William's PoV
Pagkarating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kusina upang kumuha ng yelo sa ref at ice bag. Paakyat na sana ako sa kwarto ko pero nakasalubong ko si ate at agad niya akong hinarang
"Teka anong nangyari sa mukha mo?"-tanong niya ng makita ang mukha kong basag ang gilid ng labi
"Napagtripan lang"-sagot ko
"Saan? Tara sa kwarto ko at ako na ang maglalagay ng yelo diyan at kwe-kwentuhan mo ako kung ano ang lahat ng nangyari"-mahinahong sabi niya
"Kaya ko na to ate and please sana wag na tong malalaman nila mom and dad, tsaka nalang ako magkwe-kwento sayo pagod ako ngayon sorry"-mahabang sabi ko at tinalikuran siya pero agad niyang kinabig ang braso ko para mapaharap muli ako sa kanya
"Bat ayaw mong ipaalam sa kanila ang nangyari sayo?"-taas kilay na tanong niya
"Ayaw kasi ni dad na nasasangkot ako sa ganitong gulo at ayaw kong mag-alala si mom kaya please lang ate sana wag mo ng ipaalam sa kanila"-ako
"Okay okay I get your point. Kumain kana ba?"-tanong niya
"Hindi pa pakihatidan nalang ako sa kwarto ate thanks"-sabi ko at nagmadaling umakyat sa kwarto mahirap na baka tanggihan ako
Nagpalit agad ako ng suot ko at nilagyan ng yelo yung sugat sa gilid ng labi ko na parang nagkapasa na rin. Ng matapos ako ay saktong dumating yung pagkain ko dala ng maid namin kaya kumain na ako pagkatapos ay naligo na at natulog.
~Kinabukasan~
Its already 6 am pero di pa ako bumabangon sa kama sa kadahilanang baka nandoon pa si daddy sa baba at ayokong makita niya ang mukha ko baka kung ano pang abutin ko sa kanya.
Nagmuni-muni lang ako doon hanggang sa umabot ng 6:30 pagkatapos ay naghanda na ako para pumasok. Nang matapos ay ako ay bumaba na ako.
Pagkababa ko ay sa kusina agad ako nagtungo. Nakita kong sila mommy at ate nalang ang naroon. Binati ko sila at nakayukong lumapit at kumuha ng sandwich na babaunin ko nalang upang gawing almusal ko pagkatapos ay mabilis din na lumabas. Narinig ko pa si mommy-ng tinatawag ako pero di ko na pinansin
~School~
Agad akong nagtungo sa room.
"Goodmorning sir, sorry Im late"-agad kong tugon, tsk nalate pa ako dahil sa pasa kong to asar.
"Okay come in"-pagpapapasok niya sa akin. Buti nalang at mabait siya
Agad akong pumasok at dumiretso sa upuan ko. Paupo na sana ako ng tawagin ako ng lecturer namin.
"Since you're late, can you solve this"-tanong niya sakin sabay turo sa blackboard
"Yes sir"-sagot ko. Nagtungo agad ako sa harap at sinagutan ang itinuro niya
"Oww nice, okay back to your seat"-sabi niya ng masagutan ko ang nasa blackboard.
Ng makaupo ako ay kung ano-ano pa ang itinuro niya kaya nakinig nalang ako
~Discuss~
~Discuss~
~Break~
Agad akong nagtungo sa canteen upang bumili ng maiinom since may baon na rin naman na akong sandwich. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-ubos sa sandwich ko ay may naupo sa harapan ko di ko na ito tinignan o sinita dahil di naman niya ako naaabala.
"Ngayon lang kita nakita ahh, bago kalang ba dito?"-tanong ng umupo sa harapan ko
"Yes"-maiksing sagot ko
"Hi I'm Alexander Moratalla, one of your classmate"-pakilala niya
"I am William Jovellanos, pleased to meet you"-pagpapakilala ko rin
"So saan ka galing na school"-siya
"In a nice school"-sagot ko sa kanya at isinubo ang huling kagat mula sa sandwich ko at uminom
"Can you say the name? If you dont mind"-siya
"BNS is the initial of my school before"-sabi ko at tumayo na para pumunta sa room.
"Hey can we be friends?"-sigaw na tanong niya ng makalayo na ako
"Yeah, see yah"-sabi ko at nagtuloy na patungo sa room.
Tulad dati ay ganun pa din ang eksena para sa araw na ito lesson, recitation and hour passed. Its already end of class for today.
Nagtungo ako sa isang malapit na mall para bumili ng mask. Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong isang botique shop kaya napag-isip ko na rin na bumili ng bagong damit, maiba lang.
Ng makapasok ay agad akong namili ng dalawang simpleng damit at isang simple v neck sweater at agad nagtungo sa counter para magbayad.
"Thank you, comeback again sir"-sabi ng casher na tinanguan ko nalang
Agad akong nakahanap ng mask na gagamitin ko upang matakpan ang pasa ko ng matapos ay umuwi na rin agad.
~Bahay~
Agad akong nagtungo sa kwarto para magpalit at bumaba ng matapos
"Kain na anak"-sabi ni mommy na naghahain na ng makakain para sa gabing ito
"Saan po si ate?"-tanong ko kay mommy habang may suot na mask
"Hindi pa siya dumarating"-sagot ni mommy
"Ahh okay, mommy sa taas nalang daw ako kakain may gagawin pa kasi ako ehh"-paalam ko
"Okay papahatidan nalang kita sa taas"-mommy
"Thanks mmy"-umakyat na ako sa taas at naligo. Sa totoo lang wala talaga akong gagawin ayoko lang makisabay sapagkat ayaw kong makita nila ang pasa ko at alamin kung saan ito galing.
~Kinabukasan~
Its already friday, naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba agad ako at nagtungo sa sasakyan ko. Di na ako nagpaalam na umalis in the same reason.
~School~
Nagtungo ako sa room namin at kasabay kong pumasok ang teacher namin kaya dali-dali akong naupo. Kaagad siyang nagturo and hours passed puro discussion lang ang ginawa and its already lunch time
Nagtungo agad ako sa canteen at agad bumili ng makakain, medyo gutom na ako dahil di ako nag-almusal. Naghanap ako ng upuan at agad nilagay ang pagkain doon at inumpisahang kumain. Habang kumakain ako ay pinalibutan ako ng isang grupo, di ko sila mabilang pero sa hula ko ay nasa 12 o 13 sila.
"Ikaw ba yung nababalitang naglalakas-lakasan dito?"-tanong nung umupo sa harapan ko
"Ewan ko, mamaya mo nalang ako kausapin nakain pa ako ehh"-sagot ko dito at tinuloy ang pagkain
Naghiyawan ang mga kasama niya na parang ewan, sobrang ingay nila di ako makafocus sa pagkain. Bigla nalang hinampas ng lalaking nasa harapan ko ang lamesa kaya natapon ang iba kong kinakain, di na ako nakapagtimpi pa at tinignan ko siya ng masama
"Ano lalaban ka?"-hamon niya sakin
"Hindi, madami kayo ehh lugi kayo"-sagot ko habang nakangisi
"Anong gusto mong mangyari?"-tanong neto sabay tayo
"Hoy ano yan"-sita sa amin ng isang teacher na kapapasok lang
"Wala po, nagkakatuwaan lang po"-sagot niya sabay tingin sakin
"Di pa tayo tapos, tara na"-yaya niya sa kasama niya at tuluyan na nga silang umalis.
Jzekiah21