Sitti Juraisa's PoV Ng makarating kami sa lugar nila na sa tingin ko ay kanilang kuta ay agad nila akong ibinaba sa sasakyan at mabilis na inakay papasok. "Ano ba wag niyo akong itulak"-sita ko sa isa sa kanilang itinutulak ako. "Bilisan mong maglakad"-sabi ng nasa kaliwa ko na agad ko namang sinunod. May pagtulak pa silang nalalaman gusto lang pala akong pabilisin maglakad. Dalawang katao ang nauunang naglalakad sa amin upang akayin at ilahad ang daan habang mayroon din sa magkabilang gilid at likod ko na siyang nagbabantay sa akin. Napa-ismid nalang ako. Tss tingin ba nila ay tatakas pa ako? "Itali niyo na iyan sa banda doon"-utos ng kung sino na agad naman nilang sinunod. Pagkarating namin ay agad nila akong iniupo at itinali sa silyang bakal na naroon. Maging ang dalawang paa k

