William's PoV "Tang-ina ano nanaman bang kailangan mo?"-sigaw ko ng sagutin ko ang tawag ni Ace. "Kung gusto mo pang makitang buhay ang bestfriend mo ay pumunta kana agad sa lugar na ite-text ko. Bilisan at dalian mo baka hindi mo ng maabutang buhay pa iyon"-sigaw niya din sa akin at agad na binaba ang linya. Agad ko ding natanggap ang text niya at malapit lamang iyon sa kinaroroonan namin ngayon. "Ate dito kalang ha at kahit na anong mangyari ay wag mong bubuksan ang pintuan. Tatawagan nalang kita kapag pabalik na ako"-paalam ko sa ate ko. "Saan ka pupunta?"-nagtataray na tanong niya ngunit mababakas mo ang pag-aalala. "Basta, babalik ako agad ate at kung may masama mang mangyari sayo ay agad mo akong tawagan okay? Aalis na ako"-pagsabi ko nito ay agad akong lumabas. Mabilis kon

