Chapter 4

1779 Words
William's Pov ~Kinabukasan~ Bumangon agad ako at dali-daling naghanda para sa pagpasok pagkatapos ay bumaba agad ako para kumain "Good morning mom ate, where's dad?"-tanong ko ng mapansin na wala siya "Good morning too, nagpunta na sa company why?"-mom answered "Uhm nothing lets eat"-yaya ko sa kanila at naupo na Kumain na kami. Naguusap si ate at mama tungkol sa studies namin ni ate at paminsan-minsan ay sumasabat ako "I have to go mom tapos na po akong kumain at tsaka baka malate po ako"-paalam ko "Okay takecare"-sabi ni ate "Ingat ka bunso"-rinig kong sigaw pa ni ate sakin "Yes of course I will"-sigaw ko pabalik Nagtungo na ako sa sasakyan ko, pinaandar ko ito at nagtungo na sa school ~School~ Nakarating ako sa school 30 mins. bago ang unang klase ko. Pagtingin ko sa gate ay nakita ko yung tatlong lalaking humarang sakin kahapon na nakaabang doon sa gate. Sinuot ko muna yung black jacket ko na lagi kong dala bago bumaba sa sasakyan. Naglakad na ako papasok sa gate ng nakayuko at di nila ako napansin kaya nakapasok at nalagpasan ko sila ng matiwasay ~Classroom~ Nagcellphone muna ako habang wala pa ang lecturer namin. I touched the gallery at tinignan yung picture na kinuhanan noong bata pa kami. How I missed her ~Flashback~ Nanonood ako ng cartoons ng pumunta sa bahay namin si Sky. She is my only and childhood friend. "Tara maglaro tayo sa labas"-yaya niya sa akin "Ayoko magagalit si mommy pag lumabas ako"-sagot ko sa kanya at tinutok ko ulit ang atensyon sa pinapanood ko "Edi magpaalam ka"-sabi niya sakin "Di niya ako papayagan"-sagot ko "Edi dito nalang tayo maglaro sa loob"-sabi niya "Sige pero ipag-paalam mo muna kay mommy"-sabi ko "Sige tara samahan moko"-sabi niya sabay tayo. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Naglakad kami papunta sa kusina kung nasaan naroon si mommy. "Tita pwede po ba kaming maglaro ni William?"-agad na tanong ni Sky "Sige pero diyan lang kayo sa sala"-sabi ni mommy habang abala siya sa ginagawa niyang pagluluto. Nagtungo na kami sa sala at naglaro ----------- Sa bawat araw ay lagi kaming magkasama dahil lagi siyang nagtutungo sa bahay namin at kung minsan naman ay ako ang pumupunta sa kanila. Lagi kaming naglalaro kumakain at kung ano-ano pa. Sabay rin kami kung pumasok "Alis na po kami"-sabay naming paalam ni Sky ng makasakay kami sa sasakyan na maghahatid sa amin sa school "Galingan niyo sa school ha"-sabi samin ni mommy. Kumaway kami sa isat-isa ng magsimula ng magsimula ng umandar ang sinasakyan namin ~End of flashback~ Dali-dali kong itinago ang cellphone ko sa bulsa ng pumasok sa classroom ang lecturer. Naupo agad ito pagkatapos ay agad din namang nagturo samin. ~Discuss~ ~Discuss~ ~Break~ ~Discuss~ ~Discuss~ ~Lunch~ Discussion lang ang ginawa para sa umagang iyon and its already lunch. Inayos ko na muna ang gamit ko. Nahuli akong lumabas sa classroom at dali-dali akong pumunta sa canteen para bumili ng makakain pero pagkarating ko doon ay nakita kong may dalawang lalaking pinagtri-tripan ang isang babae Sitti Juraisa's PoV Its already lunch at dahil sa gutom ay nagmadali akong pumunta sa canteen at agad ding pumila "Isang chicken adobo with rice at isang C2 na malaki"-agad na sabi ko sa tindera ng ako na ang nasa unahan ng pila Agad na isinerve sa akin ang inorder ko kaya kinuha ko na ang wallet ko sa bulsa ko at ng hawak ko na to at akmang bubuksan ay may biglang humablot nito sa kamay ko. Agad akong napatingin dito at napatingala dahil matangkad siya kesa sakin. "Hoy ibalik mo yan"-sigaw ko sa kumuha "Paano kung ayoko?"-pang aasar niya sagot niya sakin "Ibalik mo na sakin yan para mabayaran ko na to ano ba gutom na ako"-sigaw ko sa kanya "Edi kuhanin mo para mabayaran mo na yan"-sabi niya at itinaas pa ang kamay niya. The heck? Paano ko maaabot yun? Sasapakin ko na sana siya dahil sa pag-kaasar pero lumapit sa pwesto namin si William. "Nakaka-abala kayo sa pila ohh"-sita niya doon sa lalaki "Pakielam mo ba?"-yung lalaki "Ahh pakielam ko?"-sabi ni William. Sinuntok niya yung lalaki. Hinablot niya ang kamay nung lalaki at kinuha ang wallet ko sabay sipa ng malakas dito na ikinatumba niya Sumuntok yung kasama niya. Sinalo lamang niya ito at tinignan siya ng masama. Parang natakot ito sa ginawang paninitig ni William pero di siya nagpatinag sumuntok ulit siya at iniharang naman ni William yung siko niya habang pigil niya ang isang kamay neto. Binitawan na siya ni William at humanda para sa gagawing pagsugod nung lalaki sa kanya pero imbis na sugurin siya neto ay nilapitan niya yung kasama niya at inalalayan niya ito palabas. Humarap sakin si William at iniabot ang wallet ko na agad ko ring tinanggap "Salamat"-agad na tugon ko ng maabot ko ang wallet ko mula sa kanya. Pero imbis na sagutin niya ako o tanungin kung okay lang ako ay agad siyang tumalikod at pumunta sa dulo ng pila. Binayaran ko na ang binili ko at pumunta na sa mesa dala ang pagkain ko at nagsimula ng kumain William's PoV Pagkatapos kong kumain sa canteen ay nagtungo na ako sa classroom. Pagkarating ko doon ay nandoon na yung babaeng tinulungan ko "Thank you again"-sabi niya pagkaupo ko sa tabi niya "Its okay"-maiksing sagot ko sa kanya Pumasok na ang teacher namin kaya di na niya ako nakausap. Habang nagtuturo ang lecturer namin ay napapansin kong parang may nagmamasid sakin mula sa kung saan. Kaya nakiramdam ako habang nakikinig. "Okay thats all for today. Be ready tomorrow we will be having a quiz, dismiss"-pagkasabi niya nun ay lumabas na agad siya Nagligpit ako ng gamit at tsaka lumabas ngunit dama ko pa din na may nakamasid sa akin. Pumasok na ulit ako sa sunod na subject namin para sa hapon na ito ~Discuss~ ~Break~ ~Discuss~ ~Dismiss~ Ng oras na ng uwian ay niligpit ko na ang gamit ko at agad na lumabas. Habang naglalakad ako sa hallway ay di parin nawawala ang kanina pa nakamasid sa akin at napapansin kong sinusundan ako nito. Tumingin ako sa likuran ngunit marami akong istudyante na kasamang naglalakad palabas. Nang malapit na ako sa gate ay bigla nalang may humampas sakin ng malakas kaya na-out of balance ako at napadapa sa daanan. Marami akong naririnig na bulungan at nakita kong halos lahat ng istudyanteng kasabay ko ay gumilid at umiiwas upang di madamay "Ehh lampa naman pala ito ehh. Ito ba yung sinasabi niyong bumanat sa inyo?"-sabi ng isang lalaki Tumayo agad ako at titignan sana kung sino ang humampas sa akin pero pagtingin ko palang ay suntok na agad ang sumalubong sakin. May tumulo na kung ano sa ilong ko at ramdam ko ang konting hilo dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Pagkapunas ko palang sa ilong ko gamit ang likod ng palad ko ay may biglang kumabig sa balikat ko paharap sa likuran ko at bigla akong sinuntok sa tiyan at mayroon pang kasabay na pagsipa mula sa likuran ko kaya napadapa ako. Pilit akong pinatayo na isa sa kanila at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. Sinuntok nila ako ng paulit-ulit sa katawan at mukha ko. Medyo masakit na ang katawan ko dahil sa ginagawa nila kaya nung bitawan ako ng taong may hawak sa mga braso ko ay napatumba nalang ako ng kusa sa harapan ko. Pinilit kong tignan kung ilan sila habang iniinda ko ang pagkahilo dahil sa ginawa nilang pagsapak sakin ng paulit-ulit. Tingin ko ay nasa pito sila. Babangon na sana ako para gumanti pero may dumating na babae at sinapak agad ang isa sa kanila. Bigla rin nila siyang hinampas kaya agad siyang napadaing sa sakit "Bat ba ang daming nagmamatapang ngayon? O sino pang tutulong sa kanila lapit lang"-rinig ko pang sabi ng isa sa kanila. Agad akong tumayo ng mawala na ang hilo ko at agad sinuntok yung lalaking may hawak ng pang hampas. Agad itong napatumba sa lakas ng sapak ko sa mukha niya. "Saktan niyo na ang lahat wag lang ang babae"-seryosong sabi ko sa kanila. Sumugod yung dalawa sa akin at agad kong sinalubong ng sipa yung isa at binigyan ng isang malakas na suntok yung isa na parehas nilang ikinatumba. Susugod na rin sana yung mga natitira pero agad na dumating ang tatlong guwardya kaya kanya-kanya silang takbo at hinabol sila ng mga ito "Okay kalang?"-tanong ko doon sa babae habang inaalalayan siya patayo. "Yeah, medyo masakit lang yung part na nahampas"-sabi niya habang nakahawak sa bandang tiyan niya. Teka namumukhaan ko siya. Siya yung babaeng tinulungan ko kanina sa canteen "Anong nangyari?"-tanong ng bagong guwardya ng makalapit siya samin "Napagtripan ako nadamay lang siya"-ako na ang sumagot "Tulungan ko na---" "No kaya ko na to"-pagpuputol ko sa pagpre-presinta ng guwardya "Tara dadalhin kita sa clinic para mapatignan yung hinampas sayo"-sabi ko sa kanya at inalalayan na siya tungo doon Pagkapunta namin doon ay agad na ginamot ang sugat ko sa gilid ng labi at tinignan naman nila yung babaeng tumulong sa akin. Ng matapos gamutin ang sugat ko ay nilapitan ko siya. "Bat mo ginawa yun?"-tanong ko ng makalapit ako sa kanya "Nabubugbog kana kasi kaya tingin ko ay kailangan mo na ng tulong"-sagot niya "Paano kung di lang ganyan ang inabot mo?"-naiinis na tanong ko Sitti Juraisa's PoV: "Di kapa rin nagbabago"-bulong ko "Ano?"-siya "Ahh wala ang sabi ko kung okay kana?"-ako "Ohh, yeah okay na ako thank you sa pagtulong"-sarcastic na sagot niya "Welcome"-pagbabalewala ko sa tono ng sinabi niya "Uhh nurse pwede na po ba kaming umuwi?"-tanong niya sa mga nurse "Oo pwede na"-agad na sagot ng isa sa kanila "Salamat po, tara sabay na tayong lumabas baka mapano ka pa makunsensya pa ako"-sabi niya sakin at nagpamauna ng lumabas. Napangiti ako sa inasal niya. Tsk he still the same "Alis na po kami, salamat po sa paggagamot"-pagpapasalamat ko rin "Sige ingat kayo sa pag-uwi"-sabi nila Lumabas na ako at nakita ko siyang nag-aabang sa labas at ng makita niya ako ay pinauna niya akong maglakad at sumusunod lang siya sa akin mula sa likuran ko. Gaya nga ng sabi niya ay ganun ang nangyari hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan at sabay na umalis mula roon upang makauwi. Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD