Sky habang inaabot ang tablet sa kamay ko "Di pa kaya"-sabi ko naman sabay tayo at taas ng kamay ko para di makuha ni Sky ang tablet sa akin. Pero pilit niya pa rin itong inaabot kaya lumapit ako banda sa may driver seat para makalayo sa kanya kaya bigla siyang umupo na parang maiiyak na lalapitan ko na sana siya pero huli na. Bigla nalang akong tumalsik palabas sa harapan ng sinasakyan namin dahil sa sobrang impact ng kung anong tumama sa sasakyan at sobrang layo ng binagsakan ko kung nasaan ang sinasakyan namin bigla akong nakaramdam ng hilo kaya wala sa sariling napahawak ako sa ulo ko at nahawakan ko ang basang parte nito. Kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo pero kaagad akong natumba. Bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko nalang na may isang kotseng itim ang huminto sa tapat ng sasakyan namin lumabas ang dalawang lalaki rito at kinuha si Sky and all went black ----------------- Nagising ako dahil sa kung anong humahaplos sa kamay ko at ng mapatingin ako rito ay nakita ko si mommy'ng umiiyak "Mom where are we? Where's Sky?"-agad na tanong ko pero imbis na sagutin ako ay dali-dali siyang pumunta sa ulunan ko at may sinabi rito ng matapos ay ibinalik niya ang atensyon sakin "Mom where are we?"-tanong ko ulit "Nasa hospital tayo anak nadisgrasya ka"-sabi niya sakin "Nasaan si Sky mom? Nakita ko siyang isinakay ng dalawang lalaki sa kotse"-sabi ko "Sorry anak"-paulit-ulit nalang niyang sinasabi pero kahit na nalilito ako ay kusa nalang nagsituluan ang luha ko at bigla nalang akong nakaramdam ng hilo kasabay ng mga panginginig ng kamay ko. Dali-dali akong niyakap ni mommy sabay pasok ng doctor at may kung anong itinusok sa akin kaya bigla nalang akong nanghina and all went black. Kada magigising ako ay ganun nalang lagi ang nangyayari sakin. Tumagal yun ng halos dalawang buwan bago mawala. Kasabay ng pag-ayos ng pakiramdam ko ayon sa doctor ay ang pagkawala ko ng gana sa lahat ng bagay di na ako masyadong kumikibo, kumakain, nagsasalita at kung ano ano pang bagay na siyang natural kong ginagawa bago mangyari ang aksidente. ------------------ ~After an month~ Nagising ako dahil sa pagka-uhaw kaya bumaba na muna ako para kumuha ng tubig sa kusina since di naman nakakatakot lumabas dahil bukas naman ang ilaw sa buong bahay. Ng mapatapat ako sa kwarto nila dad ay may boses akong naririnig mula doon kaya nakinig ako saglit dahil baka nag-aaway nanaman sila. "Nasaan si Sky, Mateo?"-rinig kong sabi ni mommy "Ewan ko"-sabi ni dad "Pero nakita ni William na kinuha siya ng dalawang lalaki"-mom "Hindi ko alam, hinahanap ko rin siya pero di ko siya makita ang sabi sakin ng tauhan ko ay kinuha siya ng dalawang lalaki na kabilang sa isang sindikato at pinatay" Wala sa sariling tumakbo ako habang umiiyak pabalik sa kwarto ko dahil sa narinig. Kung ganon kinidnap si Sky at pinatay ng bad person? Habang umiiyak ay sinabi at pinangako ko sa sarili kong "Papatayin ko rin ang lahat ng may kasalanan sa pagkamatay mo Sky" -----End of flashback----- Wala sa sariling naiyak ako kaya dali-dali ko itong pinunasan. Imbis na magmuni-muni pa ay tumayo na ako at agad na naghanda pagkatapos ay agad ding bumaba. Napansin ko si mommy sa kusina kaya doon ako nagtuloy "Goodmorning mom, saan si dad?"-tanong ko agad ng makalapit  ako "Goodmorning too, nagpunta na siya sa company at marami pa daw siyang kailangang tapusin. Umupo kana at kakain na tayo"-sabi ni mommy "Sa labas nalang po ako kakain mom gagala naman po kami ni ate ngayon ehh"-tanggi ko "Ahh ganun ba? Teka bat napapadalas yata ang pagsusuot mo ng mask, may sakit kaba"-tanong niya at dali-dali lumapit sakin at hinipo pa ang leeg at noo ko para makumpirma. "Ahh wala po mom ahh"-tanggi ko "Pakisabi nalang po kay ate na doon ko nalang siya hihintayin sa labas mom"-bilin ko pa at lumabas na para maiwasan na makita ni mommy ang tinatago ko. Agad akong nagtungo sa garahe at inilabas ang sasakyan ko mula doon. 20 mins. passed at lumabas na rin si ate mula sa bahay. Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pintuan. "Ang tagal mo naman"-reklamo ko "Masyado ka kasing excited ehh"-natatawang sagot niya at sumakay na siya. Sinara ko naman agad ito at sumakay narin. Agad kaming nagtungo sa school. Ng makarating doon ay di ko na pinababa si ate ng sasakyan at pinaghintay ko nalang siya doon at di naman siya tumanggi. Agad akong nagtungo sa gym kung saan gaganapin ang saktong dating ko doon ay ako na ang panghuling sasalang. Since okay na ako sa suot ko ay agad na akong nagpakitang gilas sa kanila na tumagal lang ng tatlong minuto. "Okay kasali kana samin, Sa miyerkules ang unang practice natin kaya wag kang mawawala"-sabi niya na agad ko nalang tinanguan, since kasali na ako ay di na ako nagtagal doon at bumalik na agad ako sa sasakyan. "Ohh bat ang bilis naman? Ano kamusta nakapasok kaba?"-agad na tanong ni ate ng makapasok ako sa driver seat "Syempre ako pa, tsaka baka mainip ka dito ehh iwanan mo pa ako"-natatawang pagyayabang ko kaya agad niya akong inambaan ng pabirong batok. Nagtungo agad kami sa isang malapit na mall. Pagkarating namin ay agad akong nagpark at bumaba para ipagbukas ng pintuan si ate. "Naks ang gentleman natin ngayon ahh, keep it up bro"-pagpupuri niya na siniringan ko naman. Naglakad na kami papasok. "Kain na muna tayo ate medyo nagutom ako sa ginawa kong saglit na pagsasayaw kanina"-sabi ko sabay akbay sa kanya "At bakit kailangan umakbay pa?"-tanong ni ate at tinignan pa ako "Trip ko lang baka kasi mawala ka ehh, ang liit mo pa naman ang hirap mo hanapin"-biro ko sa kanya na nginiwian niya lang. Agad kaming nagtungo sa isang restaurant pagkapasok ay agad sumalubong ang isang waiter samin "Table for two?"-tanong niya na tinanguan ko nalang. "This way ma'am sir"-sabi niya pa at inalalayan kami patungo sa roon. Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD